Sijey Writes

Sijey Writes

Share

11/06/2023

Nag iba na talaga siya. Sobra akong nanibago sa mga pinipili niyang salita sa paghabi ng mga tula. Hindi ko rin lubos na maisip na pati ang mga ending ng mga sinusulat niyang mga nobela ay nag iba na rin.

Ang dating punong-puno ng pagmamahal at pag-asa ay hindi mo na mababakas pa sa mga papel at librong binibili at tinatangkilik ng mga bago niyang mga tagasunod.

Hindi naman ako nagbago sa pagbabasa ng mga obra niya. Ni kailanman hindi sumagi sa isip ko na abandonahin ang librong nakikita ko sa mga bookstore.

Hawak ko ang huling librong isinulat niya. wala pang isang linggo'y out of stock na. Hindi ko naman masisisi ang mga mamimili. Limited lang naman daw talaga 'yon pag amin niya sa interbyu noong isang linggo. Mabuti nalang at may kaibigan ako sa isang sikat na bookstore ngayon at nakabili ako ng isa. At gaya ng mga taong nakapila sa hanay ko, papipirmahan ko rin ang librong hawak ko.

Tatlong taon na rin pala simula noong huling beses kaming magkita. Hanggang sa oras na ito tinatanong ko ang sarili ko kung handa na ba akong harapin siya.

Baka hindi pa. Dahil nanginginig ang mga tuhod ko habang umuusad ang pila. Ni ayaw kong tanawin siya mula sa kinatatayuan ko.

Hindi na kasi sya 'yong babaeng iniwan ko tatlong taon na ang nakalilipas. 'Yong babaeng pinagtatawanan ko sa mga corny niyang mga kwento lalo na 'yong mga tagpo sa kwento niyang "...and they live happily ever after..."

'Yong babaeng pinagtabuyan, niloko, at sinabihang hindi siya ang babaeng gugustuhin kong makasama habang buhay. At kahit alam kong gusto niyang ikasal sa edad na dalawampu't lima, ni hindi ko siya sinipot sa mismong araw ng kaarawan niya. At nakipag one night stand ako sa iba't-ibang babaeng nakasalamuha ko sa isang linggong pag-iwas ko sa kanya. Sinig**o kong hindi niya ako matatawagan o mahahanap sa buong linggo na 'yon.

Bakit? Nawalan ako ng gana... sa mundo... sa kanya... sa buhay. Ni hindi ko siya binigyan ng dahilan noong iniwan ko siya sa apat na sulok ng silid aklatan, nang hindi sinasadyang magtagpo kami.

Napakalaking gago! Hanggang ngayon tinatanong ko ang sarili ko kung paano naatim ng sikmura ko lokohin 'yong babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at magsulat. Magsulat ng mga magagandang bagay sa mundo. Sumulat ng mga dahilan kung bakit masarap mabuhay. Sumulat ng mga kwentong pag-ibig ang siyang laging panalo.

At sa mga maling desisyon sa buhay, nakasira pa ako ng iba........

Inilapag ko ang librong hawak ko at iniabot sa kanya. Nagdikit ang magaspang kong k**ay at malambot niyang k**ay.

"Ha-hi..."

Ngiti lang ang sinukli niya sa akin at sumulat sa likod ng libro ko. Tinititigan ko siya nang maigi. She looked fine.

Binalik niya ang libro at nag-sign na hwag ko munang buklatin ang mga pahina.

Tuloy-tuloy lang ang book signing. Sino pa ba ko para umasa na ititigil niya ang ginagawa niya ULIT para sa'kin?

Dinurog talaga ako ng pamagat ng libro niya. Hindi ko pa kayang basahin kahit ang unang pahina.

How He Broke My Heart
Shenna C.

"THIS IS THE LAST PIECE OF TRASH I WOULD EVER WRITE FOR YOU. I'M READY NOW TO CLOSE THE DOOR AND FORGET YOU HOW MUCH YOU FORGET ME. THIS IS GOODBYE.-SC
Basa ko sa acknowledgement.

Patapos na ang book signing, dalawang babae nalang ang nakapila. Nakaupo lang ako at naghihintay, may sasabihin sana ako...
Pero parang umurong ang lahat nang magtama ang mata namin ng tatay mo. Bantay sarado ka pa rin pala niya kahit bente syete anyos ka na.

"Gusto ko lang sanang sabihin na, gago akong pinatunayan ko sa tatay mo na hindi nga ako para sa'yo."

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Pasig