EMB MIMAROPA
06/07/2026
Permitting on Wheels sa El Nido, matagumpay na isinakatuparan
EL NIDO, PALAWAN — Matagumpay na inilapit ng Environmental Management Bureau MIMAROPA Region ang kanilang mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan at lokal na negosyo sa pamamagitan ng isinagawang "DENR Express: Permitting on Wheels (POW)" noong ika-23 hanggang ika-25 ng Hunyo 2026.
Sa isinagawang tatlong araw na programa ng DENR sa 2nd Floor Conference Room ng The Funny Lion, Balinsasayaw Road sa El Nido Town, nakapagbigay ng on-the-spot na permitting assistance para sa new at renewal applications ang EMB MIMAROPA Region kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Gabay ang tagline ng Permitting on Wheel na "Serbisyong Pinabilis, Pinadali, at Inilapit sa Inyo ng DENR!", dinala ng ahensya ang mga technical at evaluation personnel nito upang direktang asikasuhin ang mga pangangailangan ng komunidad nang hindi pumupunta sa EMB MIMAROPA Regional o Field Office.
Batay sa opisyal na ulat ng post-event statistics ng EMB MIMAROPA Region, umabot sa kabuuang 147 kliyente ang matagumpay na nabigyan ng assistance sa buong tatlong araw ng Permitting on Wheels.
Sa unang araw pa lamang (Hunyo 23), nasa kabuuang 59 na kliyente ang dumating para magpa-assist at magpa-approve ng kanilang environmental permit applications. Noong sunod na araw (Hunyo 24), umabot naman sa 69 katao ang napaglingkuran ng technical team, habang nasa 19 na kliyente naman ang pumunta sa huling araw ng Permitting on Wheels sa El Nido noong Hunyo 25.
Mula sa mga kliyenteng ito, nakatanggap ang EMB MIMAROPA Region ng 29 permit applications. Dahil sa pinabilis na sistema ng "Permitting on Wheels," nagawang maproseso at mai-release agad ang may kabuuang 41 environmental permit at clearances, na kinabibilangan ng mga kritikal na dokumento pangkapaligiran para sa operasyon ng mga lokal na proyekto o establisimyento.
Kabilang sa mga pangunahing dokumento na idinulog at matagumpay na nai-release ay ang mga sumusunod:
• 20 Pollution Control Officer (PCO) Accreditation/Permit
• 6 Wastewater Discharge Permit (DP)
• 2 Environmental Compliance Certificate (ECC)
• 4 Hazardous Waste Generator’s ID (HWG ID)
• 4 Permit to Operate (PTO) Air Pollution Source Installation
• 1 Certificate of Non-Coverage (CNC)
Bukod sa mga nabanggit na permit, nagbigay din ang EMB MIMAROPA Region ng tulong sa Company Registration System (CRS) Request para sa 20 kliyente kung saan 6 na aplikasyon ang natanggap at naiproseso.
Tumulong din sa pag-aassist sa pagsusumite ng Online Self-Monitoring Report (SMR), Compliance Monitoring Report (CMR), at iba pang mga legal na usapin na may kinalaman sa environmental compliance.
Upang mas mapalawak ang kamalayan ng publiko ukol sa tamang pangangalaga sa kalikasan at mga regulasyon, nagbahagi rin ang EMB MIMAROPA Region ng mahigit 500 na piraso ng Information, Education, and Communication (IEC) materials sa mga bumisitang kliyente.
Samantala, naging maayos din ang pangongolekta ng mga kaukulang bayarin sa pamamagitan ng payment booth na nakapagtala ng kabuuang 78 Official Receipts na naisyu sa loob ng tatlong araw.
Lubos na nagpapasalamat ang team ng EMB MIMAROPA Region sa pamumuno ni Regional Director Joe Amil M. Salino sa matagumpay na pagsasakatuparan ng "DENR Express: Permitting on Wheels" sa bayan ng El Nido. Nangangako ang ahensya na patuloy itong magbibigay ng tapat at mabilis na serbisyo sa publiko.
Sa pamamagitan ng pagdadala ng mga serbisyo nang direkta sa mga komunidad, layunin ng EMB MIMAROPA Region na lalo pang itaas ang antas ng environmental compliance ng mga proyekto sa rehiyon upang patuloy na protektahan ang kapaligiran habang itinataguyod ang sektor ng turismo at pangkalahatang pag-unlad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
12F, Trium Square, Sen Gil J. Puyat Avenue
Manila
2183
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |