MSWDO - Pandi Bulacan

MSWDO - Pandi Bulacan

Share

Photos from MSWDO - Pandi Bulacan's post 30/04/2026

Solo Parent Celebration Week 2026
April 13–18, 2026

Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Pandi ang pagdiriwang ng Solo Parent Celebration Week bilang pagkilala sa katatagan, sakripisyo, at walang sawang pagmamahal ng ating mga solo parent sa ating komunidad.

Bahagi ng pagdiriwang ang matagumpay na pagsasagawa ng Serbisyo Caravan para sa mga Solo Parent, kung saan naghatid ng iba’t ibang serbisyong panlipunan, konsultasyon, at impormasyon mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal upang mas mapalapit ang serbisyo sa ating mga benepisyaryo.

Isinagawa rin ang 2-Day First Aid Training para sa mga solo parent na naglalayong palakasin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga emergency at sakuna, bilang paghahanda sa kaligtasan ng kanilang pamilya at komunidad.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna ng ating mga lokal na opisyal, sa pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga solo parent.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi.

Photos from MSWDO - Pandi Bulacan's post 25/03/2026

PILAK: Zumba per Barangay, Saya ay Sabay-Sabay!

Kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month, sabay-sabay pong nagpakitang-gilas sa sayaw at sigla ang ating mga PILAK Members sa isinagawang Zumba per Barangay.

Tunay pong nakakatuwang makita ang sigla at energy ng ating mga PILAK Member. Dahil hindi lang po ito simpleng Zumba, isa rin po itong paraan para ipakita ang lakas at pagkakaisa ng kababaihan dito sa ating Bayan ng Pandi.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pakikiisa at suporta sa ating mga programa para sa kababaihan.

Muli, Happy Women’s Month po sa ating mga ka-PILAK!

28/11/2025

Ulat mo, proteskyon ng mga bata.

Ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) ay ang sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa bata gamit ang internet o teknolohiya. Mag-report agad ng mga aktibidad o suspisyon ng OSAEC sa:​

👮🏽‍♀️ PNP Women and Children Protection Center:​
📞 0966-725-5961 (Globe)​
📞 0920-907-1717 (Smart)​

🚨 1343 ACTION LINE​
📞 1343​
📧 www.1343actionline.ph

🚨 Makabata Helpline​
📞 1383 ​

I-comment ang “REPORT” at ipapadala namin itong Reporting Guide sa inyo.


Want your organization to be the top-listed Government Service in Pandi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pandi
3014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm