OFW Portraits
20/01/2021
Marami pong salamat sa mga positibong feedbacks at constructive criticisms na aming natanggap sa aming PM. Pati na din sa mga nagnanais at nirekomenda nyong mga OFWs na mafeature sa ating page. Gagawan po namin ng paraan ang mga ito at pagpaplanuhang maigi para maisakatuparan ng maayos. ✌🏼
18/01/2021
"MINIVAN"
Ang ating OFW para sa buwan ng Enero 2021 ay si Kabayang Gilbert Gallardo.
Sa edad na 64, nairaos nyang mapagtapos ang kanyang tatlong anak sa loob ng labing-walong taong pagtatrabaho sa Saudi Arabia.
Upang maka-survive sa kasagsagan ng pandemya, gamit ang face shield at face mask, kasakasama nya sa paghahanap buhay ang kanyang maliit at luma ngunit maaasahang 'minivan' sa paghatid at sundo ng iba pang kababayan patungo sa kanilang trabaho o kaya sa pamimili sa palengke. Siya din ay nagbebenta 'online' ng mga kapakipakinabang na kasangkapan o kaya ay mga pagkaing pinoy, kasama na din ang pag-deliver nito sa mga nais umorder upang may maipangdagdag lamang sa maipapadala nyang 'remittance' kada-buwan sa kanya pamilya sa Pangasinan.
•••••••••••••••••
Kami ay nangangalap ng mga nagnanais mafeature sa ating page, kung interesado o kung meron kayong mairerekomenda, maaari po lamang na kami ay imessage dito sa ating munting page: m.me/ofwportraits. ✌️
Maraming salamat po!
Simula January 2021, ating itatampok sa pamamagitan ng larawan (portrait) ang realidad ng buhay ng ordinaryong OFW upang mairaos lamang ang pangaraw-araw na buhay sa kabila ng pandemya.
Kami ay nangangalap ng mga nagnanais mafeature sa ating page, kung interesado at kung meron kayong mairerekomenda, maaari po lamang na kami ay imessage dito sa ating munting page: m.me/ofwportraits.
Maraming salamat po! ✌️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Manila