CMU AB-History Program
26/11/2025
𝐁𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐍𝐚 𝐏𝐨!
Ang pinakahihintay ng lahat!
Magsisimula na ang ika-36 na Pambansang Kumperensiya ng Kasaysayan at Kalinangang Pilipino ng ADHIKA bukas! Gagawin ito sa Central Mindanao University, na may temang; "𝐓𝐮𝐥𝐭𝐮𝐥𝐚𝐧𝐞𝐧: 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐮𝐧𝐭𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐰𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬"
Sa kumperensiyang ito, magkakaroon tayo ng pagkakataong masaksihan ang iba't ibang mga pananaliksik, bagong kaalaman, sariwang pananaw, at makabuluhang talakayan. Ito ay magbubukas ng mas malalim na pag-unawa sa ating kasaysayan at kultura.
𝐌𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲-𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐰𝐨𝐧!
25/11/2025
𝐓𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠!
Sa darating na Ika-36 na Pambansang Kumperensiya ng ADHIKA ating matutunghayan ang iba't ibang larangan ng pag-aaral sa Kasaysayan para sa isang mas inklusibong talakayan. Isa sa mga tampok na sub-tema ay ang "Kasaysayan at Kalinangang Bukidnon", na kaugnay sa temang ating ipinagdiriwang ngayong taon:
"𝐓𝐔𝐋𝐓𝐔𝐋𝐀𝐍𝐄𝐍: 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐍𝐓𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐑𝐀𝐓𝐈𝐁𝐎 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐖𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒"
Hinihikayat ang mga mag-aaral at mga dalubhasa sa Kasaysayan na huwag palampasin ang pagkakataong ito. Makikilala natin ang mga bagong pananaw at mapapalawak ang ating kaalaman sa kasaysayan at kultura ng Mindanao.
Magkita-kita po tayo sa Central Mindanao University!
Tayo ay makilahok, makisaliksik at makibahagi sa isang makabuluhang talakayan.
10/11/2025
Tunghayan ang Ikalimang Sesyon ng Ika-36 na Pambansang Kumperensiya sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino. May sub-temang TALABAN NG ETNISASYON AT FILIPINISASYON, kinatatampukan ito ng tatlong papel na ilalahad ng mga sumusunod na iskolar: G. Alvin Jhon V. Abril ng UP Baguio, Dr. Kristine Baniqued-Dela Cruz ng Benguet State University, at Dr. Mary Jane B. Rodriguez-Tatel ng UP Diliman / Aliguyon-UP Folklorists, Inc.
Mga ka-ADHIKA, magkita-kita tayo sa Central Mindanao University, Maramag, Bukidnon!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the university
Website
Address
University Town, Musuan, Dologon, Bukidnon
Maramag
8714
Opening Hours
| Monday | 7am - 5pm |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |