Eku Thoughts
14/02/2026
Dati sanay akong magtago sa likod ng tawa,
Sa mga biro at kwentong walang kwenta.
Ang mundong ito ay isang malaking entablado,
At ako? Ako ang bida sa sarili kong pagtatago.
Maghapon kong suot ang matatamis na ngiti,
Upang hindi mahalata ang pait at hapdi.
Takot akong makita nila ang tunay na anyo,
Baka kasi talikuran nila ang tulad ko.
Ngunit dumating ka, dala ang kakaibang liwanag,
Dahil sa'yo, nawala ang iyak, napalitan ng halakhak.
Hindi mo tiningnan ang kinang ng aking pabalat,
Bagkus, binasa mo ang puso kong may mga lamat.
Sa gitna ng karamihan, ako’y iyong napansin,
Hindi ang maskara, kundi ang kaluluwang mahiyain.
Paano mo nalaman na ako ay pagod na?
Paano mo nahanap ang luhang pilit kong itinatawa?
Sabi nila, ang pag-ibig ay bulag at walang malay,
Ngunit sa iyo, ang pag-ibig ay pagmulat at pag-alay.
Saan mo nakuha ang tapang na ako’y hagkan,
Kahit alam mong marami akong kapintasan?
Salamat sa pagpili na ako ay kilalanin,
Sa paghukay sa kung anong pilit kong inilibing.
Tinuruan mo 'ko na sa harap mo
hindi ko na kailangang magpanggap,
Dahil ang tunay na ako ang iyong nahanap.
Sa wakas, may kamay na humawak sa akin nang kusa,
Nang walang hinihinging kapalit, at walang maskara.
Dati-rati, ang salamin ay kaaway ko,
Dahil nakikita ko ang kulang at ang depekto.
Ngunit mula nang pulutin mo ang puso kong pira-piraso,
Ang dating basag, muling nabuo sa piling mo.
Hubarin man ang lahat ng palamuti sa katawan,
Ikaw ang nananatili—ikaw ang aking tahanan.
Salamat sa pagpili na ako ay kilalanin,
Sa pag-unawa sa mga lihim na hindi ko maamin.
Sa harap mo, malaya akong maging ako,
Dahil ang pag-ibig mo ang nagtanggal ng maskara ko.
Sa mundong puro huwad at puno ng dula,
Ikaw ang tanging totoo, ang tanging himala.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
10/01/2026
Minsan nakakatakot magbiro,
Isang salita, kahit biro lang,
ay kayang tumama sa pusong madaling masaktan.
Narinig ko ang mga salitang iyon,
tumagos sa dibdib at di ko agad naunawaan.
Masakit, oo, ngunit alam kong hindi totoo, sapagkat
dala lang iyon ng pagkairita at pagkainis na sandali.
Ngunit kahit alam ko, di pa rin maiwasan,
Isipin yung mga narinig ko,
kaya ako’y matututo ng mag-ingat,
kahit biro lang nakakatakot din pala.
Mas pipiliin ko nalang manahimik,
dalhin ang kirot sa sarili,
kaysa sa magsalita o magparamdam ng sama,
dahil sa huli, pagmamahal pa rin ang mas mahalaga.
At kung magbibiro man ako ulit,
ako’y mag-iingat na sa bawat salitang
aking bibigkasin,
Kasi minsan yung biro natin, yun pa pala ang magiging dahilan ng away at di magpapaunawaan,
Ngunit kayang mag-iwan ng alaala ng sakit.
08/01/2026
Nalabanan ko ang hiya ngayong araw.
Pero teka, teka, teka,
Hindi siya tuluyang nawala,
pero umatras siya,
Pero saglit lang.
Buti na lang, nakayanan ko.
Kahit nanginginig ang mga kamay,
kahit nanlalamig ang mga palad,
tumayo ako.
Ginawa ko ang demo namin—
table setting,
Pero alam niyo kung ano sa akin
ang malupit? nagawa ko.
Nagawa ko sa harap ng mga kaklase
ko, Oo may kaba sapagkat ako'y natatakot
na magkamali,
Pero oo, nagawa ko.
Sa bawat plato,
Sa bawat kutsara,
parang sinasabi sa akin:
“Huminga ka ng malalim
alam kong kaya mo ‘to.”
May kaba, Oo.
May pagkakamali, marami.
Oo, nandoon lahat.
Dahil mahiyain ako.
Dahil sa natatakot akong magkamali
sa harap ng mga mata
na parang laging may hinahanap.
Pero heto ako—
Hindi perpekto,
hindi buo ang loob,
pero sumusubok.
Sana sa mga susunod na araw,
mag improve pa ako, sana.
Sana unti-unting humina ang kaba,
unti-unting mawala ang hiya.
At balang araw,
ang mga pagkakamali ko
hindi na dahil sa takot,
kundi dahil tao lang ako
na patuloy na natututo.
Ngayon,
ipinagmamalaki ko muna ito—
na kahit nanginginig,
kahit kinakaban,
tumayo pa rin ako.
January 8,2026
13/12/2024
...My mind is heavy with thoughts and feel trapped, unsure of where my life is headed, and scared that I’ll never meet the expectations placed on me. The fear of failing again and again disappointing my parents consumes me. I question if I’m capable, if I’m enough, and if there’s still hope for me in this life,
I look at my parents, their tired eyes filled with hope for me, and it breaks my heart. I feel like I’m letting them down, like their sacrifices are wasted because I can’t seem to meet the standards I should. I wonder if they’re silently disappointed, even if they try not to show it.
I’m scared of what’s to come. What if I can’t passed my studies? What if I never get the chance to have a stable job, to build the life I’ve always dreamed of, not just for me, but for them? The fear of being stuck in this cycle, unable to move forward, is suffocating..
..I feel like a failure, like all my hard work wasn’t enough. It’s hard to see beyond this moment, and it hurts knowing that I’ve let myself down. I feel embarrassed and defeated, and I’m scared of how my future will turn out. How can I move forward from this? Will I ever be good enough? These thoughts keep circling in my mind, and it’s hard to push them away.
But deep down, I know I can’t stay stuck in this pain. I need to find the strength to pick myself up and keep going. It’s not easy, and it feels like the weight of this failure will stay with me forever, but I know that I have to try. I can’t let this one moment define me.
I may not have the answers now, but I have to trust that this isn’t the end of the road. I have to keep fighting for my future, for the things I want to achieve, and for the people who believe in me. I may have failed, but I haven’t given up, and that’s what matters the most, thats why padayon gihapon ta kung unsa ma'y mahitabo, kay walay nagsugo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Merida