JDee MotovlogTv

JDee MotovlogTv

Share

21/01/2025

Habang tumatagal nauunawaan ko na..
Hindi mo naman pala dapat ipaliwanag ang sarili mo sa iba..
Hindi mo naman pala kailangan na piliting tanggapin ka nila..
Hindi mo naman kailangan na intayin ang pagmamahal nila..

Habang nagkakaedad tayo,
mas nauunawaan ko na ang lahat ng bagay..
Na wala naman pala talaga tayong dapat
patunayan sa iba..
Para bang mas mainam nang manahimik
kaysa makipagtalo sa kanila.
Na kailangang tanggapin natin na ang bawat paniniwala natin ay magkakaiba.

Ngayon ay nauunawaan ko na..
Na sa ibang tao'y ayaw ko nang makipagkompitensiya..
Manahimik nalang at wag ng makipagtalo pa
Kung di ka nila gusto ay dumistansya ka sa kanila..

Masarap mabuhay ng malaya..
Mas masarap ang tahimik na buhay at payapa
Hindi kayang bilin ng pera ang katahimikan at ligaya .
Mas masarap mabuhay ng simple at ang puso ay payapa..📌

cctto

21/12/2024

SUPER BLESSED KA SA PARTNER MO KAPAG GANITO!

Alam mo bang sobrang swerte mo kapag yung partner mo ay hindi lang basta nagmamahal kundi sinisigurado rin na maayos ang kinabukasan niyo? Hindi lang siya nandiyan para kiligin ka o damayan ka sa lungkot—nandiyan siya para iangat ka at tulungan kang abutin ang pangarap mo.

Yung tipong ine-encourage ka niyang mag-ipon, mag-invest, at maghanda para sa future? Hindi lang yan simpleng advice. Isa 'yang patunay na ang pagmamahal niya ay may direksyon. Gusto ka niyang makita sa taas, hindi lang para sa sarili niya, kundi para sa inyong dalawa. Gusto niyang magtagumpay kayo nang magkasama—hindi kanya-kanya, kundi bilang isang solid na team.

Kaya kung may ganyang klaseng partner ka, alagaan mo. Iparamdam mo sa kanya na pinapahalagahan mo ang effort niyang maging inspirasyon mo sa buhay. Hindi lahat ay may partner na hindi lang pang 'ngayon,' kundi pang 'habang-buhay.' Kung sa iba, puro salita lang, siya—may gawa, may plano, at may pangarap para sa inyo.

ctto

13/11/2024

PAG AYAW SAYO AYAW SAYO !

TANDAAN MO ITONG SASABIHIN KO. . .

KAHIT ANONG PAKISAMA MO, MAY MASASABI AT MASASABI YAN SAYO

kasi nga ayaw nga nila sayo !

KAHIT ANONG KABAITAN ANG IPAKITA MO, STILL HAHANAP YAN NG BUTAS PARA MAKAKITA NG MALI MO

kasi nga ayaw nga nila sayo !

KAHIT MAG PAKITANG GILAS KA AT ILIBRE MO SILA AT MAG PAKA UTO-UTO KA SA KANILA, STILL AYAW NILA SAYO

kasi nga ayaw nga talaga nila sayo !

Ayaw nila ... HINDI KA NILA GUSTO KAHIT MARAMING RASON OR DAHILAN PARA PAKISAMAHAN KA NILA NG MAGANDA

KASK NGA HINDI NILA KAYA, AYAW NILA SAYO

KAYA KUNG AKO SAYO, KAPAG AYAW SAYO DAPAT AYAWAN MO DIN SILA

IPARAMDAM MO DIN NA UMIIWAS KA PERO HINDI KA GALIT SA KANILA

! ALISIN LANG NATEN AT HAYAAN NA LANG KUNG ANO ANG MAGING TINGIN NILA SATIN WAG NA NATIN SILA PAKISAMAHAN . !

PAG KINIBO KA EDI KIBUIN MO, KAPAG KINAUSAP KA EDI KAUSAPIN MO PERO LAGYAN MO NA NG BOUNDARIES!!!

WAG MO NA SUBUKAN MAG PAKA TRYING HARD KASI MASASAYANG LANG ANG PAGOD AT EFFORT MO KUNG AYAW TALAGA NILA SAYO. ❤️🙏

07/11/2024

Pet Peeve🙊

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Manila
Manila