San Isidro Labrador de Anuling
31/12/2025
𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗡𝗘𝗪 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗣𝗢!
Mula po sa bumubuo sa San Isidro Labrador Chapel - Anuling, kami po ay bumabati ng isang mapayapa, maligaya at mapagpalang Bagong Taon po sa ating lahat. Salubungin po natin ang Bagong Taon 2026 na pinatutuloy ang ating Panginoong Hesus sa ating mga puso. Pagpalain po tayong lahat ng ating Panginoon.
31/12/2025
𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢 𝟭 | Dakilang Kapistahan ni MARIA, ang Ina ng Diyos
Ating umpisahan ang mabiyayang taon ng 2026 sa pamamagitan ng pagdedebosyon sa ating Mahal na Ina at ipagkatiwala sa kanyang pag-gabay ang panibagong taon ng paglalakbay.
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁!
29/12/2025
𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐝𝐞 𝐆𝐑𝐀𝐂𝐈𝐀
𝑷𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒕𝒓𝒐𝒏, 𝑺𝒂𝒏 𝑰𝒔𝒊𝒅𝒓𝒐 𝑳𝒂𝒃𝒓𝒂𝒅𝒐𝒓
Halina't sama-sama tayong magpasalamat sa Poong Maykapal, sa pamamagitan ng tulong ng ating pintakasing patron, San Isidro Labrador, sa mabiyayang taong 2025. Nakaugalian na ng ating nayon na ilaan ang ika-30 ng Disyembre at itakda ito bilang tanging araw ng ating pagpupugay at pasasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa atin sa taong ito. Narito ang talatakdaan ng mga gawain sa araw na ito:
🗓 𝘿𝙞𝙨𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚 30, 2025 | 𝘼𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙧𝙩𝙚𝙨
🕒 3:00 𝙋𝙈 | 𝘽𝙖𝙣𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙈𝙞𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩
🕔 5:00 𝙋𝙈 | 𝙈𝙤𝙩𝙤𝙧𝙘𝙖𝙙𝙚- 𝙆𝙖𝙧𝙖𝙠𝙤𝙡 - 𝙋𝙖𝙜𝙡𝙞𝙗𝙤𝙩 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙩𝙧𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘽𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙉𝙖𝙮𝙤𝙣
Magkita-kita po tayo! Viva San Isidro Labrador! 🌾
14/12/2025
12/12/2025
Ang Sambayanan ni San Isidro Labrador de Anuling ay buong galak na bumabati kay Reb. Pd. Agustin Baas ng Maligayang ika-40 Taon ng Anibersaryo ng pagkapari. Dalangin namin ang iyong kalakasan upang patuloy na akayin ang sambayanan ng Diyos tungo sa landas ng kabanalan. Ikaw ay pari magpakailanman!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Website
Address
Mendez
4121
Opening Hours
| Friday | 2pm - 6pm |
| Saturday | 2pm - 7:30pm |
| Sunday | 3pm - 5pm |