Homeschool Projects
Rizal's Monument
10/10/2025
History: Andres Bonifacio and procopio Bonifacio
Matapos ang 95 years, pinawalang sala sina Andres at Procopio Bonifacio.
1992, muling binuksan ang kaso sa korte suprema matapos ang 95 years, binusisi ito ni Supreme Court Justice Abraham Sarmiento, sa mga inilitag na ibidensya ng kasaysayan napatunayan na hindi dumaan sa tamang proseso at walang sapat na ibidensya laban sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio ang kampo ni Emilio Aguinaldo.
Pinawalang sala ang dalawa noong November 27, 1992 ng korte suprema, walang pagtataksil at sedisyon o panunulsol laban sa pamahalaan na naganap, binaligtad din ni Justice Sarmiento ang Hatol na 'guilty' sa magkapatid na bonifacio. Mula sa huling bahagi ng isang dangkal ng kamay na desisyon; (sa wikang Ingles)
“As to the trial of Andres and Procopio Bonifacio, that the trial was null and void, the Council of War having deprived both accused of due process.”
“As to the evidence against the accused, that although the verdict of the War Council was based on no competent evidence, it is nonetheless a historical fact that Andres Bonifacio had sought to set up a rival government in defiance of the Tejeros Government”
“Declaring the accused innocent of the crimes for which they were tried.”
Ito ang patunay na kahit halos isang daang taon na ang lumipas ay kaya paring makamit ang hustisya na sana’y hindi pinataw ng mga taong sakim sa kapangyarihan at posisyon sa panahon ng rebolusyon. Isang bagay sa kasaysayan na hindi kailaman maitatanggi na isang ‘Political threat’ si Bonifacio.
33 years old si Bonifacio nang ito’y ipapatay habang si Procopio ay 23 na taong gulang lamang, sa gubat ng Maragondon sa Cavite pinaslang ng walang habag ang dalawa. Hinangaan ng lahat ang desisyong ito ni Sarmiento, dahil sa paraang ito, nalinis ang pangalan ng dalawa sa ating kasaysayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the school
Telephone
Address
Manila
1111