Liwanag
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก| ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด ๐๐ผ๐ผ๐๐ต ๐๐ฎ ๐ ๐ฆ๐๐ฆ
Naging bahagi ang Liwanag sa Grand Pakighimamat kung saan maraming mag-aaral ang dumalo, nakisaya, at nagpakita ng interes na tahakin ang mundo ng pamamahayag.
Maraming Salamat sa pagdalo at pagsali sa Liwanag, MingScians!
๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก | Ang Pagbubukas ng Grand Pakighimamat
Pormal nang nagbukas ang pinakahihintay na Grand Pakighimamat dito sa Minglanilla Science Highschool.
Inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang mga natatanging booth ng ibaโt ibang club. Huwag palampasin ang pagkakataong makisaya, makipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral, at sumali sa mga inihandang aktibidad.
Inaasahan po namin ang inyong pagdalo at pakikiisa!
๐ฅ Dominique Navallo
10/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐ป๐ถ๐ด๐ต๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐น๐๐บ๐ฏ๐๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ผ๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ ๐ฆ๐๐ฆ
Isang oryentasyon ang isinagawa ng mga kinatawan ng Knights of Columbus sa Minglanilla Science High School (MSHS) ngayong araw, Hunyo 10, 2026. Layunin ng talakayan na ito na ipakilala ang pamosong samahan sa mga mag-aaral at tuluyang ituwid ang mga maling paniniwala tungkol dito.
Ayon sa pamunuan, malaki ang pangangailangan na magkaroon ng ganitong oryentasyon dahil marami ang nag-aakala na ang Knights of Columbus ay eksklusibo lamang para sa mga matatanda. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, binigyang-diin ng grupo na bukas ang kanilang pintuan para sa mga kabataan, kung saan maaari nang sumali ang mga interesadong miyembro sa murang edad na sampung (10) taong gulang pataas.
Sa pamamagitan ng talakayang ito sa paaralan, inaasahang mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang tunay na adhikain ng samahan at mas mahuhubog ang kanilang espiritu ng serbisyo at pamumuno sa maagang edad.
๐ท Dixie Bacalso
10/06/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ, ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ก๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ป๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ ๐ฆ๐๐ฆ
Opisyal nang binuksan ng Minglanilla Science High School (MSHS) ang Taong Panuruan 2026โ2027 nitong Lunes, Hunyo 8, kasabay ng pormal na pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral at g**o sa ilalim ng bagong tatlong-terminong (tri-term) kalendaryo ng edukasyon.
Binuksan ng MSHS ang unang araw ng klase sa pamamagitan ng flag raising ceremony na ginanap sa loob ng mismong paaralan. Sa pangunguna at gabay ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG), naging sistematiko at maayos ang unang araw ng pasukan.
Mainit ding tinanggap ng buong komunidad ng MSHS ang mga bagong mukha ng paaralan, partikular na ang mga bagong pasok na mag-aaral mula sa Grade 7 at Grade 11.
Kaugnay nito, nagbahagi naman ng kanyang mataas na ekspektasyon si Kenth Clark Alfeche, isang transferee sa Grade 11. Ayon kay Alfeche, malaki ang kanyang inaasahan sa MingSci dahil sa natatanging reputasyon nito at sa pagkakaroon ng mga matatalinong mag-aaral.
Ipinaabot din niya na ang pagpasok sa naturang paaralan ang nag-udyok sa kanya na maging mas ambisyoso sa kanyang pag-aaral. Umaasa si Alfeche na sa pamamagitan nito ay lalo pa siyang lalago kasabay ng kanyang mga kapwa mag-aaral habang sinusulit ang kanyang karanasan sa senior high school.
Matapos ang pagsalubong at mga paunang oryentasyon, pormal nang nagpatuloy ang regular na klase sa lahat ng antas sa paaralan.
โ๐ป Xyza Floro at Mary Kacey Balorio
๐ท Mielle Abapo, Dixie Bacalso, at Dominique Navallo
08/06/2026
๐๐๐๐๐ง๐| ๐ ๐ฎ๐ด๐ป๐ถ๐๐๐ฑ๐ฒ ๐ณ.๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐น, ๐ฌ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐ฆ๐ผ๐๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ป ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ
Isang magnitude 7.8 na lindol ang yumanig sa Southern Mindanao alas-7:37 ng umaga ngayong Hunyo 8 na ikinasawi ng hindi bababa sa 19 katao at ikinasugat ng mahigit 200.
Naitala ng PHIVOLCS ang episentro ng lindol 32 kilometro sa kanluran ng Maasim, Sarangani na may lalim na 33 kilometro, habang nagpalabas din ng tsunami warning ang mga awtoridad kasunod ng pagyanig.
Iniulat ng NDRRMC na 12 katao ang nawawala matapos ang sakuna, kung saan 16 sa mga nasawi ay mula sa SOCCSKSARGEN at tatlo naman ay mula sa Davao Region.
Umabot sa Intensity VII o destructive ang pinakamataas na naitalang pagyanig sa General Santos City, habang naramdaman din ito sa iba pang bahagi ng Mindanao at ilang lugar sa Leyte.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng dulot ng subduction activity sa Cotabato Trench, na matatagpuan sa karagatan malapit sa Sarangani, ang nasabing lindol.
Nakapagtala rin ang DOST-PHIVOLCS ng 138 aftershocks na may lakas mula magnitude 1.3 hanggang 6.7 hanggang alas-11 ng umaga ng parehong araw.
โ๐ปJzlee Nichole Pepito
07/06/2026
๐๐ข๐๐จ๐ ๐ก| ๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ '๐ฌ๐จ๐ก?
Pansamantala tayong nakalaya sa bigat ng pagiging estudyante. Subalit sa gitna ng kapayapaan sa loob ng apat na sulok ng silid, may kaunting lungkot na sumisiksik habang papalapit ang klase: Talaga bang natapos na ang sandali ng paghinga?
Batid nating mabilis lamang matatapos ang ganitong pahinga at muling mag-iiba ang direksyon ng panahon. Kaya naman, bago tayo tuluyang humarap sa panibagong yugto ng klase, yakapin mo nang buo ang bawat natitirang sandali ng kapayapaan at kalayaan. Hayaan mong ang saya ng nagdaang bakasyon ang maging lakas mo upang harapin ang muling pagdating ng ingay, mga gawain, at responsibilidad.
๐จ Margareth Tan & Mary Verd
07/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | MingScians, handa na para sa bagong taon ng pag-aaral matapos ang Brigada Eskwela at Enrollment
Matagumpay at makulay na nairaos ang nakalipas na linggo, Hunyo 1-5, 2026, sa pagtutulungan ng mga g**o, magulang, at mga mag-aaral para sa paghahanda sa pagbubukas ng klase.
Mula sa pagpila sa enrollment hanggang sa huling araw ng bayanihan sa Brigada Eskwela, ipinamalas ng buong eskwelahan ang pagkakaisa upang masig**ong malinis, maayos, at ligtas ang paaralan na magsisilbing ikalawang tahanan ng mga estudyante.
Ngayong opisyal nang nakatala ang mga mag-aaral at handa na ang mga silid-aralan, pormal nang bubuksan ang panibagong taon ng puyatan, puspusang pag-aaral, at pagbuo ng mga bagong alaala.
๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐ญ, ๐ ๐ถ๐ป๐ด๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ป๐!
๐ท Mamamahayag ng Liwanag
07/06/2026
๐๐๐ ๐ข๐ฌ ๐๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐๐ !! ๐ญ
Ang bilis naman ng klase... 'Yung plano natin na mag swimming hanggang sa drawing na lang ba talaga?๐
๐ฅ๐ฒ๐ฎ ๐ถ๐ ๐ฑ๐ ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ ๐ ๐ถ๐ป๐ด๐๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ป๐?!๐ฉท๐
Ito na! Isang araw na lang at magsisimula na naman ang panibagong taon ng kaalaman, pagod at determinasyon. Sa ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ opisyal nang magsisimula ang panibagong kwento na mapupuno ng saya kasama ang inyong mga kaklase, kaibigan at iyong special someone.
๐ฆ๐๐น๐ถ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ ๐ถ๐ป๐ด๐๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ป๐!
โ๐ป Xyza Floro
๐จ Ethan Covacha
06/06/2026
๐๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ง๐๐ ๐๐๐๐ ๐ง๐ข ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐ก๐๐ง๐๐!
Patuloy ang countdown! ๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐๐๐๐ก๐ bago opisyal na magsimula ang klase para sa S.Y. 2026โ2027.
Maghanda na sa pagbabalik-eskwela at sa panibagong, mas kapanapanabik na paglalakbay sa mundo ng pag-aaral. ๐โจ
Kitakits, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฃ๐จ!
โ๐ปJzlee Pepito
๐จ Ethan Covacha
06/06/2026
๐๐น๐ฎ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐?๐ฑ๐คฏ
Sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral, hindi lang bawat sulok ng paaralan ang muling nabuhay, kundi pati na rin ang diwa at pangarap ng bawat isa sa atin.
Upang pakinggan ang tibok ng ating paaralan, inalam natin ang mga baong payo at inspirasyon mula sa ating mga g**oโna sinundan naman ng pagbabahagi ng ating mga kapwa mag-aaral tungkol sa mga inaabangan nila ngayong taon.
๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด-๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ-hindi lang sasabay sa agos ng panahon, kundi lalampas sa inaasahan at isasabuhay ang mga aralin.
โ๐ปLexine Darah M. Tarega
๐ท Dominique Navallo
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Poblacion, Ward I
Minglanilla
6046