Unity Neighborhood Association Inc.

Unity Neighborhood Association Inc.

Share

24/12/2025

Hugot ng ating mga nanay sa naganap na palaro sa UNAI Thanksgiving at Year-end Assembly 2025.

Ang mga dumalo na opisyales at miyembro ay nakiisa at nagsaya sa pagsalubong sa Pasko.

Happy Holidays, everyone! 🌲⭐🤟

Photos from Unity Neighborhood Association Inc.'s post 04/10/2025

Maliban sa naging paglilinis o pag aalis ng bara sa ating mga canal. Tayo po ay nagpaayos ng takip ng mga canal dito sa Unity Neighborhood Association Inc.

Isa sa proyekto ng ating asosasyon sa pangunguna ng ating UNAI President Arlen Loredo at mga officers nito para sa pagpapanatili ng kaligtasan sa daanan at kalinisan sa ating lugar.

Nawa'y ingatan po natin ang mga proyektong kaloob ng ating samahan mula sa ating patuloy na monthly contribution.

Photos from Unity Neighborhood Association Inc.'s post 30/07/2025

Maraming Salamat po sa ating Parañaque City Leaders, Strong Brgy Sto. Niño Council, Cavitex, Volunteers at sa iba't-ibang sangay ng Pamahalaang Lungsod sa relief distribution o groceries na ipinaabot sa aming asosasyon Unity Neighborhood Association Inc. na kabilang ang mga owners, sharers at renters. 👏

Bawat pamilyang UNAI ay nakatanggap nito na pawang naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng halos isang linggong sama ng panahon.

Naging maayos po ang relief distribution sa ating area dahil na rin sa ating updated masterlist na pinagtulungan ng ating UNAI Secretary, President, Vice President, katuwang ang iba pang officers (Board of Directors).

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat 🙏

Want your organization to be the top-listed Government Service in Parañaque?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Parañaque