Pagsanjan Update

Pagsanjan Update

Share

23/10/2025

I've just reached 300 followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each one of you. 🙏🤗🎉

10/05/2025

PANALO NA SI SOL!
Laguna Governatorial Candidate patuloy ang pangunguna sa survey

San Pablo City— Patuloy na namamayagpag sa pinakahuling survey si Sol Aragones, ang tumatakbong gobernador ng Laguna, matapos niyang mapanatili ang kanyang pangunguna sa kabila ng sunud-sunod na mga isyung ibinabato sa kanya.

Hindi natinag si Aragones sa mga black propaganda na ikinalat ng ilang kampo.

Sa halip na pumatol, mas pinili niyang ituon ang pansin sa kanyang plataporma at konkretong mga plano para sa mas maunlad na Laguna.

Ayon sa kanya, nananatiling positibo at matibay ang suporta ng mga mamamayan, lalo na sa mga bayan kung saan ipinakilala niya ang kanyang programang “GOByernong may SOLusyon.”

“Kahit ano pa ang ibato nila, ang importante ay tapat tayong naglilingkod at malinaw ang layunin natin para sa probinsya,” ani Aragones sa isang panayam.

Ayon sa datos ng isang local polling survey, base sa 3 000 respondents, 41% sa mga ito ang nagsabing si Sol ang kanilang napupusuang iboto, malayo sa kasunod na kandidato na may 29% lamang.

Sa nalalapit na halalan, lalong umiinit ang laban, ngunit kung pagbabatayan ang takbo ng kampanya at dami ng sumusuporta, malinaw ang mensahe ng taumbayan: Panalo na si Sol.

07/05/2025
Want your business to be the top-listed Photography Service in Pagsanjan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Pagsanjan