Ang Isarog
01/07/2026
๐๐ป๐๐ป๐๐๐ผ, ๐๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ด ๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐ป๐๐!
Narito na ang iskedyul ng Phase 2 Screening, na kinabibilangan ng panayam o interbyu para sa mga nakapasa sa unang yugto ng recruitment.
๐๐๐น๐๐ผ ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Manunulat at Tagawasto ng Sipi, Photojournalism at Video Journalism Dibuhista, Taga-anyo at Disenyo ng Pahina
SHS: 9:00 AM - 10:30 AM
JHS: 3:30 PM - 5:00 PM
๐ Lugar: Isarog Office
๐๐๐น๐๐ผ ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Radio at TV Broadcasting
SHS: 9:00 AM - 11:30 PM
JHS: 3:30 PM - 5:00 PM
๐ Lugar: Isarog Office
Mangyaring dumating sa tamang oras. Muli, pagbati sa inyong pag-abot sa ikalawang yugto ng ๐๐๐๐๐๐ฌ: Ang Isarog Recruitment 2026. ๐๐๏ธ
28/06/2026
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐๐ | ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ป๐ธ๐น๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ
Hindi nasusukat ang pagiging inklusibo sa dami ng kulay ng bahaghari na ipinapakita, kundi sa lawak ng espasyong ibinibigay upang walang sinumang kailangang magtago ng tunay na pagkatao.
Madalas ginagamit ang salitang โinklusiboโ bilang simbolo ng pagtanggap sa komunidad ng LGBTQIA+, lalo na tuwing Pride Month kung kailan maraming institusyon ang nagpapakita ng suporta at pagkilala. Ngunit nagiging mababaw ang kahulugan nito kapag nananatili lamang sa mga pahayag, simbolo, at pagdiriwang. Sapagkat ang tunay na inklusyon ay hindi lamang pagkilala sa presensya ng isang tao, kundi pagbibigay sa kaniya ng karapatang makilahok, magsalita, at maging bahagi ng isang ligtas na komunidad.
May malinaw na pagkakaiba ang pagtanggap at inklusyon. Ang pagtanggap ay pagkilala sa isang tao kung sino siya, habang ang inklusyon ay pagbubukas ng mga pagkakataon upang maramdaman niyang kabilang siya. Kung ang isang institusyon ay nagsasabing tumatanggap sa lahat ngunit walang malinaw na patakaran laban sa diskriminasyon, walang ligtas na espasyo para sa pagpapahayag ng sarili, at walang representasyon mula sa mismong komunidad, nananatiling kulang ang kahulugan ng pagiging inklusibo.
Makikita ang kakulangan ng tunay na pag-unawa sa mga simpleng biro na matagal nang nakasanayan ng lipunan. Isang kilos, pananamit, o paraan ng pagsasalita lamang ay agad na iniuugnay sa isang partikular na kasarian o identidad. Sa unang tingin, maaaring ituring itong biro lamang, ngunit sa likod nito ay isang pananaw na nagkukulong sa tao sa mga pamantayang hindi naman niya pinili.
Hindi lamang salita ang nagiging hadlang sa pagtanggap, kundi pati ang mga pamantayang patuloy na ipinapataw ng lipunan. Dahil sa takot sa panghuhusga, may ilang taong pinipiling baguhin ang paraan ng pananamit, pagkilos, o pagpapahayag ng sarili upang maiwasan ang pagtawa, puna, o diskriminasyon. Sa ganitong kalagayan, umiiral ang pagtanggap sa pangalan ngunit hindi sa tunay na karanasan.
Sa mga paaralan, hindi sapat ang pagkakaroon ng mga programa tungkol sa pagkakapantay-pantay kung may mga mag-aaral pa ring natatakot maging bukas tungkol sa kanilang pagkakakilanlan dahil sa pangungutya o panghuhusga. Hindi rin sapat ang pagpapakita ng suporta sa publiko kung walang konkretong hakbang upang maprotektahan ang mga taong kabilang sa komunidad ng LGBTQIA+.
Higit pa sa mga simbolo at kampanya ang kinakailangan upang makamit ang tunay na inklusyon. Kailangang magkaroon ng malinaw na patakaran laban sa diskriminasyon, mekanismong magpoprotekta sa mga biktima ng pang-aapi, at kapaligirang nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa bawat isa. Sapagkat ang pagtanggap na walang aksyon ay nananatiling pangako lamang.
Hindi rin nangangahulugan ang pagiging inklusibo na kailangang mawala ang pagkakaiba-iba ng bawat tao. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagkilala na ang bawat isa ay may karapatang mabuhay at makilahok nang hindi kinakailangang baguhin ang sarili upang maging katanggap-tanggap sa iba.
Hanggaโt may mga taong kailangang itago ang kanilang pagkatao upang maiwasan ang panghuhusga, hindi pa ganap na umiiral ang tunay na inklusyon. Sapagkat ang isang lipunang tunay na tumatanggap ay hindi lamang ipinagmamalaki ang kulay ng bahaghari, kundi sinisig**o ring walang naiiwan sa ilalim nito.
26/06/2026
#๐จ๐น๐ฎ๐๐ก๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป | โNagsagawa ng General Rabuz bilang pagdiriwang ng Philippine Environment Month sa Camarines Sur National High School, Main Campus, ngayong Hunyo 27.
โ
โNagmula ang imbitasyon sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Lungsod ng Naga, na nagbigay ng mensahe na lumahok ang paaralan sa City-Wide and School Perimeter Clean Up Drive.
โ
โLayunin ng aktibidad na gawing malinis, maayos, at maaliwalas ang paaralan para sa mga mag-aaral.
Ulat ni | Neina Sallan / Ang Isarog
Larawang kuha ni | Princess Anne Salvador / Ang Isarog
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Peรฑafrancia Avenue
Naga City