Project Mariveles Local History
28/01/2026
Mariveles 1986
08/02/2025
🚨 HISTORIC ANNOUNCEMENT! 🚨
In celebration of the 80th Anniversary of the Liberation of Mariveles, Bataan, Pocholo De Leon Gonzales, the great-great-grandson of Agatona De Leon Gonzales, Sarreal, proudly unveils a must-have collector’s edition for history enthusiasts:
📖 PROJECT MARIVELES – A LOCAL HIS STORY 📖
This exclusive coffee table book brings to life the untold and rich history of Mariveles through the meticulous research and personal insights of Pocholo De Leon Gonzales. His journey began in college when he wrote the Local History of Mariveles for the National Historical Institute’s Local History Program in 1998. Now, after decades of dedication, this book is finally here!
✨ ONLY 100 HARDBOUND COPIES AVAILABLE! ✨
đź“… Release Date: May 7, 2025
đź’° Price: $200 USD
🌎 Available Worldwide
đź—Ł Language: English
đź’Ą SECURE YOUR COPY NOW! đź’Ą
đź“© Email [email protected] to reserve your slot!
This project is made possible with the support of Rotary Bataan & JCI Bataan, organizations committed to preserving history and empowering communities.
🔹 ABOUT POCHOLO DE LEON GONZALES 🔹
🏆 Award-Winning Author of Gusto Kong Maging Voice Talent – National Book Awards Winner (2017)
📚 Published 5 More Books on Voice Acting, Branding & Leadership
🎙 The VoiceMaster – A Pioneer & Game-Changer in the Philippine Voice Industry
🌍 Founder of JCI BATAAN (2018) – Leading Youth Empowerment & Community Development
Be part of this once-in-a-lifetime historical tribute and own a piece of Mariveles’ legacy!
📌
01/02/2025
Ang Kasaysayan ng MarivelesNi Enrique Victoria Liloc
COREGIMIENTO DE MARIVELES
Sa Pagsasaliksik ni Enrique V. Liloc
Ayon sa mga matatanda ng bayang ito, noong dakong ika-labing anim na siglo (1600), ang Mariveles ay isa pa lamang nayon na kung tawagin ay CAM-AYA (salitang Pagnan) na ang ibig sabihin sa wikang Pilipino ay "Kaaya-aya," "Matahimik," o "Mapayapa."
Noong bago-bago pa lamang ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas, ang Mariveles ay ginawang isang pangunahing himpilan ng panghukbo ng mga Kastila upang bantayan at harangin ang lahat ng sasakyang dagat buhat sa ibayo bansang papasok sa loob ng Maynila. Tinatawag nila itong COREGIMIENTO DE MARIVELES, na ang ibig sabihin ay alkalde o lalawigan ng Mariveles na sumasaklaw buhat sa bayan ng Morong, hanggang ilog ng Lubao. Ang isla ng Corregidor at Maragundon ay karagdagang distrito ng Corregimiento.
Nang maging Gobernador Heneral sa Pilipinas si Pedro Manuel Arandia na buhat sa Espanya, itinaguyod niya ang lalawigan ng Bataan at ang Mariveles ay naging isa na lamang karaniwang bayan ng lalawigan ng Bataan.
Ang mga dayuhang buhat sa kalakhang Asya at sa Europa ay naging kanlungan ng kanilang sasakyang dagat ang look na ito na tinatawag ngayong Mariveles Harbor. Sinasabi rin na sa look na ito naganap ang mabangis na digmaan ng hukbong Olandes at Kastila noong 1612, na dalawang ulit na ipinagwagi ng hukbong Espanya.
CORREGIMIENTO
Ano ba itong tinatawag na Corregimiento de Mariveles? Ano ba ang katuturan nito sa iba't ibang pisikal o kasaysayan nito at sa kasalukuyan ng Mariveles?
Ang Corregimiento ay binabanggit sa The Filipino Nation (pahina 45) na sinulat nina Tubangui, Bauson, Foronda Jr., at Museo sa pamagat na Local Administration, na ang kahulugan ng salitang Corregimiento o alkalde ay lalawigan. Binabanggit din dito na sa panahong iyon, ang Pilipinas ay nahahati lamang sa dalawang dalawampung Corregimiento o lalawigan, at ito ay ang mga sumusunod:
"Manila, Cagayan, Ilocos, Pangasinan, Pampanga, Laguna, Balayan, Calilaya (later called Tayabas), Camarines, Cebu, Panay, at Masbate (administered from Nueva Caceres). Mindoro was under the jurisdiction of Balayan; Mindanao under Cebu; Marinduque belonged with Calilaya to a separate district."
Pagpapakilala ng Sumulat
Ako si Enrique Liloc y Victoria, ay ipinanganak noong Hulyo 15, 1920 sa Kalye Washington (A. Bonifacio St. ngayon) sa Poblacion, Mariveles, Bataan. Ako ay isa sa mga anak ng mag-asawang Modesto at Macaria. Ang lolo ko sa ama na si Norberto ay buhat sa bayang-luma ng Nasugbu, Batangas na napadpad sa Mariveles noong batang musmos pa. Dito sa Mariveles siya lumaki kasama ang dalawa niyang kapatid na sina Fideline at Benito. Dito rin sila nag-asawa at nagkaroon ng sariling hilagang pamilya.
Ang aking ina ay anak ng pamilyang Victoria - Agustin sa San Isidro, Malolos, Bulacan na napadako dito sa Mariveles noong panahon pa at napangasawa si Modesto, na aking ama.
Ang pamilya namin ay mahirap na mangingisda lamang, kaya ako ay hindi nag-aral ng mga magulang ko sa ibang bayan. Ako noong kabataan ko ay hanggang ika-pitong grado lamang ang paaralan dito sa Mariveles. Noong 1952, ay itinatag ni Gng. Elisa Llamas ang kauna-unahang high school dito na ang pangalan ay Mariveles Institute, at ako ang isa sa unang estudyante nito. Sa kagalakan kong ituloy ang pag-aaral ko, subalit ang dalawang anak naming magkasunod ay nagha-high school na din kaya ako na ang tumigil sa pag-aaral. Nag-aral na lamang ako sa Correspondence School (ICS) ng kursong Instructoral Engineering Division I.
Noong 1965, nahalal akong konsehal ng bayan; at ng matapos ang termino ko, hindi na muli ako kumandidato. Noong idaklara ni Presidente Marcos na gawing barangay ang mga poblacion ng bayan, 1972, na-numbruhan akong Barangay Captain ng Poblacion ng Mariveles.
Pagpapahayag ng Sumulat
Noong 1973, ako ang nanalo na ABC President ng Mariveles, at naging miyembro ng Sangguniang Bayan hanggang 1972. Noong ako ay isa pang konsehal ng bayan (1967-1970), ako ay natasang sumulat ng maikling kasaysayan ng Mariveles na isasama sa souvenir program sa gaganaping pista ng bayan.
Para sa isang tulad ko na hindi man lamang nakatapos ng mataas na paaralan, ay mabigat na tungkulin ang pagsulat ng kasaysayan ng bayan. Subalit hindi ko tinalikuran ang ganda ng tungkulin bagkus ito ay aking kakayahan—pinilit kong pag-aralan ang laman ng aking utak at matamtiman na unti-unting binuo ang isang napakalaking kasaysayan na ginamit sa souvenir program ng pistang bayan.
Hanggang patuloy ang aking pagsusulat. Sa tuwing may idinaragdag ang unang naisulat na natuklasan ng matatandang taga-Mariveles, ay unti-unti ring nadugtungan at nauuwasto ang kasaysayan. Maayos na nasalarawan sa pamamagitan ng salaysay ang tunay na kaayusan at katotohanan ng bayang Mariveles simula pa noong ika-labing anim na siglo sa pananakop at pang-aalipin ng Espanya, hanggang dumating ang yugto ng unti-unting ibinabandila ng Mariveles ang kanyang tinatanomang pagbabago, kaunlaran, at karunungan.
Tiningnan ng Panginoong Diyos ang lagi kong dalangin na huwag Niyang ipagkait sa akin ang sapat na talino upang lalo ko pang maunawaan at maisulat ang kasaysayan ng mahal kong bayang Mariveles. Umaasa ako na ang mga susunod pang Mariveleño ay magpapatuloy na dugtungan at ayusin pa ang mga kaganapan at totoong muhi pang buhat sa Panginoon Diyos ng bayang Mariveles sa kanyang kabuuan.
Maraming Salamat,Enrique Liloc y Victoria
07/12/2024
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
36 Sarreal Street
Mariveles
1235