Damlay - PCCR.
12/11/2025
β¨ Ang Ingat-Yaman na buong pusong nagsisilbi sa Samahan! β¨
Maligayang kaarawan, Asnor S. Osodan β ang masipag, maagap, at tapat na Ingat-Yaman ng Damlay! ππ
Pasensiya na kung medyo huli ang bati β better to be late than never, βdi ba? π Alam naming abala ka pa sa KulTOUra, kaya heto ang aming taos-pusong pagbati! Maraming salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa pagtupad ng tungkulin. Tunay kang haligi ng kaayusan at inspirasyon sa buong samahan. π
Nawaβy maging makulay, masaya, at punΓ΄ ng biyaya at tagumpay ang iyong espesyal na araw!
Muli, isang mainit na pagbati sa iyo, Asnorrrrr!!! π₯³π
19/09/2025
Matagumpay na naisakatuparan ang βTitik at Tinig: Pagsasanay sa Malikhaing Pagsulat!β¨ποΈ
Masaya, makulay, at puno ng bagong kaalaman ang naging paglalakbay ng ating Sangay ng Panitik kasama ang pamunuan ng DAMLAY sa isinagawang pagsasanay ni G. Erick Loquez, sa pagsulat ng balita sa araw na ito!
Mula sa masinsinang talakayan hanggang sa malikhaing paglikha, tunay na ipinakita ng bawat isa ang kanilang galing at damdaming-DAMLAYon. π‘π₯
Kaisa ang PCCR Soarers' Journalism Club, patuloy tayong magtataguyod ng malikhaing pagpapahayag at masining na pagsulat. Maraming salamat sa pagsasagawa ng pagsasanay para sa lahat!
Mabuhay ang ating mga manunulat, ngayon at sa mga susunod pang kabanata! Kitakits sa ikalawang sesyons!
18/09/2025
Malugod naming tinatanggap ang mga bagong DAMLAYon! π₯³π
Isang mainit na pagbati sa mga mula sa iba't ibang strand sa high school, na pumili ng Damdamin at Malay bilang kanilang tahanan sa sining at malikhaing pagpapahayag. Kaya ngayon, narito ang mga bagong kaagapay sa Panitikan, Bigkasan, at Tanghalan na handa nang magbigay kulay, boses, at damdamin sa ating mga gawain.
π€ Malugod naming sinasabi: Maligayang pagdating sa pamilya ng DAMLAY! πΈπ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
641 Sales Street , Sta. Cruz
Manila