Ang MATA
20/10/2025
Seasonal na sakit na kumakalat sa Pilipinas: Ang influenza
Ano nga ba ang influenza? Ano nga ba ang magiging bunga nito sa lipunan? Ang influenza ay isang acute respiratory infection, karaniwang tinatawag ding "seasonal influenza" sapagkat ito ay umiikot taon-taon, lalo na sa malalamig na lugar.
Mayroong iba't ibang uri ng Influenza
Influenza A - Ito ay kadalasang sanhi ng malalaking epidemya at pandemya
Influenza B - Karaniwan sa lokal o mas maliit na outbreak
Influenza C - Kadalasan Mild lang ang mga sintomas nito at hindi gaanong nag dudulot ng epidemya sa tao
Influenza D - Hindi kilala nakakahawa sa tao; Karaniwang sa hayop ito nagaganp
Ang sintomas ng sakit na ito ay:
Lagnat
Ubo
Sakit sa lalamunan
Pananakit ng ulo
Pananakit ng kalamnan at kasukasuan
Matinding pagod o panghohina
Chills o dinadala ng lamig
Minsan, maaring may pananakit na mata, pagsusuka o pagtatae, lalo na sa mga kabataan
Ayon sa DOH, magpabakuna laban sa flu taon-taon, ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahin, iwasan ang matataong lugar kung may sintomas, uminom ng maraming tubkg, kumakn ng masustansya at magpahinga, mag suot ng mask kung may ubo o sipon, panatilihing malinks at maaliwalas ang paligid
Base kay DOH Secretary Teodoro Herbosa: โThe Department urges the public to seek early medical consultation โฆ if you experience any symptoms of W.I.L.D โฆ diseases like fever or feeling feverish / chills, cough, sore throat, runny or stuffy nose, muscle or body aches, headaches, fatigue, โฆโ
โ๐ป: Miguel R. Huerto
30/09/2025
National CPR Day, Ipinagdiwang!
Matagumpay na naipagdiwang ang National CPR Day sa Pasay City North High School ngayong Setyembre 30, 2025 sa gymansium mula 8:00 hanggang 11:00 ng umaga.
Nagbukas ang programa sa pamamagitan ng pambansang awit, panalangin, Bagong Pilipinas Hymn at Pasay Hymn.
Pinangunahan ng Philippine Red Cross Council ang Red Cross Youth CPR Caravan agenda tulad ng pagtatalakay sa Cardiopulmonary System, CPR Lecture, DIY Mannequin Making, at Simultaneous CPR na nagbigay kaalaman at kasanayan sa wastong pagbibigay ng CPR.
Bilang pambungad na salita, binigyang diin ni Gng. Grace B. Torres, Principal II at Bb. Virginia J. Mondero, Assistant Principal II ang kahalagahan ng pagsasanay sa CPR para sa kaligtasan ng bawat isa.
Sa huling bahagi ng programa, nagpasalamat si Gng. Ethel S. Donesa, MAPEH Department Head sa lahat ng mga lumahok at nagbigay-inspirasyon sa mga kabataan upang maging handa sa paligid ng pagligtas ng buhay.
Layunin ng programa na ito na maitaas ang kamalayan at kahandaan ng mga kabataan sa pagtugon sa mga emergency.
โ๐ป Precious Jadrielle Cruz
24/09/2025
TINGNAN | ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐ฎ๐, ๐๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ฌ๐
Mainit ang naging pagsalubong kay John Dave Floranda ng mga mag-aaral at kawani ng Pasay City North High School matapos masungkit ang gintong medalya sa ginanap na 2025 Special Olympics Asia Pacific International Badminton Competition sa Kual Lumpur, Malaysia.
Tunay ngang ang husay at galing ng atletang Pilipino ay namamayagpag saanmang dako ng mundo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasay City
Pasay City