ARTMIN

ARTMIN

Share

31/03/2026

/stay numb and carry on, march 2026/
Bago matapos 'tong buwan, might as well gumawa ng simpleng POSCA acrylic art ng overall feeling nitong March. A combination of ups and downs and buti na rin yung ups ay nangyari on the 2nd half ng buwan na 'to kasi grabe lang yung pagka-busy lately sa work and all kaya di ko magawa yung ibang bagay na gusto ko gawin gaya nito. Tsaka yung feeling lately ay parang nag-float lang sa tubig o sa ere na in a way ay parang mantra na rin. Anyways, bawi ako next month. Looking forward sa mga susunod na buwan and I hope makayanan in any way.

Photos from ARTMIN's post 21/12/2025

/ma vie/
"He's a fight to the death
Hes's a gun to my head
An impossible friend
Would you take every breath?
And put it all in one man
Ah, men
Uh, ah, men
Ah, men (check this out)
Ah" - AAAHH MEN! by Doja Cat
December 7 ang isa sa mga memorable na araw ngayong 2025, bukod sa napanood na rin ang Wicked: For Good sa sinehan ay mapanood nang live si Doja Cat dito sa Manila. Kinda bummed na di nakabili ng merch since slight late na rin kami nakapunta after dinner pero worth it manood kahit gen ad na kami ng pinsan ko dahil halos lahat kumakanta. Isang paborito ko mapanood niya i-perform ay Cards, Paint The Town Red, Agora Hils, Silly! Fun!, Demons, Boss B*tch, Say So, Woman, at syempre ang Ain't Sh*t, if you know what I mean sa mga nanood haha. Isa sa memorable sa concert rin pala ay nung na-naoverwhelm siya sa lakas ng hiyawan ng mga tao at mukhang paiyak na rin siya at nag-bow. Yeah, nothing beats the Pinoy crowd talaga. Kahit na masasabi kong paborito ko yung album niya so far ang "Scarlet," maganda ang naging concept ng current album niya na "Vie" dahil mas naging playful siya kung na-build up yung sound at lyrics, and also the fact na 80s themed siya na isa sa mga paborito kong era (same as Found Heaven ni Conan).
Ito pala yung watercolor fan art na ginawa ko na base sa isang kuha ko doon sa concert. Simple lang yung fan art given na simplistic ang visuals ng current album niya. Anyways, hop you like it & more concerts to come pa. Also, maraming salamat ulit, Doja at makabalik ka ulit dito sa Pinas! 🥀 .ph
Also, shoutout kay Sailorr sa isang magandang opening act. Bagong artistang papakinggan sa Spotify. ❤️

31/10/2025

/piging para sa lahat/
Hindi ko sigurado kung tama pero mukhang 60 days nang nakalipas at wala pa ring nakukulong na mga kontraktor, "congtractor," pulitiko, o opisyal sa gobyerno na sangkot ngayon sa kurapsyon tungkol sa flood control projects. Ang nakakatawa pa ay ang mga flood control projects at mga infrastructure projects ay tip of the iceberg pa lang yan kung iisipin sa mga proyekto na may bahid ng kurapsyon.
Ito una kong nai-imagine na ginuhit ko tungkol sa isyu na yan. Sa sobrang iksi ng pasensya ng mga kababayan natin dahil gutom na tayo sa hustisya na makulong nang matagal at syempre maibalik lahat ng pera at yaman na ninakaw nila mula sa taumbayan. Isipin mo, ang laki ng kaltas sa sweldo mo para sa mandatory contribution, idagdag mo pa diyan yang lintek na tagong tax gaya ng VAT na ayaw pa bawasan dahil grabe na epekto nun sa atin. Kung habulin niyo na lang kaya yung mga nagnakaw para doon kumuha ng pondo, lumalabas pa lalo na tamad sila na habulin ang mga hinayupak na mga kurakot at gahaman sa lipunan. Ginawa ko na lang na parang mga zombies (bawat sektor kung titignan mo mabuti) na kinakain nang buhay yung buwayang nakapako sa krus. Tas napapalibutan ng tubig baha na palatandaan na hindi pa rin tapos ang isyu na yan hangga't wala pa ring nakukulong at hindi naisayos ang mga proyekto na dapat pumuprotekta sa mga nangangailangan nito. Nagmumukha tuloy isa malaking theatrics ang lahat para lang makahanap ng pagsisihan nila at doon i-pin down lahat ng kagaguhan nila tas makakatakas yung may mga sala talaga.
Hindi talaga matatapos ang mga protesta, ang panawagan, at ang gigil at galit ng taumbayan hanggang makulong silang lahat.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Address


Manila