Falcons Time
16/06/2021
"๐๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฒ๐ฎ๐๐๐ถ๐ณ๐๐น๐น๐ ๐บ๐ฎ๐ฑ๐ฒ."
Salamat Klasmeyt Tel! ๐ฅฐ Ang ating wooden wall clock ay handcrafted from Paete, Laguna.
Get yours now! https://www.gratefulph.com/falcons-time/
Para sa mga hindi pa updated kung sino ang dalawang ๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐ฌ๐ง๐ฆ na napili sa ating 6-6 Giveaway, here's the recap!
Congrats ๐ง๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฟ๐๐, winner of 1 AdU Logo Wooden Wall Clock, and ๐ฅ๐ฎ๐น๐น๐ถ๐ฒ๐ด๐ต ๐๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ ๐๐ผ๐ป๐ฒ๐, winner of 1 AdU Falcons Wooden Wall Clock.
Still want to get the wooden wall clock? Check deal/offer here: https://www.gratefulph.com/falcons-time-winners/
03/06/2021
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ณ๐ฒ๐ฟ ๐ .
Yung tatanungin ka ng kaharap mo na "GALING KA SA ST CANTEEN NOH?" kasi amoy ulam ka Yung halos isabaw ang gravy ng sizzling liempo.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ฒ ๐ข.
Gusto ko lamang pong idagdag ang tusok-tusok (Kikiam, Squid Balls, Fish Ball), yung may napakasarap na sauce na palaging ulam namin sa lunch kapag medyo tight na ang budget. Sauce pa lang ulam na. Solve na kaming mag-classmates sa buong maghapon. Falcon memories live on forever!
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฎ ๐.
Yung tambayan lagi sa culinary laboratory namin at humiga dun habang nag aantay sa next subject. Nakakamiss ang college life. Classmate.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ฒ๐๐ต ๐ .
Hi Klasmeyt, Yes, miss ko na Adamson. Nakakamiss ang maraming BED student na nagtatabuhan, amoy araw pagdadaan sa JP gate. Nakakamis ang 1 minute na takbo sa walkway wag lang malate sa first class. Nakakamis yung mahabang pila sa ST canteen para Paotsin.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ ๐.
Nkakamiss talaga dahil isa akong student assistant na na assign sa canteen nakakatuwa kc ang gravy na yan ay talagang ulam na...hahaha ang amoy ng falcon bridge sa tuwing umaga.
28/05/2021
๐๐น๐ฎ๐๐บ๐ฒ๐๐๐! Paki-inform na lang ang iba.๐
23/05/2021
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐.
Naaalala ko yung estudyante pa lamang ako sa Adamson, favorite tambayan namin ang CS at OZ Bldg. Favorite ko kumain sa Paotsin ST Bldg at Paj Grill. Minsan kapag full na ang canteen, doon ako sa OZ Canteen, medyo konti lang kumakain dun kahit mainit. Tambayan sa SM Manila kapag 6hours vacant time, minsan sa ST Library kunwari nagbabasa :D Naaalala ko kahit nakakapressure ang Engineering, ang sarap pala kapag gumaraduate ka na. Nakaka-inggit ang mga estudyante ngayon, bilang Alumni kapag dumadaan ako sa Adamson. Ang sarap ipinag mamalaki ang school mo sa ibang estudyante, kahit ID lace dala ko dito sa trabaho ko. Sana makabisit muli ako diyan, pagkatapos ng pandemic. Forever Vincentian, forever Adamsonian :)
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐๐ฑ๐ถ๐ฒ ๐.
Yes and of course yung bananacue sa hallway. Wala na sa ngayun.Tapos ung tambayan namin na masagana ngayun savemore na...marami ng nabago.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐ฉ๐ฒ๐ป๐ ๐ฉ.
Some of my experiences are; meeting/consultation with the whole class with Father Rolando Dela Goza as our class adviser, riot at the ST Quadrangle, exhibit/celebration during foundation attending class to some punks instructor and also some punks classmates, attending/visiting mass at Sdamson chapel/church, sitting at ST quadrangle with classmates watching boys and girls, reading/relaxing at the library.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฎ๐ป ๐ .
Masaya rin ako ng college kasi 3 building ang pinapasukan ko isang sa Meralco building tapos isang sa S.T building at sa Main building na ng commerce. madalas ako istanbay sa likod ng commerce building malapit sa ROTC kasi medyo fresh air doon dahil sa puno. masaya rin ako noon dahil madalas yun boycott noon. mga kapwa ko students tlaga punta sila bawat room tapos grabe talaga encourage kami lumabas ng class hehehehe kaya madala kami wala class noon. tropa ko naman noon ay ASOF saka Etivac.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐ป๐ฎ ๐.
Ang sarap balikan ng mga alaala sa Adamson. Botacs ang tambayan namin noon ng mga klasmeyts ko sa BSA. Kopyahan ng sagot sa accounting!!! Burger with egg at iced milo ang madalas kong orderin sa kiosk sa ibaba ng hagdan. Pero yung talagang inaabangan namin noong 1st and 2nd year namin ay yung PE class. Sino ba naman ang di maeexcite habang nasa SV kayo, dadaan yung mga players kasama pa ang guwapong coach na si Coach Luigi Trillo! Extra excited pa pag pina-attend kayo ng PE teacher nyo ng UAAP game sa Araneta! Falcon bridge, walkway, ST canteen, botacs... Saksi sa bawat ngiti, luha, pagod at tagumpay naming mga Adamsonian. Nakakamiss, sarap balikan!!!
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐ฅ๐ฎ๐๐บ๐๐ป๐ฑ ๐.
Nakak miss and sumusunod: - yung Batibot sa ST quadrangle (fountain na ata ngayon), - yung burger sa tindahan sa Batibot - hihingi ng extra blue book kasi may exam - naka tambay sa isang architecture room sa CS Bldg. - tumatawid sa Falcon Bridge from/to CS at ST compound - pinaka ayaw ma assign na room (OZ Bldg) - yung rambulan ng guards at student councils.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐.
Paotsin with iced tea (breakfast), Paj Grill ( Lunch), Cup Noodles kapag wala ng time magbreakfast sa Marian Store. Dati sa Walk Way may sago gulaman with kikiam, di ko na matandaan name ng store, katabi niya dun kami bumibili ng Blue book. Favoritong CR sa OZ 3rd at 4th Floor, sarap mag Jebs. Org Room namin sa CS 2nd floor (BS Chem ). PE Uniform namin dati shorts at polo shirt, syempre dapat baon mo yan. Classroom naming sa Statistics and Probability sa ST dati katabi CR at anglakas ng alingasaw ng Estero de balete. Prof. Sarmiento na parang Major ang Theology niya. Prof. Mateo sa Trigo, siya prof na nagbigay sa akin ng pinakamataas ko na grade. Atty. Cortel , Law Student pa siya nun. Ang galing mag Explain sa Phil. Gov. Prof. Delos Reyes walang boring na sandali sa klase. Kami Unang gumamit ng FRC Building.. Ang makinis at napagandang Francine Prieto Ang 2 years winless record sa UAAP Basketball nun time ni Coach Trillo. Ang napakagandang faรงade ng SV Building. Library, ang tambayan ng may 3 hours na vacant na ayaw magpunta sa SM. Tambayan ang SV Gym kapag nagprapactice and Women Team Basketball at Volleyball, ganda at galing ni Dorothy Torres. Mga mababait na( SA) Student Assistant naming dati, tinutulungan kami sa Enrollment, time naming haba pila eh Ang napaka init na lugar kapag nag Lalaboratory, OZ 4th floor. At pinakahuli napili Thesis ko para ma post sa Chem Congress sa Davao. Syempre nagpunta kami kasama ko sina Prof. Yumul and Prof Mercado.
22/05/2021
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฎ๐ป๐ฒ๐๐ฎ ๐ง.
Yun oh Klasmeyt! 2013 halos mangarag akong bumili ng plain na Navy Blue Tshirt. Taga Cavite ako pero nakarating ako ng Las Piรฑas para lang sa Tshirt. Memorable na yung nakasalubong ko si Kian Cipriano tapos nagmano ako sa kanya. Biro lang!
Basta ang naalala ko lang noon ay puro ako pintura sa mukha at nung tumugtog na ang Callalily, sinabuyan na kami ng mga pintura! Solid dahil sa ST Quad nangyari yon at MYX ang nagsponsor ng event. Sana manalo ako. Dahil sa sobrang busy ng college life ko wala man lang ako nabili na memorabilia ng AdU. Huhu
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป ๐ก.
Isa ako sa mga studyante na inabot pa ung nakatayo sa ST Canteen. Paotsin is life.
Tuwing PE namen lagi ako sumisilip sa SV Gym kc andon yung mga kras kong basketball players.
Danas ko din ung todo pila sa pa xeroxan pra lang makapagpa photocopy ng libro dahil wala ako pambili ng book.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐น๐ฒ๐ป ๐ฃ.
Memorable siguro sakin kahit first year ako ay yung nagdaan kong mga prof nung first sem kasi nahandle nila kami ng maayos kahit madaming di magagandang nangyari at kahit na nasa sitwasyon ng pandemic, new normal, at online class. Super saya and sana kilala pa nila kami.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐น๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฒ ๐.
Epic yang paglalakad sa mahabang walkway kasabay ng mga ibang estudyane. May araw na chill lang ang paglalakad sapagkat maaga pumasok pero kung tinanghali ng gising ang laki ng paghakbang sa paglalakad... Baka yung iba nga eh tinakbo na.. Hindi rin alintana ang pakain sa ST Canteen kahit nakayato basta masaya nagkkwentuhan habang kumakain. Napakasaya balikan ang mga karanasang iyon.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ป๐ป ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฒ๐น๐น๐ฒ ๐.
Namiss ko talaga ang AdU. 2nd home ko yan. Mula Grade 1 hanggang College ba naman hahaha! Yung ang lapit mo lang sa SM Manila, na kapag vacant ay nagpupunta ako doon para mag arcade sa World of Fun at Quantum. Pag tinamad umalis, sa library ang tambayan lakas din kasi ng wifi don hahaha
Ang namimiss ko din ay ang mga prof na terror at sobrang bait, sila ate na nagxexerox sq 2nd floor at sa ground floor ng ST. At syempre ang mga events tulad ng Foundation day, St. Vincent feast day at iba pang events.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐บ ๐.
Nakakamiss yung every MWF bago kami pumasok ng 4pm subject ehh bibili muna kami ng dunkin donuts hanggang sa magkaasaran dahil sa skin color na kinukumpara sa Choco Butternut ng Dunkin Donuts.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ผ๐ต๐ป ๐ฃ๐ฎ๐๐น ๐.
Isa pinaka tumatatak sa akin habang ako ay nagaaral sa adamson ay yung haba ng walkway yung feeling na late ka na pero parang feeling mo parang humahaba yung walkway hahahaha parang ayaw ka ng papasukin sa klase mo hahahaha! May times naman na binabagalan mo na yung paglakad mo dahil alam mong hindi ka na makakaabot hahahaha.
Syempre hindi rin mawawala ang pagkain sa zobel lalo na yung sisigan! Kamiss!! Sobrang daming nangyare sa college days ko at yan ang mga tumatak sa akin. Salamat Adamson sa lahat ng masasayang memory na binigay mo sa akin!
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐ ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐.
Yng mga pag alog ng buildings pag may nadaan na malalaking truck sa san marcelino yung aakalain mo na nalindol. Tapos yung hihikain ka sa taas at tarik ng hagdan ng Cardinal Santos Building papuntang Fourth floor, may kasama pang mga cute na arki at engineering sa second at third floor. Isama mo na din yung elevator ng Ozanam Building na pinapagana lang pag may events si adu or notable na bisita. Yung pila sa Carlos Tiu Building na kahit walang klase magsisinungaling para lang maka akyat sa bagong amoy na building ng adamson.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ฒ๐น๐ ๐.
Ang pinaka hindi malilimutan ay ang mga busy moments namin sa office bilang isang student assistant. Pinaka na-enjoy ko ang mga panahon na nagawa kong makapagserbisyo sa aking paaralan, sa mga manggawgawa nito at sa mga kapwa ko estudyante na nangangailangan ng tulong.
Nakakamiss din tumambay sa mga study areas kasama ang mga kaibigan mo na kasabay mo ding nangarap na balang araw ay gagradweyt kayo lahat at tutupad ng kanya-kanyang mga pangarap. Hayyy, kung maiibabalik lang ang panahon.
โถ ๐๐ฟ๐ผ๐บ: ๐๐ผ๐ฐ๐ฒ๐น๐๐ป ๐.
Klasmeyt noong panahon namin ay nakakatakot pang dumaan sa Falcon Bridge minsan ay lumalabas pa kami sa ST Gate at tsaka papasok sa CS gate at ang namiss ko ay ang mga tuko na naririnig mo sa botanical garden.
Hindi pa aircon Ang aming mga classrooms...Ang professors namin na terror ๏ธ... Ang pillbox na magugulat ka nalang habang nagkaklase, hehehe! Pero sa kabila nito Mahal na Mahal ko Ang Adamson. Sana matapos na Ang pandemyang ito at para makapamasyal ulit sa aking Alma Mater.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Address
Manila East Road, Brgy. Ibaba Del Sure
Paete
4016