Atlas Super Flags

Atlas Super Flags

Share

13/05/2026

Ngayong araw ay ating ginugunita ang ika-123 na taong kamatayan ni Apolinario Mabini.

Si Apolinario Mabini ay isang rebolusyonaryong lider na humubog sa ideyolohiya, mga panuntunan, at polisiya ng Pamahalaang Rebolusyonaryo mula panahon ng himagsikan laban sa Espanyol hanggang sa panahon ng Amerikano. Siya ang naging punong tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

Noong panahon ng Amerikano, siya ay tumangging manumpa ng katapatan sa Amerika na naging dahilan ng pagpapatapon sa kaniya sa Guam noong 1901. Siya ay bumalik sa Pilipinas noong 1903 ngunit sa taong din iyon ay namatay sa sakit na kolera.

Sa ating paggunita, alalahanin natin siya bilang isang bayaning may mahusay na pag-iisip, matatag na prinsipyo, at pusong may pagmamahal sa bayan. Nawa'y manatili siyang gabay sa ating pagtahak sa landas ng kalayaan at pagbubuo ng isang kinabukasang may ginhawa at kasaganahan sa lahat.

Want your business to be the top-listed Shop in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


1009 Rizal Avenue, Sta. Cruz
Manila
1003

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm