Subic Sun
21/07/2026
NCIP BINISITA ANG
KONTROBERSIYAL NA SUBIC DUMPSITE, REHABILITASYON INIREKOMENDA
Subic, Zambales – Nagsagawa noong isang araw ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region III ng validation sa kontrobersyal na dumpsite na nasa loob ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng Ayta Ambala sa Sitio Tibag, Barangay Naugsol, Subic, at iginiit na walang
ebidensiyang nagpapatunay na may mga pamilyang Ayta na sapilitang pinaalis sa kanilang tirahan dahil sa natura.
Base sa inilabas na Memorandum No. R3-2024-07-2894, Series of 202 ni Regional Director Atty. Joyce Lapuz, nagsagawa ang NCIP ng pagsusuri upang alamin ang tunay na kalagayan ng dating dumpsite at tingnan kung may nalabag na mga karapatan ng Ayta Ambala sa ilalim ng Indigenous Peoples Rights Act.
Batay sa pahayag ng mga miyembro ng Tribal Council ng Barangay
Naugsol, pumayag silang magamit ang lugar bilang pansamantalang dumpsite matapos magkaroon ng konsultasyon sa pagitan ng LGU Subic noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Hindi rin matiyak ng NCIP ang usapin sa umano'y buwanang 10,000 na ibinibigay sa komunidad dahil sa magkakaiba ang naging salaysay ng mga residente kung ito ba ay para sa dumpsite o dati ng tulong ng LGU sa mga katutubo bago pa magkaroon ng dumpsite.
Nilinaw ng NCIP na ang lugar na ginamit bilang dumpsite ay hindi dating tirahan ng mga Ayta. Walang natuklasang ebidensiya na may mga bahay na giniba o mga residenteng sapilitang pinalikas sa lugar.
Karamihan umano sa mahigit kumulang na 87 pamilya o katumbas ng 435 na indibdwal na Aeta ay naninirahan sa karatig na Sitio Alibang habang ang ilang kabahayan sa Sitio Tibag ay may sapat na layo ang distansya mula sa dating dumpsite taliwas sa ipinalabas na dokumentaryo na nasa paligid lang ng dumpsite.
Pinabulaanan din ng komisyon ang pahayag na kontaminado ang tubig. Wala umanong nakitang sapat na batayan ang NCIP upang sabihing nakontamina ang mga ilog o iba pang anyong tubig sa lugar.
Mariing pinabulaanan din ng mismong komunidad ang naturang alegasyon at sinabi ng NCIP na kinakailangan ng teknikal at siyentipikong pagsusuri kabilang ang water quality testing bago makapagbigay ng pinal na konklusyon hinggil sa kontaminasyon.
Sa ginawang pagbisita ng NCIP sa dumpsite noong July 17, 2026 wala daw silang naamoy na mabahong amoy at wala ring naobserbahang hindi pangkaraniwang dami ng langaw o iba pang insekto.
Gayunpaman, inirekomenda ng NCIP ang agarang rehabilitasyon ng dating dumpsite sa pakikipagtulungan ng komunidad at ng NCIP upang matiyak ang transparency, pananagutan at pangangalaga sa karapatan ng mga Ayta Ambala.
Inirekomenda rin nito na ang lahat ng proyekto sa loob ng ancestral domain ay dapat may wastong koordinasyon sa NCIP, kumpletong permit at awtorisasyon bago ipatupad.
Sinabihan ng NC IP ang LGU Subic na dapat tuparin nito ang
ipinangakong rehabilitasyon sa dating dumpsite alinsunod sa mga pamantayang pangkapaligiran, at sa interes ng komunidad ng mga
katutubo.
Samantala, naglabas naman ng statement ang "I-Witness" na gumawa ng dokumentaryo na nagsabing, tinitinidigan nila ang kanilang ipinakita at sinabi sa TV documentary. (30)
21/07/2026
FORMER GOVERNOR DELOSO PASSES AWAY
Veteran politician Atty. Amor D. Deloso has passed away on July 20, 2026. He was 87.
The former governor was born on Sept 3, 1938 and has been one of the pillars of Central Luzon politics. He was governor of Zambales for several decades.
Subic Sun joins the rest of Zambales in mourning his demise. (30)
Photo by Percy Roxas (2017)
18/07/2026
LnB National Congress reels off, spotlighting the barangays' role in mitigating the country's current educational crisis
World Trade Center, Manila -- This year's National Congress of the Liga ng mga Barangay sa Pilipinas took off Thursday at the World Trade Center Metro Manila, with officials and representatives from the county's 42,011 barangays attending.
With the theme, "Zero Illiteracy: One Barangay at a Time" aptly putting focus on the country's current educational crisis, and giving President Bongbong Marcos Jr's "Bawat Barangay Makikinabang" initiative another proper platform, the National Congress attracted a distinguished lineup of special guests, including Senator JV Ejercito, BenHur Abalos, house speaker Faustino Dy and many others.
National Liga Jessica Dy led the barangay dignitaries from all over the country, amplifying the theme with her talk about the what why and how of the educational crisis, and by announcing the kickoff of the Liga's new initiative: "Magalang na Pinoy," which is an apparent attempt to galvanize a movement that would bring back the Filipino's treasured mores and values, and other appurtenant initiatives anchored on the same ideals of rebuilding our culture of respect and good character.
The symbolic turnover of the Php200k cheques from the presidential Socio-Civic Projects Fund for the Bawat Barangay Makikinabang was an important highlight.
A special segment of the program was devoted to honoring barangay "last termers" with Meritorious Service Awards."
Olongapo City, led by the city Liga ok president Priscilla Ponge, and supported by the city's 17 Punong Barangays attended the scintillating three-day event, which ends today.
Barangay New Kalalake, headed by PB Sherwin Sionzon, joined the event.
by Percy Roxas
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Olongapo