The Catalyst

The Catalyst

Share

Photos from The Catalyst's post 15/04/2026

TINGNAN: Bilang pakikiisa sa malawakang protestang bayan ng mga tsuper at komyuter kontra taas-presyo ng mga produktong petrolyo, bilihin, at batayang serbisyo nagmartsa ang iba't ibang progresibong organisasyon ng PUP mula tarangkahan ng pamantasan patungong Petron ngayong araw, Abril 15.

Kinundena nila ang pananamantala ng mga malalaking oil corporation sa krisis para tumubo ng malaking kapital, habang ang mga ordinaryong mamamayan ang naghihirap sa pagiging ganid ng mga ito.

Sigaw ng nagkakaisang kabataan ang pagbasura ng excise tax, value added tax (VAT), at oil deregulation law na patuloy na nagpapataas sa presyo ng mga petrolyo.

Inanyayahan din ang mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa mga serye ng transport strike mula ngayong araw hanggang biyernes at sa malawakang kilos-protesta sa Mayo Uno upang singilin ang rehimeng Marcos-Duterte sa pagpapalala ng kagutuman at korapsyon, at ang imperyalistang US sa nagpapatuloy nitong gyerang agresyon sa daigdig.

15/04/2026

PANOORIN: Pahayag nina Tiffany Faith Brillante, Youth Rage Against Corruption (YRAC) National Convenor, at Michael Dave Bolima, PUP Sentral Konseho ng Mag-aaral (PUP-SKM) Secretary-General, matapos ipatanggal ng Petron at mga opisyales ang itinayong strike center ng mga kabataan laban sa pagtaas ng presyo ng krudo, sa Sta. Mesa, Maynila, Abril 15.

Photos from The Catalyst's post 09/04/2026

LOOK: Various multisectoral groups and organizations under the Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) marched towards the United States Embassy to hold a program as part of commemoration activities for Araw ng Kagitingan today, April 09.

The protest mobilization denounced the imperialist aggression of the US and Israel against Iran which soared gasoline prices as high as ₱150 per liter, and urged the Marcos Jr. administration to end the presence of foreign troops and cancel the 2026 Balikatan Exercises, which is set to be held on April 13.

This year's Araw ng Kagitingan marks the 84th anniversary of the resistance of combined Filipino-American troops in Bataan against the Imperial Japanese Army. Despite the shared history, criticisms exist surrounding the unequal relations between the US and the Philippines, with the latter being treated as a vassal state and dominated by the former in aspects of politics, economy, military, culture, and foreign relations.

09/04/2026

Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong taon, muling kinukundena ng sambayanang Pilipino ang panghihimasok at hari-harian ng Estados Unidos sa bansa, at gayundin, sa buong daigdig.

Sa dulo ng Abril, 12 na taon na ang lilipas matapos pirmahan noong 2014 ang kasunduan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Bitbit ng EDCA ang pribilehiyo ng Estados Unidos na muling makapagpatayo ng mga base militar sa bansa, mag-imbak ng mga kagamitang pang gyera, makapagparami ng sundalong Kano, at makapaglunsad ng mga aktibidad pangmilitar sa teritoryo ng bansa. Sa kabilang bahagi naman, inaasahang magsisimula na ang Balikatan Exercises mula Abril 13 hanggang Mayo, kung saan libo-libong Amerikano at Pilipinong sundalo ang lalahok sa isang ehersisyong militar na ilulunsad sa mga rehiyon at karagatan ng bansa.

Kapalit ng dalawang ito ang pagtapak sa soberanya ng bansa, panghihimasok sa pulitika at ekonomiya nito, pagnakaw sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan, at pagtapak sa kanilang mga karapatang pantao.

Sa Balikatan pa lamang, pahirap na sa araw-araw na pamumuhay ng mga mangingisda ang deklarasyong ‘no sail zone’ sa kanilang baybayin upang makapaglunsad ng ehersisyong militar bunsod ng ninanakawan sila rito ng kita at pangkain. Sa mas mahabang epekto, sinisira ng taunang Balikatan ang kalikasan at saribuhay ng karagatan.

Labas pa rito, nasa kaibuturan ng pamumuhay ng sambayanan ang desperadong pagtatangka ng Estados Unidos na pangibabawan ang buong daigdig. Ang mga tsuper, ginugutom na sa nagtataasang presyo ng diesel na lumalagpas na sa halagang P150 kada litro. Wala ring kinauunlad ang kabuhayan ng mga manggagawa’t magsasaka na pangunahing biktima ng mga neoliberal na kumpas ng Estados Unidos sa mga polisiya ng bansa. Ang kabataan, hinuhulma din ng neoliberal na edukasyon upang maging susunod na henerasyon ng manggagawa na pagsasamantalahan.

Kung kaya’t ang laban ng mamamayan para sa kanilang demokratikong karapatan ay laban ng sambayanan para sa ganap na kalayaan. Malinaw sa lokal na konteksto ng Pilipinas at ng internasyonal na sitwasyon sa Kanlurang Asya na hindi kailanman naging tunay na kaibigan ang Estados Unidos sa bayan. Higit na mas malinaw rito na kasabay ng naaagnas na kalagayan ng Estados Unidos, lalo lamang paiigtingin ng sambayanang Pilipino ang kanilang laban para makamtan ang kanilang ganap na kalayaan.

Dibuho ni Bea Bianca Rivero

07/04/2026

PANOORIN: Pahayag ni Tiffany Brillante, National Convenor ng Youth Rage Against Corruption, sa ikinasang lokal na protesta kontra pasismo ngayong araw, Abril 7, sa PUP Lagoon.

"Takot ang gobyernong mayroon tayo sa mga kabataang kayang-kayang magluwal ng dumadagundong na protesta laban sa korapsyon, laban sa kagutuman, at laban sa nangyayaring digmaan sa buong mundo. Kaya naman, malalaki ang hamon sa ating mga kabataan sa gitna ng mga patuloy na ginagawang pangkakaso tulad sa mga kabataang tulad namin ni Jacob, na ngayon ay kumakaharap ng mga sedition charges dahil lamang lumahok kami sa mga anti-corruption na protesta. At sa araw-araw na kinakaharap ng mga kabataang katulad natin, na sinasabihan tayong "rebelde" o "terorists" dahil lamang mulat tayo sa nangyayari sa ating bansa. Patuloy tayong mangahas na lumaban, patuloy nating kwestyonin ang sistemang mayroon tayo," ani Brillante.

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Room 206 Charlie Del Rosario Bldg
Manila
1016