John Rey Tiangco

John Rey Tiangco

Share

01/06/2026

Sa pagtatapos ng Buwan ng Mayo, balikan natin ang mga inisyatibo, programa, at mga aktibidad na ginawa ng Pamahalaang Lungsod.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta.

Happy Monday po!

Photos from John Rey Tiangco's post 30/05/2026

Nagpapasalamat tayo sa Aboitiz Power Therma Mobile sa kanilang suporta sa patuloy na pagpapalakas ng digital healthcare system ng ating lungsod. Sa pamamagitan ng kanilang donasyong laptops at iba pang kagamitan, mas mapapabuti natin ang paggamit ng electronic health records, mapapadali ang trabaho ng ating healthcare workers, at mas mapapabilis ang serbisyo para sa ating mga kababayan.

Malaking tulong ang ganitong mga inisyatiba upang mas maging maayos, mabilis, at episyente ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Navoteño. Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa at suporta sa ating lungsod.

30/05/2026

Congratulations, Navotas Polytechnic College (NPC) at sa lahat ng pumasa sa March 2026 Licensure Examination for Teachers!

Ang 100% passing rate ng first time LET takers mula sa NPC ay big win hindi lamang sa kolehiyo kundi sa ating buong lungsod. Patunay ito sa mataas na antas ng tertiary education na mayroon tayo, pati na sa galing, talino at di matatawarang determinasyon ng mga mag-aaral na Navoteño.

Alam nating simula lamang ito at marami pang susunod na achievements ang darating sa ating kolehiyo. Sama-sama nating ipapanalo ang edukasyon at tutuparin ang pangarap ng mga kabataang Navoteño.

29/05/2026

Di pa po talaga ako ready… pinilit lang po ako. 😅

Pasado po ba ang outfit check natin?

Happy Friday everyone!

Photos from John Rey Tiangco's post 28/05/2026

Good luck sa mga Navoteño student-athletes na kumakatawan sa ating lungsod sa Palarong Pambansa 2026 simula 24 May sa Agusan del Sur!

Panalo na kayo sa puso ng bawat Navoteño dahil sa inyong tiyaga at determinasyon. Nawa’y magtagumpay kayo at patuloy na maging inspirasyon sa kapwa kabataan.

Shine bright and give it your all!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


M. Naval Street
Navotas
1485