Alexis69

Alexis69

Share

30/01/2026

Walang biglaang pagbabago lahat nagsisimula sa maliliit na desisyon araw-araw. Kung ano ang pinipili mo ngayon, doon ka din dadalhin bukas.

Ang kinabukasan ay hindi aksidente, kundi resulta ng disiplina at pagpili. Hindi sapat ang pangarap kung walang tamang hakbang ngayon.
Kahit maliit na desisyon, may malaking epekto sa tamang panahon. Isang “oo” o “hindi” ngayon, pwedeng magbago ang buong direksyon ng buhay mo.

Kung gusto mong baguhin ang bukas mo, ayusin mo ang ginagawa mo ngayon. Dahil hindi oras ang kalaban kundi mga desisyong iniiwasan mong gawin.

Ang taong may malinaw na kinabukasan ay may malinaw na paninindigan sa kasalukuyan. Alam niya kung ano ang iiwan at ano ang pipiliin.
Hindi mo makokontrol ang lahat ng mangyayari bukas, pero kontrolado mo ang mga desisyong ginagawa mo ngayon.

Credit: MissAnn

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Olongapo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Olongapo
9500