San Rafael Village Elementary School

San Rafael Village Elementary School

Share

07/06/2026

READ: Message of DepEd NCR Regional Director and concurrent Officer-in-Charge of the Office of the Assistant Secretary for Operations, Asec. Jocelyn DR Andaya, for the Opening of Classes, School Year 2026-2027

05/06/2026

PAALALA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL

Narito po ang opisyal na iskedyul ng klase para sa lahat ng baitang sa S.Y. 2026–2027. Hinihiling namin ang pakikiisa ng bawat magulang at mag-aaral sa pagsunod sa itinakdang oras ng pagpasok at pag-uwi upang masig**o ang maayos, ligtas, at produktibong pagkatuto.

Sama-sama nating simulan ang bawat araw nang may disiplina, kahandaan, at sigasig sa pag-aaral!

Kita- kits sa Hunyo 8, San Rafaelians!

Photos from San Rafael Village Elementary School's post 05/06/2026

Mga Batang Lider para sa Ligtas na Paaralan!

Nagsagawa ang ating mga SELG Officers ng Hazard Risk Assessment sa iba't ibang bahagi ng paaralan sa paggabay ni Sir Francis Jugarap, DRRM Focal Person, kahapon, Hunyo 4.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, natukoy ng ating mga mag-aaral ang mga lugar na maaaring magdulot ng panganib at nakapagbigay ng mga mungkahi upang higit pang mapabuti ang kaligtasan ng lahat. Ipinakita nila ang kanilang pagiging mapanuri, responsable, at handang makibahagi sa mga gawaing nagtataguyod ng isang ligtas at matatag na paaralan.

Sama-sama nating isinusulong ang kultura ng kahandaan, pag-iingat, at pagkilos para sa kapakanan ng bawat isa.

Photos from San Rafael Village Elementary School's post 03/06/2026

MATAGUMPAY NA PAGDARAOS NG GENERAL ASSEMBLY/ ORIENTATION NG MGA MAGULANG

Matagumpay na naisagawa ang General Assembly/ Orientation ng mga Magulang para sa School Year 2026–2027 kahapon, Hunyo 2 para sa mga magulang ng Kindergarten at Grade 1, at ngayong araw, Hunyo 3 para naman sa mga magulang ng Baitang 2 hanggang 6.

Naging makabuluhang pagkakataon ito upang pormal na ilunsad ang Brigada Eskwela 2026 at ang Reading Nook: Reading to Rise Program ng paaralan. Tinalakay rin ang mahahalagang programa, proyekto, at mga inisyatiba ng paaralan para sa taong panuruan 2026–2027, kabilang ang Three-Term School Calendar at iba pang mga patakaran at alituntunin ng paaralan.

Binigyang-diin din sa pagtitipon ang iba't ibang programang pangkalusugan tulad ng School-Based Feeding Program, Deworming Program, Measles-Rubella-Tetanus-Diphtheria (MRTD) Immunization, Human Papillomavirus (HPV) Vaccination, at Water, Sanitation, and Hygiene in Schools (WinS). Tinalakay rin ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa PhilHealth YAKAP Program upang masig**o ang mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na nakiisa at naglaan ng kanilang oras. Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay mahalagang susi sa tagumpay ng ating mga mag-aaral at ng buong paaralan.

Nagpapasalamat din kami sa lahat ng ating mga Brigada Partners na dumalo sa ating assembly, sa ating Barangay Captain Richard Co, sa ating mga City Councilors na sina Councilor Ann and Councilor Mylene na nagbahagi din ng suporta para sa ating paaralan para sa Brigada Eskwela.

Want your school to be the top-listed School/college in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Taliba Street Brgy. San Rafael Village
Navotas

Opening Hours

Monday 8pm - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm