AlleNation

AlleNation

Share

Alan Peter Cayetano, talsik na bilang Senate President, ayon sa bagong majority bloc 03/06/2026

Alan Peter Cayetano, talsik na bilang Senate President, ayon sa bagong majority bloc.

inihayag ng bagong grupo ng mayorya sa Senado na Solid Bloc 12 na hindi na si Senador Alan Peter Cayetano ang Senate President matapos ang isinagawa nilang sesyon nitong Miyerkoles.

"For clarity, Sen. Alan Peter Cayetano is no longer Senate President after the Senate, with 12 senators present and a quorum declared based on the recognized base number of 22 (senators) under Avelino v. Cuenco, voted to declare all positions vacant, including the presidency of the institution," saad sa inilabas na pinagsamang pahayag ng mga kasapi ng majority bloc.

"Hindi pa lamang naihahalal si Senator Win Gatchalian bilang bagong Senate President dahil kailangan pa ng 13 boto sa ilalim ng Konstitusyon. Pero ito ang malinaw at mahalaga ngayon: bakante na ang lahat ng posisyon, tapos na ang dating liderato at dapat magpatuloy ang trabaho ng Senado para sa taumbayan," dagdag nila.

Ang 12 senador ay binubuo nina: Senate President Pro-tempore Sherwin Gatchalian, Sens. Vicente Sotto III, Juan Miguel Zubiri, Francis Pangilinan, Francis Escudero, Bam Aquino, Lito Lapid, brothers Erwin and Raffy Tulfo, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson at JV Ejercito.i

Alan Peter Cayetano, talsik na bilang Senate President, ayon sa bagong majority bloc Inihayag ng bagong grupo ng mayorya sa Senado na Solid Bloc 12 na hindi na si Senador Alan Peter Cayetano ang Senate President matapos ang isinagawa nilang sesyon nitong Miyerkoles.

Pia Cayetano na unang babaeng chairperson ng Senate blue ribbon panel, pamumunuan muli ang komite 21/05/2026

Inihalal si Senador Pia Cayetano na muling pamunuan ang makapangyarihang Senate committee on accountability of public officers and investigations, na mas kilala bilang Blue Ribbon committee.

Pia Cayetano na unang babaeng chairperson ng Senate blue ribbon panel, pamumunuan muli ang komite

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Manila