The Good Samaritan
ANG HIRAP NAMAN MAGPATAWAD.
Minsan, mahirap magpatawad dahil matindi ang sakit.
Hindi maliit ang sugat.
Hindi mababaw ang ginawa sa iyo.
At may mga pagkakataong nasasabi nating, “Bakit ko siya patatawarin kung hindi naman siya nagsisisi?”
Pero kadalasan, ang dahilan kung bakit hirap tayong magpatawad ay dahil patuloy pa rin nating hawak ang right natin na gumanti, magalit, o panagutin ang taong nakasakit sa atin.
Ayaw nating bitawan ang sakit dahil pakiramdam natin, kapag nagpatawad tayo, para na rin nating sinabing okay lang ang ginawa nila.
Pero sa katunayan, ang pagpapatawad ay hindi pagsang-ayon sa maling ginawa sayo.
Hindi rin ito basta paglimot nalang sa nangyari.
Ang pagpapatawad ay pagsuko sa Diyos ng karapatang maghiganti at pagtitiwala na Siya ang makatarungang Hukom.
Kapag hindi tayo nagpapatawad, tayo rin ang nagiging alipin ng ating galit. Ang taong nakasakit ay maaaring naka move on na, pero tayo ay nakakulong pa rin sa nakaraan.
Efeso 4:32
32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Hindi madaling magpatawad, pero posible ito dahil tayo mismo ay pinatawad ng Diyos. Habang naaalala natin kung gaano kalaki ang biyayang tinanggap natin kay Cristo, natututo rin tayong magbigay ng biyaya sa iba.
Maaaring hindi mo na mabago ang nangyaring sakit, ngunit sa tulong ng Diyos, maaari mong piliing huwag hayaang kontrolin ng sakit ang iyong bukas.
Ang pagpapatawad ay hindi tanda ng kahinaan.
Ito ay tanda ng pusong nagtitiwala na ang Diyos na ang bahala sa hustisya, at Siya rin ang magpapagaling sa sugat na hindi kayang pagalingin ng panahon lang.
Godbless everyone!
ANG DIYOS NAKATINGIN SA PUSO, HINDI SA STATUS.
Sa panahon ngayon, masyado nang pinapahalagahan ang status.
Relationship status.
Social status.
Financial status.
At kahit social media status.
May mga tao na gustong magmukhang okay at sagana sa harap ng iba.
Pero tandaan natin na hindi tumitingin ang Diyos sa kung ano ang nakikita ng tao. Tumitingin Siya sa puso.
1 Corinto 1:27
27 Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.
Maaaring simple lang tayo sa paningin ng tao, pero kung malinis ang puso natin, iyon ang mahalaga sa Diyos.
Hindi kailangan ng mamahaling damit para mahalin ng Diyos.
Hindi kailangan ng maraming followers para pagpalain Niya tayo.
At hindi kailangan ng perfect image para gamitin tayo ng Panginoon.
Minsan, magaling tayong magtago sa likod ng mukang maayos na finance, work, o relationship. Pero alam ng Diyos ang tunay nating nararamdaman — ang sakit, takot, at mga laban natin sa buhay.
At ang maganda rito: kahit alam Niya ang lahat tungkol sa atin, mahal pa rin Niya tayo.
Kaya mas pagandahin natin ang puso kaysa profile.
Mas ayusin natin ang relasyon natin sa Diyos kaysa image natin sa tao.
Dahil sa huli, hindi likes and approval ng mga tao ang magliligtas sa atin — kundi ang tunay na relasyon kay Cristo.
Godbless everyone!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Camaya
Mariveles
2105