Jaypee
08/11/2025
“Mahal naming Sierra Madre,”
Sa bawat hampas ng ulan at hagupit ng hangin,
ikaw ang aming sandigan
ang ina na walang pagod sa pagyakap sa Luzon.
Ngunit habang kami’y ligtas sa iyong kandungan,
may mga kamay pa ring patuloy na sumisira sa’yong katawan.
Pinuputol ang iyong hininga,
binubutas ang iyong puso,
ngunit ikaw patuloy pa ring nakatayo.
Ngayong paparating na naman si Bagyong Uwan,
hinihiling namin,
laban lang muli,
harangin mo ang galit ng langit,
katulad ng lagi mong ginagawa.
At sa oras na lumipas ang unos,
kami naman ang mangangakong ipagtatanggol ka—
ang ina naming tahimik,
ang tagapagsalba ng aming bayan. 🌿
– Nagmamalasakit, Luzon
© Luzyang
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasay