Pagsibol - MJA

Pagsibol - MJA

Share

06/05/2026

πŒπ‰π€, π€ππŽ 𝐓𝐀𝐑𝐀 ?

πŸ“’ π„ππ‘πŽπ‹π‹πŒπ„ππ“ πˆπ’ ππŽπ– πŽππ„π ‼️

Grade 11 ka na ba this coming school year? And you're looking for a school that
nurtures your skills, talents, and dreams?
Huwag nang maghanap paβ€” mag-𝐌𝐚𝐫𝐲 π‰π¨π¬πžπ­π­πž π€πœπšππžπ¦π² (πŒπ‰π€) ka na!

β€œπ‘¬π’…π’–π’„π’‚π’•π’Šπ’π’ π’Šπ’” 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒂𝒔𝒔𝒑𝒐𝒓𝒕 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆, 𝒇𝒐𝒓 π’•π’π’Žπ’π’“π’“π’π’˜ π’ƒπ’†π’π’π’π’ˆπ’” 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 π’˜π’‰π’ 𝒑𝒓𝒆𝒑𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒐𝒓 π’Šπ’• π’•π’π’…π’‚π’š.” β€” Malcolm X

✨ 𝐖𝐑𝐲 𝐜𝐑𝐨𝐨𝐬𝐞 πŒπ‰π€?

πŸ“š Academic Track
Kung nais mong palawakin ang iyong kaalaman at ma-develop ang iyong mga kasanayan sa iba’t ibang larangan, ang Academic Track ay para sa’yo!
Dito, hahasain ang utak at skills mo sa STEM, Business, Arts, at iba pa, para ready ka sa kahit anong course na gusto mo.

πŸ’» Tech-Pro
Kung gusto mo naman ng hands-on at β€œready to work” skills, go for Tech-Pro!
Matututo ka ng ICT, hospitality, automotive, at iba pang practical skills, perfect kung gusto mong magtrabaho o mag-negosyo after SHS.

Ano pang hinihintay mo?
Mag-MJA ka na!

| Written by Maine Sophia O. Biscocho
| Edited by Charles David G. Mercado
| Filmed by John Kier B. Torlao, Charles David G. Mercado, Kyle Joraine G. Obcemea, and Cyrus De Domingo Regacho
| Broadcasters Kyle Y. Layson and Wynn Yanah T. Rebustes

01/05/2026

𝐅𝐄𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 | Kayod Kalabaw

β€œHindi lahat ng bayani ay nakasuot ng kapa.”

Dahil ang iba sa kanila ay nagwawalis ng kalsada, nagmamaneho ng traysikel, at kumakayod na tila isang kalabaw para sa kakarampot na kita sa araw-araw. Mga bayaning hindi kinikilala sa entablado, kundi sa kalsadang init ang kalaban at pagod ang kasama.

Sa bawat basurang tinatanggal sa lansangan, may taong patuloy na lumalaban sa araw at ulan. At sa bawat baryang kinikita, nandoon ang bigat ng isang pamilyang umaasa.

Ang ganitong realidad ang dahilan kung bakit taun-taong ginugunita ang Labor Day tuwing ika-1 ng Mayo sa Pilipinasβ€”isang araw na hindi lamang paggunita, kundi paalala rin ng patuloy na pakikibaka ng mga manggagawa para sa disenteng sahod, makataong kondisyon sa trabaho, at dignidad sa kanilang paggawa.

Ang Araw ng Paggawa ay nakaugat sa pandaigdigang kilusang paggawa noong ika-19 na siglo, partikular sa Haymarket Affair sa Chicago, United States, kung saan ipinaglaban ng mga manggagawa ang karapatan sa walong oras na trabaho bawat araw. Sa Pilipinas, nagsimula itong ganap na ginunita noong 1903 sa pamamagitan ng malalaking pagkilos ng mga manggagawa na humihiling ng mas makatarungang sahod at mas maayos na kondisyon sa trabaho.

Mula sa alikabok ng kalsada hanggang sa malamig na mga opisina at maiinit na mga pabrika, doon umiikot ang buhay ng maraming manggagawa. Ang kanilang araw ay hindi sinusukat sa oras ng pahinga kundi sa bigat ng pagod na kanilang kinikimkim habang patuloy na kumakayod.

Sa bawat oras na lumilipas, may mga katawang unti-unting nauubos ngunit hindi pa rin tumitigil dahil walang ibang pagpipilian. Sa kabila ng lahat, patuloy silang bumabangon, dala ang pag-asang sa mga susunod na araw ay magiging magaan na ang kanilang pasanin.

Sa paggunita ng Labor Day, hindi lamang ito pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng paggawa, kundi pati na rin sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa. Sa likod ng bawat hakbang ng pag-unlad, naroon ang mga manggagawang tahimik na humuhubog ng daan upang maging posible ang bawat progreso ng bansa.

| Written by Cathlyn L. Geneta
| Layout by Kesha O. GereΓ±a

Photos from Pagsibol - MJA's post 12/04/2026

These are the proud participants of Campus Journalism from elementary level to secondary level who have joined News Writing, Science Writing, Photojournalism, Editorial Writing, Editorial Cartooning, Feature Writing, Sports Writing, Column Writing, Copyreading and Headline Writing. Keep shining bright and inspire every single MJA student to discover their inner journalist and join the ranks! If you're still willing to join us, don't hesitate to tell us right away. Your unique story starts here at Mary Josette Academyβ€”let's make headlines together! πŸ“πŸ“°βœ¨


| Written by Syvel R. Tauli
| Layout by Kesha O. GereΓ±a

Want your business to be the top-listed Media Company in Norzagaray?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Mataas Na Kahoy, Tigbe
Norzagaray