God First Bro

God First Bro

Share

12/04/2026

https://www.facebook.com/share/p/1DoUeDpLS3/

THE WORD OF GOD FOR TODAY

Isaiah 43:18-19 (NIV)
"Forget the former things; do not dwell on the past. See, I am doing a new thing! Now it springs up; do you not perceive it?"

Minsan ang dahilan kung bakit hindi tayo makapag-move on ay dahil paulit-ulit nating binabalikan ang nakaraan—mga sakit, pagkakamali, o taong nawala.

Pero malinaw ang sinasabi ng Diyos:
“Huwag kang manatili sa nakaraan.”
Hindi dahil wala itong halaga, kundi dahil may ginagawa Siyang bago sa buhay mo ngayon.

Yung “new thing” na sinasabi ng Diyos—hindi mo ‘yan makikita kung lagi kang nakatingin sa likod.
Parang naglalakad ka sa daan: kapag lingon ka nang lingon, hindi mo mapapansin kung may bagong pintuan na binubuksan sa harap mo.

Bitawan mo hindi dahil madali, kundi dahil may mas magandang plano ang Diyos.
Hindi pa tapos ang story mo—may bagong chapter na sinusulat.

Ang pagkawala ay hindi katapusan, minsan ito pa ang simula.

Happy Lord's day po Kapatid ❤️

01/02/2025

Hebreo 10:25 mbbtag
Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Happy Lords day po sa lahat...

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Blk. 17-A #33-A Baseco Port Area Manila
Manila
1018