VIRGINIA RAMIREZ-CRUZ NHS SSLG

VIRGINIA RAMIREZ-CRUZ NHS SSLG

Share

08/07/2026

NO TO BOMB AND GUN JOKES.
Isipin Bago Magbiro. Magsalita nang may Pananagutan.

Ang bawat salitang ating binibitawan ay may kaakibat na pananagutan. Kaya’t iwasan ang mga biro, post, chat, o pahayag tungkol sa bomba at baril na maaaring magdulot ng takot, kalituhan, at seryosong epekto sa ating paaralan at komunidad.

Alinsunod sa Presidential Decree No. 1727, ang sinumang sadyang magpapakalat ng maling impormasyon o magbabanta tungkol sa pagkakaroon ng bomba o iba pang eksplosibo ay maaaring managot sa ilalim ng batas, kahit ito ay sinabi lamang bilang biro.

Bilang mga mag-aaral, gamitin natin ang ating mga salita nang may pag-iingat. Piliin nating maging bahagi ng solusyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng disiplina, paggalang, at malasakit sa ating kapwa.

Tandaan:
Hindi lahat ng biro ay nakakatawa. Ang biro tungkol sa bomba at baril ay maaaring magdulot ng tunay na panganib at legal na pananagutan.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pandi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Pandi
3014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm