Dxdouble-I

Dxdouble-I

Share

Photos from Dxdouble-I's post 03/03/2026

Ramadhan Iranun Corridor Qurโ€™an Memorization Competition, Isinagawa sa bayan ng Parang!

Isinagawa ngayong gabi ang Ramadhan Iranun Corridor Qurโ€™an Memorization Competition sa Iranun Palace sa bayan ng Parang.

Ang nasabing programa ay inisyatiba ng mga Iranun Mayors sa pamumuno nina Mayor Cahar P. Ibay, Hon. Zohria Saglayan Basil, Hon. Pahmia Manalao Masurong, at Hon. AbdulRauf Tomawis.

Lahok sa patimpalak ang mga batang nagsasaulo ng Qurโ€™an mula sa ibaโ€™t ibang bayan na kabilang sa Iranun Corridor.

Layunin ng aktibidad na higit pang palalimin ang kaalaman at pagpapahalaga ng kabataan sa banal na aklat ng Islam, lalo na sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan.

Ipinahayag ng mga lokal na opisyal ang kanilang suporta sa mga programang pangrelihiyon at pangkabataan na nagpapatibay sa pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad.

02/02/2026

๐๐š๐ค๐ข๐ง๐ ๐ ๐š๐ง: ๐Œ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ก๐ž ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‘๐š๐ข๐๐š ๐๐š๐ง๐ฌ๐ข๐ฅ ๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ’๐Ÿ’ ๐ง๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ ๐š๐ง

fans

02/02/2026

๐Š๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‘๐š๐ข๐๐š ๐๐š๐ง๐ฌ๐ข๐ฅ ๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ, ๐๐š๐ -๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐›๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Ÿ’๐Ÿ’๐ญ๐ก ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ ๐š๐ง

Kapatagan Lanao Del Sur โ€“ Sa ika 44th araw ng Kapatagan nagbigay ng ulat at pasasalamat si Hon.Mayor Raida Bansil Maglangit sa mga proyektong isinagawa, kabilang ang mini hospital extension project na pinangunahan ni Dr. Ishmael R. Dimaren Medical Center Chief II ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Ayon kay Mayor Maglangit, malaking tulong ang naturang mini hospital extension sa pagpapabuti ng kalusugan at serbisyong medikal para sa mga residente ng Kapatagan. Aniya, layunin ng proyekto na mapabuti ang healthcare services sa bayan at mabigyan ng mas maayos na pasilidad ang mga nangangailangan ng medikal na atensyon.

Habang binibigyan ng pasasalamat ang mga natapos na proyekto, nanawagan din si Mayor Maglangit sa Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) upang bigyan ng slot o item ang mga g**o mula sa Kapatagan. Ayon sa alkalde, patuloy ang kakulangan ng mga g**o sa kanilang bayan at sana'y mga kababayan nila ang matanggap bilang mga g**o upang maglingkod at magturo sa kanilang komunidad.

Bilang karagdagan, nagpapasalamat din ang alkalde kay Sonny Angara Secretary ng Department of Education (DepEd) sa patuloy na suporta at mga hakbang na ginagawa ng Departamento ng Edukasyon para sa mga barangay na walang paaralan. Aniya, pinapasimulan na ang mga dokumento upang makapagpatayo ng mga public school building sa mga nasabing barangay.

Sa pagtatapos ng kanyang ulat, nabanggit din ni Mayor Maglangit ang natanggap na Gawad Kalasag mula sa Office of Civil Defense-BARMM. Anya, "Bonus nalang ito at ginagawa lang natin ang ating trabaho". Ang gantimpala ay ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng kahusayan sa pag-handle ng mga disaster response at preparedness initiatives.

Ang mga hakbang na ito ay tanda ng patuloy na pag-unlad at pagpapabuti ng serbisyong pampubliko sa Kapatagan, at ang bayan ay umaasa na magpapatuloy ang mga positibong pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Raida Bansil Maglangit.

_Manuel Kali

Photos from Dxdouble-I's post 29/01/2026

MUNICIPALITY OF PARANG, MAGUINDANAO DEL NORTE โ€“ Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng dalawang palapag na gusali ng paaralan sa Gadungan High School, Barangay Gadungan, Parang, Maguindanao del Norte nitong Enero 29, 2026.

Ang proyektong Phase II ng paaralan ay may walong silid-aralan at pinondohan ng programang "Ibayong PagmaMAHAL" sa pangunguna ni Mayor Cahar P. Ibay, Vice Mayor AbdulAziz "Mahal" Ali, at ng Sangguniang bayan members. Ang konstruksiyon ng gusali ay inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon.

Ang proyektong ito ay bahagi ng mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Parang na mapabuti ang mga pasilidad na pang-edukasyon sa rehiyon. Sa pagtutulungan ng LGU-Parang at ng komunidad, inaasahang magiging mas maayos at makabuluhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa Gadungan High School.

Want your business to be the top-listed Media Company in Parang?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Municipal Compound, Poblacion 1, Maguindanao
Parang
9604

Opening Hours

Monday 6am - 9pm
Tuesday 6am - 9pm
Wednesday 6am - 9pm
Thursday 6am - 9pm
Friday 6am - 9pm
Saturday 6am - 9pm
Sunday 6am - 9pm