SilentBytes Technology
🚨 CYBER ALERT: AI-Generated Scams Targeting Filipinos 🚨
(Para sa Publiko at Pamahalaan)
Mga kababayan, mag-ingat po tayo!
May nadiskubre kami dito sa Meta (Facebook/Instagram) na ginagamit ng cybercriminals at scammers ang Artificial Intelligence (AI) para mangloko ng tao.
Paano ito ginagawa?
- Gumagamit sila ng AI-generated videos at voices na halos kopyang-kopya ang itsura at boses ng mga kilalang tao — politiko, pangulo, artista, at iba pa.
- Ipinapakita sa mga sponsored ads na parang sila mismo ang nag-eendorso ng produkto o investment.
- Dahil sobrang kapareho ng mukha at boses, maraming tao ang nalilinlang, lalo na ‘yung mga hindi pamilyar sa AI technology.
📍 Mga natuklasan sa aming imbestigasyon:
- 17 fake videos na kumakalat sa social media — lahat ay halos identical ang style at content.
- 4 identities na may parehong motibo ang natukoy naming nasa likod ng mga video na ito.
Paano namin na-spot na FAKE ito base sa analysis:
1. Galaw ng katawan – Madalas sobra o hindi natural ang galaw.
2. Panga at bibig – Hindi tugma ang galaw ng panga sa salita.
3. Adam’s apple – Hindi gumagalaw kahit nagsasalita.
4, Speech pattern – Walang natural na paghinto o emosyon sa boses (robotic at “heartless” ang dating).
5. Glitch sa boses - yung boses niya na parang robot sa vowels and distortion.
Babala:
- Ang video na ipapakita namin ay pekeng content — isa sa mga fake news videos na kumakalat ngayon sa social media.
- Sa comment section, ilalagay namin ang lahat ng 17 fake videos na natukoy para makita ninyo at maiwasan.
Ano ang dapat gawin ng publiko?
- Kung may nakita kayong website o FB page na pinagdududahan, i-comment po dito.
- Kami sa CyberAwareness at SilentBytes ay handang i-verify ito nang libre bago kayo mag-loan, magpadala ng pera, o gumawa ng desisyon.
📣 Tulong-tulong po tayo para maprotektahan ang ating komunidad laban sa AI scams!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Unit I, 5th Floor, CK Bldg. 10 Don A.Roces Ave, Diliman, Quezon City,Metro Manila, Philippines, 1127
Manila
1127