Ang Siklab
10/12/2025
๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐ซ๐๐ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐, ๐๐ง๐.
Dinaluhan ang taunang Lighting of the Christmas Tree noong ika-5 ng Disyembre 2025, sama-samang nagtipon sa ganap na 5:00 ng hapon ang mga kaguruan, kawani, at mga mag-aaral mula sekondarya hanggang kolehiyo upang opisyal na buksan ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa Columban College Inc. โ Asinan.
Pinangunahan ni Fr. Gerry Pascual ang programa sa pamamagitan ng isang taimtim na panalangin, na sinundan ng pag-awit ng โAma Naminโ na pinangunahan ng Church Chorale. Matapos nito ay isinagawa ang pagbibigay ng basbas sa Advent wreath, Christmas tree, at Belen.
Pinakainaabangan sa programa ang pagsindi ng ilaw ng Christmas tree, na nagbigay ng makukulay na liwanag at masiglang simula ng pasko sa paaralan. Ang sabayang pagningning ng ilaw at presensya ng buong Columbanista ay nagpaigting sa diwa ng pagdiriwang.
Naging matagumpay at makabuluhan ang buong seremonya. Kumuha ng mga litrato ang mga dumalo upang magsilbing alaala sa kanila sa diwa ng pasko.
โ๏ธ: Jay Sereรฑo
๐ท: Jhane Rapal, Ryne Francisco, at Kylezhanjo Muega
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Olongapo