Local Translation Committee - Luzon
Good day, members.
We would like to inform everyone that the posting of our new Tagalog Just for Today (JFT) readings will be temporarily postponed until May as we complete revisions and updates to the translations.
Our goal is to ensure that all Tagalog translations are accurate, consistent with the approved Tagalog glossary, and of the highest quality possible for the benefit of everyone who uses them.
Posting will officially resume on May 1, 2026.
Thank you for your patience and understanding.
Ken N.
LTC Chair
Luzon Area, Philippines
Enero 31
Pagtitiwala
“Para sa araw na ito lamang, magkakaroon ako ng pananampalataya sa isang tao sa NA na naniniwala sa akin at nagnanais tumulong sa aking paggaling.”
-----
Pangunahing Teksto, p. 93
Ang matutong magtiwala ay isang mapanganib na hakbang. Ang ating mga karanasan noon bilang mga adik na gumagamit ay nagturo sa atin na ang ating mga kasama ay hindi mapagkakatiwalaan. Higit sa lahat, hindi natin mapagkakatiwalaan ang ating mga sarili.
Ngayong tayo ay nasa paggaling, mahalaga ang pagtitiwala. Kailangan natin ng isang bagay na mahahawakan, paniniwalaan, at magbibigay sa atin ng pag-asa sa ating paggaling. Para sa ilan sa atin, ang unang bagay na maaari nating pagkatiwalaan ay ang mga salita ng iba pang mga miyembro na nagbabahagi sa mga miting; nararamdaman natin ang katotohanan sa kanilang mga salita.
Ang makatagpo ng isang taong maaari nating pagkatiwalaan ay nagpapadali sa paghingi ng tulong. At habang lumalago ang ating pagtitiwala sa kanilang paggaling, natututo rin tayong magtiwala sa ating sarili.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Magpapasya akong magtiwala sa isang tao. Kikilos ako batay sa pagtitiwala na iyon.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 30
Pagbabahagi Nito
“Dapat nating ibigay ng kusang loob at may pasasalamat ang anumang ibinigay sa atin nang kusang loob at may pasasalamat.”
Pangunahing Teksto, p. 49
-----
Sa paggaling, tumatanggap tayo ng maraming regalo. Marahil isa sa pinakadakila sa mga regalong ito ay ang espiritwal na pagkamulat na nagsisimula kapag tumigil tayo sa paggamit, at lalo pang tumitibay sa bawat araw na isinasabuhay natin ang mga hakbang sa ating mga buhay. Ang bagong sigla ng buhay sa ating kalooban ay tuwirang bunga ng ating bagong ugnayan sa isang Kapangyarihan na higit sa atin, isang ugnayang sinisimulan at pinauunlad sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa Labindalawang Hakbang. Dahan-dahan, habang isinasabuhay natin ang ating programa, ang liwanag ng paggaling ay nagpapawi sa dilim ng ating sakit na adiksyon.
Isa sa mga paraan ng pagpapahayag natin ng ating pasasalamat para sa mga regalo ng paggaling ay ang pagtulong sa iba na matagpuan ang ating natagpuan. Magagawa natin ito sa iba’t ibang paraan: sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga miting, paggawa ng mga tawag sa Ikalabindalawang Hakbang, pagtanggap ng pananagutan sa paggabay, o pagboboluntaryo sa ospital at mga institusyon o sa linya ng paggabay. Ang espiritwal na buhay na ibinigay sa atin sa paggaling ay humihiling ng pagpapahayag, sapagkat mapapanatili lamang natin kung ano ang mayroon tayo sa pamamagitan ng pamamahagi nito.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Ang regalo ng paggaling ay lumalago kapag ito ay ibinabahagi ko. Hahanap ako ng isang taong mapagbabahagian nito.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 29
Ang Unang Hakbang — isang hakbang ng pagkilos
“Nauunawaan ba natin na wala tayong tunay na kontrol sa droga?”
Pangunahing Teksto, p. 18
-----
Sa simula, marami sa atin ang nag-isip na ang Unang Hakbang ay hindi nangangailangan ng pagkilos—sumusuko lamang tayo at nagpapatuloy sa Ikalawang Hakbang. Ngunit ang Unang Hakbang ay nangangailangan talaga ng pagkilos!
Ang pagkilos na ginagawa natin sa Unang Hakbang ay makikita sa paraan ng ating pamumuhay, kahit mula pa lamang sa ating unang araw na malinis. Kung tunay nating pinaniniwalaan na tayo ay walang kapangyarihan sa ating adiksyon, hindi natin pipiliing mapalapit sa droga. Ang patuloy na pamumuhay kasama o pakikisalamuha sa mga adik na patuloy na gumagamit ay maaaring magpahiwatig ng pag-aalinlangan sa ating programa. Ang ganap na paniniwala na ang Unang Hakbang ay naaangkop sa atin ang titiyak na aalisin natin sa ating mga tahanan ang lahat ng droga at mga kagamitan nito.
Habang lumilipas ang panahon, hindi lamang natin ipagpapatuloy ang mga pangunahing bagay kundi magdaragdag din tayo ng mga bagong pagkilos sa ating mga ginagawa sa Unang Hakbang. Matututo tayong damhin ang ating mga damdamin sa halip na subukang kontrolin ang mga ito. Titigil tayo sa pagsisikap na tayo ang maging sarili nating mga gabay sa ating paglalakbay sa paggaling; hihinto ang sariling paggabay. Magsisimula tayong mas umasa sa isang Kapangyarihan na higit sa atin para sa ispiritwal na kasiyahan, sa halip na subukang punan ang puwang na iyon ng iba pang bagay.
Ang pagsuko ay simula pa lamang. Kapag tayo ay sumuko na, kailangan nating matutong mamuhay sa kapayapaan na ating natagpuan.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Gagawin ko ang lahat ng kinakailangang pagkilos upang isagawa ang Unang Hakbang. Tunay kong pinaniniwalaan na ito ay naaangkop sa akin.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 28
Isang pang-araw-araw na adik
“Hindi tayo kailanman ganap na gagaling, gaano man katagal tayong manatiling malinis.”
-----
Pangunahing Teksto, p. 84
Matapos magkaroon ng kaunting panahon sa programa, ang ilan sa atin ay nagsisimulang mag-isip na tayo ay gumaling na. Natutunan na raw natin ang lahat ng maituturo ng Narkotiko Anonimo; nabagot na tayo sa mga miting ng NA; at ang ating sponsor ay tila paulit-ulit na lamang sinasabi ang parehong linya: “Ang mga hakbang—ang mga hakbang—ang mga hakbang!” Napagpapasyahan natin na panahon na para ipagpatuloy ang ating mga buhay, bawasan nang malaki ang mga miting, at subukang bawiin ang mga taong nawala sa aktibong adiksyon. Ginagawa natin ito, gayunpaman, sa kapahamakan ng ating paggaling.
Ang ilan sa atin na nagkaroon ng relapse ay madalas subukang dumalo sa napakaraming miting, sa abot ng ating makakaya. Ang ilan sa atin ay dumadalo sa miting araw-araw sa loob ng ilang taon. Maaaring ganun katagal bago natin maunawaan na tayo ay palaging adik. Maaaring maayos ang pakiramdam natin sa ilang araw at may sakit sa ibang araw, ngunit tayo ay adik araw-araw. Sa anumang oras, maaari tayong mapasailalim sa delusyon, pagkakaila, pagbibigay-katuwiran, panlilinlang, kabaliwan—lahat ng mga palatandaan ng karaniwang paraan ng pag-iisip ng isang adik. Kung nais nating ipagpatuloy ang isang masayang pamumuhay nang walang paggamit ng droga, kailangan nating isagawa ang isang aktibong programa ng paggaling araw-araw.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Ako ay isang adik araw-araw, ngunit ngayon ay may pagpipilian akong maging isang nagpapagaling na adik. Pipiliin ko iyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng aking programa.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 27
Matutong mamuhay muli
“Natututo tayo ng mga bagong paraan ng pamumuhay. Hindi na tayo nalilimitahan ng ating mga dating ideya.”
-----
Pangunahing Teksto p. 56
Maaaring itinuro sa atin o hindi ang tama at mali, pati ang iba pang batayang bagay sa buhay, noong tayo’y mga bata pa. Gayunpaman, nang matagpuan natin ang paggaling, karamihan sa atin ay may napakalabong ideya lamang kung paano mamuhay. Ang ating pagkakabukod mula sa lipunan ang nagdulot sa atin na ipagwalang-bahala ang mga batayang pananagutang pantao at bumuo ng mga kakaibang paraan ng pagharap upang makibagay sa mundong ating ginagalawan.
Ang ilan sa atin ay hindi marunong magsabi ng totoo; ang iba naman ay sobrang prangka kaya nasasaktan ang bawat taong nakakausap. Ang ilan ay hindi makayanan ang pinakasimpleng personal na problema, samantalang ang iba ay sinusubukang lutasin ang mga problema ng buong mundo. Ang ilan ay hindi kailanman nagagalit, kahit na sila’y tinatrato nang hindi makatarungan; ang iba naman ay abalang nagrereklamo laban sa lahat at sa lahat ng bagay.
Anuman ang ating mga problema, gaano man kalala, lahat tayo ay may pagkakataon sa Narcotics Anonymous na matutong mamuhay muli. Marahil kailangan nating matutunan ang kabaitan at kung paano malasakitan ang iba. Marahil kailangan nating tanggapin ang personal na mga pananagutan. O maaaring kailangan nating pagtagumpayan ang takot at sumugal sa ilang mga panganib. Isang bagay ang tiyak: Sa bawat araw, sa simpleng pamumuhay, may bago tayong matututunan.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Mas marami na akong alam tungkol sa kung paano mamuhay kaysa kahapon, ngunit hindi pa kasingdami ng malalaman ko bukas. Ngayon, may matututunan akong bago.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 26
Pagkakasentro sa sarili
“Ang espirituwal na bahagi ng ating sakit na adiksyon ay ang ganap na pagkakasentro sa sarili.”
Pangunahing Teksto p. 20
-----
Ano ang pagkakasentro sa sarili? Ito ang paniniwala natin na ang mundo ay umiikot sa atin. Ang ating mga kagustuhan at mga hinihingi lamang ang karapat-dapat isaalang-alang. Naniniwala ang makasariling isipan na kaya nitong makuha ang lahat ng gusto nito kung pababayaan lamang itong kumilos ayon sa sarili nitong paraan. Ipinapalagay ng pagkakasentro sa sarili ang ganap na pag-asa sa sarili.
Sinasabi natin na ang pagkakasentro sa sarili ang espirituwal na bahagi ng ating sakit na adiksyon dahil ang isipan na nakasentro sa sarili ay hindi kayang mag-isip ng anumang mas dakila o mas mahalaga kaysa sa sarili nito. Ngunit may espirituwal na solusyon sa ating espirituwal na karamdaman: ang Labindalawang Hakbang ng Narkotiko Anonimo. Inilalayo tayo ng mga hakbang mula sa pagkakasentro sa sarili at inaakay tayo tungo sa pagkakasentro sa Diyos.
Inaalis natin ang ating maling paniniwala sa ganap na pag-asa sa sarili sa pamamagitan ng pag-amin sa ating kawalan ng kapangyarihan at paghahanap ng tulong mula sa isang Kapangyarihang Higit sa Atin. Kinikilala natin ang pagkabangkarote ng ating pagiging-matuwid-sa-sarili sa pamamagitan ng pag-amin na tayo ay nagkamali, paggawa ng mga pagsasaayos, at paghahanap ng kaalaman kung ano ang tama mula sa Diyos ayon sa ating pagkaunawa. At pinapawi natin ang labis na pakiramdam ng sariling kahalagahan sa pamamagitan ng paghahangad na maglingkod sa iba, hindi lamang sa ating sarili.
Ang pagkakasentro sa sarili na nagpapahirap sa ating espiritu ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng isang espirituwal na solusyon: ang Labindalawang Hakbang.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Ang aking patnubay at ang aking lakas ay nagmumula sa Kapangyarihang Higit sa Atin, hindi sa aking sarili. Isasabuhay ko ang Labindalawang Hakbang upang maging mas nakasentro sa Diyos at mas kaunti ang pagkakasentro sa sarili.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 25
Isang dagdag na regalo
“Nakikita natin itong nangyayari sa atin araw-araw. Ang makahimalang pagbabagong ito ay patunay ng isang espiritwal na pagkamulat.”
Pangunahing Teksto p. 51
-----
Nakikita natin silang pumasok sa kanilang unang miting na talunan, wasak ang loob. Kitang-kita ang kanilang pagdurusa, at higit pang malinaw ang kanilang hangaring humingi ng tulong. Tinatanggap nila ang welcome chip at bumabalik sa kanilang upuan, nanginginig pa sa naging pagsisikap.
Muli natin silang nakikita, at tila mas komportable na sila. Nakahanap na sila ng sponsor at dumadalo sa mga miting gabi-gabi. Hindi pa rin nila kayang salubungin ang ating tingin, ngunit tumatango sila bilang pagkilala habang tayo’y nagbabahagi. Napapansin natin ang kislap ng pag-asa sa kanilang mga mata, at nag-aatubili man, sila’y napapangiti kapag hinihikayat natin silang patuloy na bumalik.
Pagkalipas ng ilang buwan, tuwid na silang nakatayo. Natutunan na nilang makipagtinginan nang diretso. Isinasabuhay na nila ang Labindalawang Hakbang kasama ang kanilang sponsor, at bilang bunga nito, sila’y gumagaling. Pinakikinggan natin ang kanilang pagbabahagi sa mga miting. Pagkatapos, kasama natin silang nag-aayos at nagsasalansan ng mga upuan.
Pagkaraan ng ilang taon, nagsasalita na sila sa isang workshop sa kombensiyon. Mayroon na silang kahanga-hanga at palabirong personalidad. Ngumingiti sila kapag tayo’y nakita, niyayakap tayo, at sinasabi nilang hindi nila ito nagawa kung wala tayo. At nauunawaan nila kapag sinabi natin, “ni kami rin, kung wala ka.”
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Makakahanap ako ng kagalakan sa pagsaksi sa paggaling ng iba.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 24
Mula sa pagkakabukod tungo sa ugnayan
“Ang sakit na adiksyon ay naghiwalay sa atin… Palaban, mapagtanim ng sama ng loob, makasarili at nakatuon lamang sa sariling kapakanan, pinutol natin ang ating ugnayan sa panlabas na mundo.”
-----
Pangunahing Teksto p. 4
Ang sakit na adiksyon ay isang sakit ng pagkakabukod, isinasara tayo mula sa lipunan, pamilya, at sa ating sarili. Nagtago tayo. Nagsinungaling tayo. Hinamak natin ang mga buhay na nakikita nating tinatahak ng iba—mga buhay na tiyak nating inakalang lampas na sa ating maaabot.
Pinakamasahol sa lahat, sinabi natin sa ating mga sarili na wala namang mali sa atin, kahit alam nating tayo ay lubhang may sakit. Naputol ang ating ugnayan sa mundo—at maging sa mismong realidad. Nawalan ng kahulugan ang ating buhay, at lalo pa tayong umurong palayo sa realidad.
Ang programa ng NA ay sadyang idinisenyo para sa mga taong tulad natin. Tinutulungan tayo nitong muling maiugnay sa buhay na para sa atin, hinahatak tayo palabas ng pagkakabukod. Tumitigil tayong magsinungaling sa ating mga sarili tungkol sa ating kalagayan; inaamin natin ang ating kawalan ng kapangyarihan at ang kawalan ng kakayahang pamahalaan ang ating mga buhay.
Pinauunlad natin ang pananalig na maaaring gumanda ang ating buhay, na posible ang paggaling, at na ang kaligayahan ay hindi tuluyang lampas sa ating maaabot. Nagiging tapat tayo; tumitigil tayong magtago; tayo ay “nagpapakita at nagsasabi ng totoo” anuman ang mangyari. At habang ginagawa natin ito, itinatatag natin ang mga ugnayang nagdurugtong sa ating mga indibidwal na buhay sa mas malawak na buhay sa ating paligid.
Tayong mga adik ay hindi kailangang mamuhay sa pagkakabukod. Maibabalik ng Labindalawang Hakbang ang ating ugnayan sa buhay at sa pamumuhay—kung isasabuhay natin ang mga ito.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Ako ay bahagi ng buhay sa aking paligid. Isasabuhay ko ang aking programa upang patibayin ang aking ugnayan sa aking mundo.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Enero 23
Pagsusuri ng kahinahunan
“Kakulangan sa pang-araw-araw na pagpapanatili ay maaaring makita sa maraming paraan.”
Pangunahing Teksto p. 95
-----
Naranasan mo na bang may ganap na estrangherong nagkomento kung gaano kaganda ang panahon, tapos ang sagot mo ay, “Ang pangit”? Kapag nangyari ito, malamang ay nagdurusa tayo sa kakulangan ng pang-araw-araw na pagpapanatili sa ating programa.
Sa paggaling, maaaring maging magulo ang buhay. Maaaring napapasabak ka dahil sa mga nadagdag na responsibilidad sa trabaho. Baka matagal ka nang hindi nakakadalo sa miting. Maaaring masyado kang naging abala para magnilay, o hindi ka na kumakain nang regular o nakakatulog nang maayos. Anuman ang dahilan, ang iyong kahinahunan ay unti-unting nawawala.
Kapag nangyari ito, mahalagang kumilos tayo. Hindi natin kayang hayaan na ang isang “masamang araw,” na may kasamang masamang saloobin, ay maging dalawang araw, apat na araw, o isang linggo. Ang ating paggaling ay nakasalalay sa ating programa ng pang-araw-araw na pagpapanatili. Anuman ang nangyayari sa ating buhay, hindi natin kayang pabayaan ang mga prinsipyong nagligtas sa ating buhay.
Maraming paraan upang mabawi ang ating kahinahunan. Maaari tayong dumalo sa miting, tumawag sa ating sponsor, makipagkita sa isa pang gumagaling na adik para mananghalian, o subukang dalhin ang mensahe sa isang baguhan. Maaari tayong manalangin. Maaari tayong maglaan ng sandali upang tanungin ang ating sarili kung anu-anong simpleng bagay ang hindi na natin nagagawa. Kapag ang ating mga saloobin ay pababa ang direksiyon, maaari nating maiwasan ang pagbagsak sa pamamagitan ng mga simpleng solusyon.
-----
Para sa Araw na Ito Lamang: Susuriin ko ang pagpapanatili ng aking pang-araw-araw na programa ng paggaling.
-----
Paunawa
© 2007–2023, Narcotics Anonymous World Services, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Ang pagsasaling ito ng Just for Today ay awtorisado ngunit hindi pa inaaprubahan ng NA World Board. Para lamang ito sa pansariling pag-aaral at internal na sanggunian. Hindi ito opisyal na publikasyon ng Narcotics Anonymous at hindi maaaring kopyahin, ipamahagi, ilathala, pagkakitaan, o gamitin sa pampublikong pagpupulong o sirkulasyon nang walang pahintulot mula sa Narcotics Anonymous World Services, Inc.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Metro Manila
Manila
1000