Tula ni Alto
06/11/2024
2 mini making short Poem🥹
In Filipino we say,
“kung sakaling mapagod”
In panulaan we say,
Kung sakaling di na kaya ng katawan na maging masigla.
At kung sakaling hindi na kayang maipinta ang ngiti sa akin mukha
sa twing pinagtatagpo tayo ni tadhana
Sana maunawaan mong nagbabago ang panahon
Katulad na lamang ng hampas ng alon
Sana andyan kaparin
Handa akong sagipin
Sa ora’s na ako’y tangayin
At kung sakaling nagsalubong ang pareho nating damdamin
At di na kayang pang piliin at pilitin
Maaaring kumawala kana sakin
Isinulat ni: Carlo Magracia
Place:
23/09/2024
"Buhay kolehiyo"
Minsan napapaisip ako, kung kaya ba?
Kaya pa ba ng utak at katawan
Minsan iniiyakan nalang
Lalo't kapag hindi maintindihan
Ang mga aralin na tila ba'y ang hirap maunawaan
Minsan napa isip nalang ako kung natututo pa ba ako o gusto ko nalang pumasa
~Photo not mine
"EXAM"
Mag review kana may exam kapa!
Sayang ang oras, may oras pa
Wag puro cellphone, mag-aral ka
Wag puro scrool lang, mag saulo ka
Hindi lahat multiple choice
Minsan true or false
Kung mamalasin identification
Kaya mag review ka, yan ang solusyon
Wag puro mini maynimo
Baka mali ang mapili mo
Wag din umasa sa katabi
Baka sagot din nya ay mali
Kaya mag review ka
Baka sakaling pumasa
Wag umasa sa katabi mong paasa
Kaya kung nababa mo toh
galaw-galaw na
✍️: Tula ni Alto
06/03/2024
"Sa ngayon pahinga muna"
Bahala muna si tadhana
Ang maghanap ng makakasama
Siguro nga'y di pa talaga tayo handa
Kaya mas pinili nating magpalaya
Papatulugin muna ang mga puso
Sapagkat na pagod sa labanan
Ayaw munang masaktan
Di rin kanyang sukuan
Mas pinili munang layuan
Alam kung masakit at mahirap
Pero kailangan munang nating magpanggap
Kakalimutan muna ang lahat
At sa pagpabalik ay dapat sapat
Mahalin muna ang sarili
Wag mag munang magmadali
Baka mali ang mapili
At baka masaktan uli
At kung sakaling mainip si tadhana
kahihintay sa ating dalawa
Maari ka ng humanap ng iba
Handa naman akong magpaubaya
At kung sakaling wala ka pa
Mananatili parin aking ka
Mamahalin parin kita
Gaya nung simula
Isinulat ni: Alto
10/01/2024
"Bakit ayaw mong pinipicturan ka?"
Hindi kasi ako photogenic
Hindi sa allergic
pero, di ako katulad ng iba ang gwapo at maganda
Hindi ako katulad ng iba kahit saang anggulo perpekto tingnan sa camera
Samantala ako maraming insecurities sa katawan
Natatakot ako na baka ako'y maghusgahan
Na baka ako'y pagtawanan
Kaya pinipilit ko na wag nalang
Kasi, kung sino lang talaga may istura
Sila lang yung minamahal ng madla
Paano kaming hindi pinagpala?
Minsan lang mapansin,
pero puro panglalait pa
Nakakalungkot lang
kasi, sa mundong mapanghusga
lamang parin ang may istura
✍️: Carlo also known as (Tula ni Alto)
Photo not mine
If you want to read more pls. Follow my new Pages (Tula ni Alto) kasi na banned yung pages ko dati sayang yung followers dati huhu🥲
Thank u ☺️
08/01/2024
"Rewind"
Kung bibigyan ka ng pagkakataong
bumalik sa nakaraan babalik ka pa ba?
At anong maling desisyon mo sa buhay
ang pwede mong itama
O ibabaon nalang sa limot lahat ng alaala
At hayaan na lamang ang tadhana ang gumawa na paraan
para ikaw ay maghilom ng tuluyan
Pero sa tototo lang
walang rewind sa totoong buhay
Kaya lagi mong piliin maging masaya
Dahil hindi mo alam
baka bukas ay wala kana
✍️: Carlo also known as (Tula ni Alto)
If you want to read more pls. Follow my new Pages (Tula ni Alto) kasi na banned yung pages ko dati sayang yung followers dati huhu🥲
Thank u ☺️
Paano kung yung gusto mo may gustong iba?
05/01/2024
Wag mo'kong mahalin dahil meron akong bagay nawala sa iba
Wag mo'kong mahalin dahil meron kang nakukuha
Wag mo'kong mahalin dahil maganda ang aking pisikal na mukha
Mahalin mo'ko kung sino ako talaga
~Alto
05/01/2024
Nakakatamad ng mabuhay, halos habang tumatagal palungkot na palungkot ang mundo
~Alto
05/01/2024
When Pat said:
Kapag mahal naninindigan
Pagmahal pinipili
Hindi yung iiwan
05/01/2024
Kung sakaling mapagod man ako
Nawa'y ikaw ang maging mistulang lakas ko
At kung sakaling mapagod ka
Handa akong maging pahingahan mo
✍️: Alto
Hi mga bhe.Kamusta grade mo ngayon First Sem. Okay lang ba? o masasabi mo lang na deserve ko ba? 😪
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila