EARIST Technozette

EARIST Technozette

Share

21/09/2021

NEVER AGAIN

Nag aalab ang galit

Galit ng taumbayan

Ilang dekada na
Hindi pa rin nabubura
Mga sugat ng kahapon
Hanggang ngayo'y nandito pa

Hindi malimutan,
Mga kababalaghan
Ng gobyerno nitong gago
Na mistulang impyerno

Libu-libong inosente ang pinatahimik
Takot mabulgar ang katotohanan
Ayaw malantad ang mga kagaguhan
At sagad sagarang kahayupan

Pilit mang ibaon sa hukay
Hindi pa rin makakalimot
Mga biktima ng kahapon
Sabay-sabay na babangon

Sisingilin ang salarin.

Hanggang sa maging abo na rin.

Hindi ka titigilan
ng galit ng sambayanan.

Sa panulat ni Rocheska Stephanie Atanacio.

09/02/2021

Despite heavy rains, progressive groups stormed in front of the Supreme Court this morning to call for the abolishment of the Anti Terror Law.

Manila Workers Unity is one with the people in calling for the immediate repeal of the aforementioned law. MAWU believes that ATL endangers human rights advocates including union leaders and workers.

Junk, junk terror law!

02/09/2020

Ika-2 ng Setyembre 2020, 8am--- Nagsagawa ng kilos protesta ang mga manggagawa ng Harbour Centre sa tapat ng opisina ng Department of Labor and Employment National Capital Region sa Maleta, Manila. Ito ay upang ipanawagan sa ahensya na ipatupad na ang regularisasyon ng 368 na mga manggagawa sa Harbour Centre na nauna nang naipanalo noong 2017. Kasabay nito ay ang panawagang i-release na ang natitirang money claim ng mga manggagawa.

Mariing kinukundena ng Manila Workers Unity ang kawalan ng aksyon at kongkretong Plano ng ahensya para sa mga manggagawa. Hanggang kasalukuyan ay hindi pa rin naiimplementa ang regularisasyon ng mahigit 300 manggagawa sa Harbour Centre. Bagkus, nitong Enero 2020 ay tinanggal sa pagawaan ang mga manggagawa sa ilalim ng Grasials Stevedoring Corporation. Dahil walang pangil ang desisyon ng DOLE, nagawang tanggalin ng Harbour Centre ang mga manggagawa.

Hindi rin makatwiran na I-hold ng ahensya ang natitirang money claim ng mga manggagawa. Naipanalo na ang kaso na ito at nauna nang na I-release ang malaking bahagi nitong nakaraang Hunyo. Ang ginagawa ng dahilan ng DOLE sa paghohold ay ang sulat na ipinadala ng Harbour Centre sa mga Sheriff ng ahensya. Hindi ito sapat na batayang sapagkat wala namang ibinabang Temporary Restraining Order ang Korte.

Hinahamon ng MAWU ang DOLE na katigan ang mga manggagawa at panindigan ang mga ibinaba na nitong desisyon.

Regularisasyon, ipatupad na!

Money Claim, ibigay na!

Photos from Never Again to Tyranny & Dictatorship's post 18/07/2020
Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Nagtahan, Sampaloc
Manila