Baliktanaw

Baliktanaw

Share

07/07/2026

𝗕π—₯π—˜π—”π—žπ—œπ—‘π—š π—‘π—˜π—ͺ𝗦 | Kasalukuyan nang nagpapatuloy sa Senado ngayong araw, Hulyo 7, ang ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nakatuon ang naturang pagdinig sa Artikulo IV ng mga Artikulo ng Impeachment na may kaugnayan sa umano’y grave threats, assassination plot, at inciting to sedition laban kay Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan. Tatlong testigo ang nakatakdang iharap ng House Prosecution upang magbigay ng testimonya kaugnay ng naturang mga alegasyon.

Gayunpaman, ayon sa kampo ni Duterte, bahagi lamang umano ng kaniyang freedom of expression ang mga pahayag na naging batayan ng reklamo at iginiit na walang ebidensiyang magpapatunay na may inupahang tao ang Bise Presidente upang isakatuparan ang anumang banta laban sa Pangulo.

Samantala, dalawampu (20) sa dalawampu't apat (24) na senador-hukom (senator-judges) ang dumalo sa pagbubukas ng ikalawang araw ng paglilitis. Inasahan naman ang pagdating ni Duterte sa Senado bago magsimula ang pagdinig upang makipagpulong sa kaniyang mga abogado β€” sa hanay ng kaniyang Defense Team β€” bagaman hindi siya humarap sa impeachment court.

Bukod pa rito, sa isang maikling pahayag sa idinaos na press conference, sinabi ni Duterte na, β€œIn this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed,” bilang tugon sa nagpapatuloy na proseso ng paglilitias laban sa kaniya.

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Anonas Street
Manila
1016

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm