Pindot at Sundot - JR Reyes

Pindot at Sundot - JR Reyes

Share

09/08/2025

GASTOS SA PAGLUTAS NG BAHA SA M.M. SAGOT NI RSA

MUKHANG mabigat ang binitiwang pangako ng negosyante at kilalang pilantropo na si Ginoong Ramon See Ang na kilala sa bansag na RSA na sasagutin na niya ang lahat ng gastusin para tuluyang malutas na ang mga pagbaha sa Kamaynilaan.

Marami sigurong nakitang dahilan si RSA para magbitiw ng ganitong pangako, kabilang na syempre rito ang paghihinala ng Quezon City Government na ang pagtatayo raw ng MRT-7 na pinamahalaan ng kompanya ni Ang ang dahilan ng pagbaha sa Commonwealth Avenue nang manalasa ang Habagat na pinalakas ng tatlong magkakasunod na bagyo dahil napunta raw sa mga daluyan ng tubig ang mga debris nang ginagawa ang proyekto bukod pa sa baka tinamaan ng pagtatayo ng poste ang drainage system.

Mariing itinanggi ni Ang ang akusasyon at sa halip ay pinatunayang ang mga itinayong poste ay hindi nakaharang sa daluyan ng tubig na sinang-ayunan at pinatunayan naman ng Department of Public Works and Highways.

BASAHIN:
https://remate.ph/gastos-sa-paglutas-ng-baha-sa-m-m-sagot-ni-rsa/

05/06/2025

MANILA VERSION NG ‘BALIK PROBINSIYA’ PROGRAM ISUSULONG

Ang mauupong bagong hepe ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ay isasakatuparan ang local version ng “Balik Probinsiya Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na “Balik Bahay, Balik Buhay” program.

Kailangan na alamin ng mauupong hepe ng MDSW ang status ng lahat ng mga palaboy sa lansangan na wala talagang permanenteng tirahan sa Manila at kung saan sila nagmula, kasi daw, may mga street dwellers na may tirahan naman pero mas pinipiling makisalamuha sa mga tunay na walang tirahan.

Sa oras na matiyak na kung saan probinsiya nanggaling ang mga ito, sasagutin na ng lokal na pamahalaan ang lahat ng gastusin para sila makauwi sa kani-kanilang pinanggalingang lalawigan.

Ang maganda pa rito para talagang kakagatin ng mga palaboy ang alok na Balik Probinsiya ng MDSW, bibigyan pa sila ng puhunan para makapagtayo ng maliit na negosyo nang sa gayon ay makapagsimula silang muli ng panibagong buhay.

Basahin ang kabuuan:

https://remate.ph/manila-version-ng-balik-probinsiya-program-isusulong/

Photos from Pindot at Sundot - JR Reyes's post 19/05/2025

KONTRAKTOR NG BASURA NANGANGANIB MAPALITAN

NANGANGANIB maibasura ang kontrata ng dalawang contractor na humahakot ng basura sa Maynila – Metrowaste at PhilEco, sa oras na hindi nila maabot ang inaasahan sa kanila ng bagong uupong alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Kasi naman, hanggang ngayon ay kabi-kabila pa rin ang bunton ng mga basura sa maraming lugar sa lungsod ng Maynila at sa mga pangunahing lansangan, lalo na sa mga kalsadang malapit sa mga palengke.

Isa sa dahilan kung bakit naiipon ang mga basura sa maraming pangunahing lansangan ay dahil inilalabas na rito ng mga residenteng naninirahan sa mga maliliit na kalye kahit wala pang dumarating na trak ng basura.

Hindi kasi tulad noon, may maliliit na garbage truck compactor ang dating kontraktor na Leonel Waste Management Corp. na nakakapasok sa mga maliliit na kalsada kaya hindi na kailangan pang itambak ng mga residente sa labas ng lansangan ang naiipong basura.

Ang isa pa, iba-iba kasi ang oras ng dating ng trak ng basura ngayon kaya inaagahan na lang ng mga residenteng ilabas ang basura o kaya ay nakalagpas na bago nila ito mailabas.

Kung tutuusin, may pananagutan din naman ang mga residente, lalo na ang mga opisyal ng barangay, kapag wala sa lugar ang ginagawang paglalabas ng basura ng mga residente.

Tulad kasi ng nakagawian ng mga Pinoy, magaling lang tayo sa umpisa kapag mahigpit ang kampanya, lalo na sa pagpapatupad ng batas sa ilalim ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na may katapat na kaukulang parusa sa mga mahuhuling lumalabag.

Kapag lumamig na ang kampanya, balik na naman sa dati at kung saan-saan na lang itinatapon ng mga pasaway na residente ang kani-kanilang mga basura at kesehoda na kung damputin o hindi ito ng trak ng basura.

At eto pa nga pala, bukod sa mga basura, nais din ni incoming Mayor-elect Francisco “Isko Moreno’ Domagoso na maging maluwag na muli ang daloy ng trapiko sa mga lugar na una na niyang nilinis noon pero masikip na naman ngayon bunga ng pagsakop ng vendors sa kahabaan ng lansangan.

Kaya malamang, tiyak na magkakaroon ng malawakang balasahan, hindi lamang sa hanay ng pulisya, kundi maging sa mga nakatalagang traffic enforcers at hawkers division na sila dapat mangalaga sa mga illegal parking at illegal vendors sa lansangan.

Maaaring magpadala ng inyong puna at reklamo sa aking email address na [email protected] o pwede rin magpadala ng mensahe sa 0995-1048357.

https://remate.ph/kontraktor-ng-basura-nanganganib-mapalitan/

Isko Moreno Domagoso
Chi Atienza
Remate - Ang Diaryo ng Masa

Photos from Pindot at Sundot - JR Reyes's post 14/05/2025

ISKO AT CHI ‘LANDSLIDE VICTORY’ SA MAYNILA

YOU can never put a good man down”, isang katagang hango sa ilan lamang sa mga matalinhagang kataga na binitawan ni Haring Solomon ng Kaharian ng Israel noong unang panahon.

Ganyan ang maaaring ihambing sa tinatamasang tagumpay ngayon ni Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso na bantog sa tawag na “Yorme” matapos umani ng isang katerbang boto nitong nakaraang halalan.

Bukas sa publiko, hindi lamang ang talambuhay ni Yorme bilang isang dating basurero, aktor, at program host, kundi kung ano ang kanyang nagawa sa Maynila sa loob ng maikling panahon ng kanyang panunungkulan.

Nakapanghihinayang nga lang na hindi niya nasungkit ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan dahil kung sakali at nagtagumpay, baka sa loob ng anim na taon sa panunungkulan ay maikukumpara na ang Maynila sa Singapore na matagal na rin naman niyang pangarap.

Nang suportahan nga ni Yorme Isko ang kandidatura noon ni Mayor Honey Lacuna, nakikita niya na mapapanatili ng alkalde at kanyang mga kaalyado sa pulitika ang kalinisan at kaayusan ng lungsod na kanya nang pinasimulan.

Kaya lang, kung personal kayong magtutungo ngayon sa area ng Divisoria, sa kahabaan ng Blumentritt, maging sa Carriedo at Rizal Avenue, tiyak na madidismaya kayo hindi lang dahil papawisan pati singit ninyo sa masikip na daloy ng trapiko, kundi maging sa nagkalat na basura.

Bukod pa rito ang masangsang na amoy sa malaking bahagi ng C.M. Recto sa Divisoria dahil kahit nadampot nga ang malaking bulto ng basurang iniwan ng mga negosyante ng gulay, hindi naman maayos na nai-spray-an ng tubig kaya naroon pa rin ang mapanghi at mabahong amoy.

Personal din itong nasaksihan ni Yorme sa kanyang pag-iikot sa lungsod, pati na ang pagkabahala sa mga nangyayaring krimen, kaya sinasalubong siya ng napakaraming tao na sumisigaw ng katagang bumalik ka na. Isang pakiusap ng mamamayan na hindi niya magawang tanggihan.

Sabi ng alkalde, kung siya nga lamang, masaya na ang kanyang buhay sa piling ng kanyang pamilya, pero ang hindi niya kayang talikuran ay ang panawagan ng mga Manilenyo.

Dito na niya kinausap si Mayor Honey at sinabi ang panawagan sa kanya ng mamamayan pero hindi sila nagkasundo, and the rest is history, ika nga.

Bago pa lang magsimula ang kampanya, nakakatanggap ni si Yorme ng mga pasaring sa kanyang magiging katunggali, kabilang ang una’y kawalan ng utang na loob dahil itinuring daw siyang anak at tinuruan ng namayapang dating Vice Mayor Danny Lacuna na ama ng alkalde.

Katuwiran ni Yorme, habambuhay niyang tatanawing utang na loob ito sa dating bise alkalde pero mahalaga rin sa kanya ang utang na loob sa taumbayan kaya minabuti niyang tugunan ang panawagan ng mga ito.

Ngayon si Yorme, muling magbabalik bilang alkalde ng Maynila kasama ang kanyang katambal na si Vice Mayor elect Chi Atienza, bitbit ang pangakong lilinisin muli nila ang lungsod at ibabalik ang kapanatagan ng loob ng mamamayan.

https://remate.ph/isko-at-chi-landslide-victory-sa-maynila/

Isko Moreno Domagoso
Chi Atienza

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Manila