Navotas City Library
27/05/2026
📖 Isang malaking pasasalamat at pagpupugay sa ating mga Navotas Polytechnic College (NPC) Volunteer Students at NavotaAs Art Scholars na nagvolunteer bilang mga Storytellers! 📖
Sa pamamagitan ng inyong talento, dedikasyon, at pagmamahal sa literatura at pagkukuwento, nabigyang-buhay ninyo ang mga storybooks at naihatid ang mahahalagang aral, saya, at inspirasyon sa ating mga kabataan.
Patuloy nating palaganapin ang pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto upang mas maraming batang Navoteño ang mahubog sa pamamagitan ng mga kwento at literatura. 📖
20/05/2026
BOOKS AND BREW: A READING HOUR
Tingnan ang mga kabataang nakiisa sa ating Reading Hour kung saan malaya silang pumili o magdala ng kanilang paboritong libro at magbasa habang nagkakape!
Sa simpleng pagsasama ng kape at libro, mas nahihikayat ang kabataan na muling tuklasin at mahalin ang pagbabasa, at gawing bahagi ng kanilang araw-araw na buhay ang pagbisita sa library para sa kaalaman, inspirasyon, at makabuluhang oras ng pag-aaral at pagbabasa.
Magbasa. Magkape. Mag-enjoy!
18/05/2026
COFFEE AND BOOKS AT NAVOTAS CITY LIBRARY!📚☕
Bumisita na sa ating Navotas City Library ngayong Wednesday, May 20, 2026!
Magbasa, mag-enjoy, at magkape habang naglalaan ng oras para sa kaalaman at pagkatuto.
Maaaring magdala ng sariling mug o tumbler para sa mas eco-friendly na coffee experience!
Tara na at samahan kami sa isang masayang araw ng pagbabasa!
08/05/2026
📚 Happy Weekend!📚
Naghahanap ka ba ng babasahin ngayong weekend para sa mga bata?
Tara at tuklasin ang iba’t ibang libreng eBooks at kuwentong pambata online!
Narito ang ilang websites na maaaring bisitahin para sa FREE children’s stories at digital books na siguradong magbibigay saya at aral sa bawat batang mambabasa.
CANVAS
https://www.canvas.ph/art-and-stories
Let’s Read
https://www.letsreadasia.org/
I-scan lamang ang QR code o i-click ang link.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
M. Naval Street , Barangay Sipac-Almacen, Navotas City
Navotas
1485
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |