SWN Labor Desk

SWN Labor Desk

Share

11/07/2022

Pahayag mula sa Nagkakaisang Manggagawa ng FAB

Usapang Sahod
Nominal Wage - halaga sa bilang o numero, sa Bataan, naging 450 ang minimum wage simula June 20, 2022
Real Wage - tunay na halaga ng pera o magkano lang talaga ang tumbas nito, ina-adjust ito batay sa inflation rate o tantos ng pagtaas ng mga bilihin
Katulad sa infographic na ito, nagkakahalaga lamang ng halos 385 pesos ang 450 na minimum wage. Dahil ito sa 7.5% na regional inflation rate, pinakamataas sa buong Pilipinas ngayong buwan.
Lalong nakakalula ang provincial inflation rate ng Bataan noong Hunyo, dahil umabot ito sa 9.8%.
Makikita rin sa larawan na talagang walang saysay ang pagpapatupad ng provincial rate. Napakalapit natin sa NCR pero napakalayo ng agwat ng sahod.
Sa kasalukuyan, 570 na ang nominal minimum wage sa Metro Manila, at 508 pesos naman ang tunay na halaga nito.
Kaya tuloy tuloy lang ang ating panawagan! Dapat mawala na ang provincial rate, dapat isabatas na ang 750 National Minimum Wage! Kailangan pahigpitin ng mga manggagawa ang kanilang pagkakaisa sa antas ng pabrika at engklabo upang patuloy na isulong ang nakabubuhay na sahod!
Php 450 Hindi Sapat, Php 750 National Minimum Wage Dapat!
Sahod Itaas, Presyo Ibaba!
Suspendihin ang Excise Tax sa Langis!
Buwagin ang mga Provincial Wage Boards!

minimum wage across regions.

04/06/2022

PHP 40 UMENTO SA CENTRAL LUZON: BARAT NA NGA, INSTALLMENT PA!
Hunyo 4, 2022

Aprubado na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Php 40 na umento para sa mga manggagawa ng Region 3. Ipapatupad ito sa 2 magkalayong tranche - Php 30 sa Hunyo 2022 at Php 10 naman sa Enero 2023.
Aantabayanan pa ang paglabas ng Regional Wage Order #23, pag-post nito sa mga dyaryo, at paglipas ng 15 araw bago ito maging epektibo.

Ang bagong minimum wage na Php 399 (Aurora) - Php 450 (iba pang probinsya sa Gitnang Luzon) ay napakalayo sa Php 533 - Php 570 na bagong minimum wage sa NCR. Halos 40% lang ito ng Family Living Wage na Php 1,087 para sa pamilyang may 5-6 na myembro.

Sa datos na inilabas ng NWPC nitong Abril 2022, ang lumang minimum wage na may nominal value (o halaga sa bilang) na Php 420 ay may katumbas lamang na real value (o tunay halaga) Php 363.95. Ang mas mababang tunay na halaga ay dahil sa inflation o walang humpay na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Ang Php 450 ngayong Hunyo 2022 ay halos hindi mararamdaman ng mga manggagawa dahil sa (1) pagtaas ng PHILHEALTH Premium sa 4% simula ngayong Hunyo, (2) pagpapatupad ng bagong Suggested Retail Price sa mga pangunahing bilihin at (3) hindi natatapos na Oil Price Hike.

Bago pa man ang pag-apruba ng umento sa Region 3, nakatanggap na tayo ng mga ulat ng pagpapasidhi ng kondisyon sa loob ng pabrika upang lalong makapiga ng kita mula sa mga manggagawa dahil sa naka-ambang taas sahod. Ilan rito ay ang pagbabago ng Company Rules and Regulations sa gitna ng CBA Negotiations partikular sa usapin ng mga disciplinary action. Tila ay itinutulak talaga ang mga manggagawa upang matanggal sa trabaho o mag-resign.

Sa gitna ng installment at barat na sahod na pabaon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbaba sa pwesto, kailangan magtuloy tuloy ang panawagan ng mga manggagawa at mamamayan para sa Php 750 National Minimum Wage, Paid Pandemic Leave, Emergency Relief Assistance at dagdag sahod mula sa sama samang pagkilos para sa negosasyon ng Collective Bargaining Agreement.




Para sa mga reklamo at katanungan tungkol sa bagong minimum wage sa Region 3, mag message lamang sa aming FB page

Photos from Bataan Ecumenical Workers Desk's post 01/04/2022

Alamin ang Kalagayan ng mga Manggagawa sa mga Pabrika ng Fashion Bags
Suportahan ang Panawagan para sa Dagdag Sahod

30/01/2022

Samahan ninyo kami sa February 1, 2022, Martes, 2:00pm para sa aming Taunang Ulat hinggil sa Kalagayan ng mga Manggagawa. Makakasama rin natin ang ilang manggagawa mula sa Laguna, Bataan at NCR upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa nakalipas na taon. Sasamahan din tayo ni Ka Ayik Casilao ng Anakpawis Party-list at si Atty. Noel Neri ng Pro-Labor Legal Assistance Center upang magbigay ng kanilang mga pagtingin sa hinaharap ng mga manggagawa, sa gitna ng samu't saring mga usapin.

Para sa mga nais makilahok, maaaring magrehistro sa http://bit.ly/33dglMi

Want your practice to be the top-listed Law Practice in Meycauayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Meycauayan