NNHS - AP Department

NNHS - AP Department

Share

Photos from NNHS - AP Department's post 24/10/2025

UNITED NATIONS 2025 na may temang: "The Future We Want, The UN We Need: Reaffirming Our Collective Commitment to Multilateralism. ( Ang Kinabukasan na Gusto Natin, Ang UN Kailangan Natin: Pagpapatibay ng Ating Sama-samang Pangako sa Multilateralismo.

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa aktibidad ng isinagawa ng SAMAKA sa NNHS -AP CLUB .......

Ang inyong pakikilahok matagumpay na naipakita sa ating sinisintang paaralan. Ang layunin nito ay magbigay pakikiisa at saya sa pagdiriwang ng UNITED NATIONS DAY sa ating sinisintang paaaralan..

Maraming Salamat sa ating lahat at mabuhay tayong lahat !!!!


-APCLUB

Photos from NNHS - AP Department's post 03/09/2025

โ€œ๐‘จ๐’๐’‚๐’‚๐’๐’‚'๐’š ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’, ๐‘ป๐’‚๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‘๐’‚๐’š ๐‘จ๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’ˆ๐’๐’!"

Sa pagtatapos ng ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ating ginunita ang mga sandaling nagdulot ng inspirasyon, pagkamalikhain, at pagkakaisa. Sa ๐™€๐™จ๐™จ๐™–๐™ฎ ๐™’๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ, bawat panulat ay nagbukas ng mga bagong perspektibo at pag-unawa sa ating nakaraan. Sa ๐™Ž๐™ฅ๐™ค๐™ ๐™š๐™ฃ ๐™ฅ๐™ค๐™š๐™ฉ๐™ง๐™ฎ, bawat tinig ay nagpahayag ng damdamin at pagmamahal sa ating kultura. Sa ๐™‹๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ข๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ, bawat likha ay nagpakita ng talento at interpretasyon ng ating kasaysayan. Sa ๐™Œ๐™ช๐™ž๐™ฏ ๐™—๐™š๐™š, bawat sagot ay nagpatunay ng ating kaalaman at pagpapahalaga sa ating pinagmulan. At sa ๐™‹๐™๐™ค๐™ฉ๐™ค ๐™š๐™ญ๐™๐™ž๐™—๐™ž๐™ฉ, bawat larawan ay nagkuwento ng mga alaala at aral na dapat nating tandaan. Dagdag pa rito, nagkaroon din tayo ng isang matagumpay na ๐™‚๐™–๐™ก๐™ก๐™š๐™ง๐™ฎ ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™ , kung saan mas naipakita at naipaliwanag ang mga likha ng ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga mag-aaral na nagbahagi ng kanilang talento at dedikasyon. Salamat din sa ๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ž๐—” ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—”๐—ฃ ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ, ๐—”๐—ฃ ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ, ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ฃ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ sa kanilang walang sawang suporta at pagtataguyod ng mga makabuluhang aktibidad. Sa bawat isa sa inyo, nabuo ang isang makulay at di malilimutang pagdiriwang ng ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป. Patuloy nating ipagdiwang ang ating kasaysayan at kultura, hindi lamang sa buwan na ito, kundi sa bawat araw ng ating buhay.

Photos from NavoTurismo - Navotas City Tourism and Cultural Affairs Office's post 30/08/2025

REBULTO NI OMAGHICON - ANG DATU NG BUTAS, PINASINAYAAN
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez nitong Agosto 28, 2025 ang unveiling at wreath laying ceremony sa bantayog ni Datu Omaghicon na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Ampitheater sa C4 Road.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng alkalde ang kahalagahan ng pag-alaala sa mga naging ambag ng mga bayani sa kasaysayan at pagsasabuhay sa kanilang magagandang mga adhikain.
Kasamang sumaksi sa gawaing ito ang mga konsehal ng lungsod, barangay officials, mga opisyal ng schools division office sa pangunguna ni Dr. Meliton Zurbano, Samahan ng mga G**o sa Araling Panlipunan (SAGAP), mga student leaders ng Navotas Polytechnic College (NPC), mga opisyal ng Navotas Police sa pamumuno ni P/Col. Renante Pinuela, mga opisyal at empleyado ng pamahalaang lungsod at ng NavoTurismo - Navotas City Tourism and Cultural Affairs Office .
Ang okasyon ay mas nabigyang sigla ng Tanghalang Suhay Dance Company sa pamamagitan ng pagsasadula sa buhay ni Omaghicon at sa masayang tugtugin ng Navotas Cityhall Drum & Bugle Corps.
Ayon sa tala ng kasaysayan, nang dumating ang mga mananakop na Kastila, ang nayon ng Butas ay pinamamahalaan ni Datu Omaghicon.
Isa siya sa mga pinuno na nag - aklas sa pamahalaang Kastila noong 1571, 1574 at 1589.
Ayon sa ilang historyador, ang pangalang Omaghicon ay mula sa salitang Almaghican at kalaunan ay naging Almahicen. Ito ang pinagmulan ng isa sa pinakaunang lugar sa Navotas, ang Almacen. Ito ang pinaniniwalaang lugar ng angkan ni Omaghicon (na ngayon ay ang Barangay San Jose).
Kasama din sa monumento ang rebulto ng dalawa pang bayani na lumaban sa mga mananakop - mga sagisag ng katapangan at pagmamahal sa bayan ng mga Navoteรฑo.
=====================
Reference : Navotas: Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Ron Bryant
Photo credit: Navotas Historical Society, Navoteรฑo Ako - Navotas City Public Information Office, Konsehal CJ Santos page, NPC Artist Club

Want your school to be the top-listed School/college in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


M. Naval Street
Navotas