IOCA
02/06/2026
TINANGGAL na sa House of Representatives si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga matapos bumoto ang mga mambabatas pabor sa rekomendasyon ng House ethics panel na siya ay mapatalsik dahil sa umano’y “disruptive” at “disorderly” behavior.
Ayon sa ulat, umabot sa 265 lawmakers ang bumoto pabor sa kanyang expulsion, habang 14 ang tumutol at 8 ang nag-abstain. Dahil dito, si Barzaga ang unang mambabatas sa halos tatlong taon na napatalsik mula sa Kamara.
Sinabi ni House ethics panel chairperson at 4Ps party-list Rep. JC Abalos na ang pagpapatalsik ang nararapat na parusa dahil dalawang beses nang nasuspinde si Barzaga ng tig-60 araw nang walang sahod ngunit hindi umano nagbago ang kanyang pag-uugali.
Kabilang sa mga alegasyong isinampa laban kay Barzaga ang pag-uugnay sa kanyang dating partido at ilang personalidad sa korapsyon nang walang naipakitang dokumento, pagpo-post ng mga larawang inihahambing ang ilang mambabatas sa mga buwaya, pag-akusa sa kapwa mambabatas sa pagkakasangkot sa pagkamatay ng isang lokal na opisyal, at pagiging umano’y magulo sa mga plenary session.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Abalos: “Rep. Barzaga engaged in a pattern of highly disruptive, discourteous, and disorderly behavior that directly obstructed plenary sessions and desecrated parliamentary solemnity.”
Dagdag pa niya, “With the representative having meted, in two instances, 60-day suspensions, the Committee considers that another penalty of suspension will not likely deter the improper behavior which continuously reflects negatively on the image of the House of Representatives."
Gayunman, hindi lahat ay sang-ayon sa naging desisyon. Ipinahayag ni Navotas Rep. Tobias Tiangco ang kanyang pagdududa kung nararapat nga ba ang pinakamabigat na parusa para kay Barzaga.
“He made mistakes, but the penalty should be commensurate with the offense,” ani Tiangco.
Si Barzaga, na 27 taong gulang, ay kilala rin bilang animal rights advocate at madalas gumamit ng cat persona sa kanyang mga pahayag at social media posts.
Ano ang masasabi ninyo sa naging desisyon ng Kamara? Tama lang ba ang pagpapatalsik kay Kiko Barzaga, o masyado itong mabigat na parusa? Ibahagi ang inyong opinyon sa comments section.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Robinsons Cybergate Towers 1, 2 And 3, EDSA Cor. Pioneer Street, Mandaluyong City, 1554 Metro Manila
Manila
1900
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |