BSEd - Filipino 4-2
30/08/2025
๐ข๐ฒ๐ด๐ฑ๐ช๐ ๐ผ๐ช ๐ซ๐ช๐๐ช๐ฝ ๐ฐ๐ช๐๐ช๐ฒ๐ท ๐ซ๐ฒ๐ต๐ช๐ท๐ฐ ๐ฎ๐ผ๐ฝ๐พ๐ญ๐๐ช๐ท๐ฝ๐ฎ-๐ฐ๐พ๐ป๐ธ, ngayon ay tumingala sa itaas at matatanaw ang bughaw na alapaap. Mga ibon ay nakahanay at sabay-sabay na naglalakbay sa himpapawid. Tanaw natin ang bawat pag-indayog ng mga pakpak kasabay nito ang paghuni nang malumanay ng mga ritmo at tono.
Ang g**o ay maihahalintulad sa isang ibon. Sila ang nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang makamit ang inaasam na pangarap. Sila ang nagbibigay buhay sa karunungan at kakayahan ng mga ito upang maihanda sa mga hamon sa buhay. Tulad ng isang ibon, may isang handang mauna upang sundan ng nakararami. โYan ang g**o. Tayo ang sumasabay sa indayog ng mga kabataan at tayo rin ang mistulang boses sa kanilang kailangan.
Isa si ๐๐ป๐ด. ๐๐ฒ ๐๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐น๐น๐ฎ-๐๐ฟ๐๐ sa naggabay sa mga g**ong nagsasanay mula sa BSEd Filipino 4-2, kung kaya naman hindi matatawaran ang kaniyang mga aral na naibahagi at suporta upang maging matagumpay ang kaniyang mga alagad na mag-aaral. Kaya maraming salamat, ๐๐ท๐ช๐ ๐๐ฎ sa mga araw na ikaw ay nariyan upang kami ay maging isang ganap na g**o.
Gayunpaman, sa maikling panahon ng pagtuturo ng mga G**ong Nagsasanay sa reyalidad na paaralan, makikita natin na ang bawat isa ay pinatunayan lamang na ang kursong kanilang tinahak ay kanilang napagtagumpayan. Marami man balakid ang nasaksihan subalit nagsilbi itong pundasyon upang magpatuloy sa larangan ng pagtuturo. Tunay nga na ang pagtuturo ay nakapagbibigay sa atin ng sigla sapagkat tayoโy nakapagbabahagi ng mga kaalaman at karunungan.
Bughaw ang alapaap, at ito ay hangarin ng isang g**o. Ang payak, malawak, at makapaglingkod sa kabataan at sa lipunan.
๐๐ฒ๐ท๐ช๐ซ๐ช๐ฝ๐ฒ ๐ท๐ช๐ถ๐ฒ๐ท ๐ช๐ท๐ฐ ๐ต๐ช๐ฑ๐ช๐ฝ ๐ท๐ฐ ๐ฐ๐พ๐ป๐ธ ๐ผ๐ช ๐ฑ๐ฒ๐ท๐ช๐ฑ๐ช๐ป๐ช๐น!
-2
**osahinaharap
22/10/2024
1...2...3...๐๐จ!
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ ๐๐ข๐ซ ๐๐ฃ๐๐ฒ!
Ating ipagdiwang ang kapanganakan ng isa sa ating kapuwa mandirigma ng Wikang Filipino. Ang indibiduwal na hindi man unang pinili at ninais ang pagkuha ng landas na ito, ngunit piniling manatili at tapusin ang pagtunton at pagtuklas sa makulay na mundo ng Wikang Filipino. Maligayang kaarawan, ๐. ๐ฌ๐ท๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด
Mula sa BSEd-Filipino 4-2, hiling namin ay kagalakan at tagumpay sa lahat ng mithiin mo sa buhay. Nawa'y ipagpatuloy ang pagpapanday sa pangarap na inaasam anuman ang hamong kaharapin. Muli, maligayang kaarawan!
16/10/2024
"๐๐๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ค๐๐ง ๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ก ๐๐ง๐ ๐ ๐จ๐ซ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ฌ ๐ฅ๐จ๐จ๐ค๐ข๐ง๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ก๐๐ซ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ก ๐จ๐ง!"
Mag-ingay dahil ngayon ang kapanganakan ng isa sa ating kapuwa mandirigma ng Wikang Filipino, ๐ฝ๐. ๐๐ง๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ฃ๐๐๐ก ๐ฟ๐ช๐ก๐๐ฎ. Ang isa sa mga mga Binibining patunay namaaaring pagsabayin ang hinhin at tapang, na hindi kailangang maging tipikal na malumanay mabansagan lamang na "binibini". Tunay na ang iyong presensya sa klase at mga pangkatang gawain nating mga mag-aaral ay hindi matutumbasan. Mula sa pagiging aktibong mag-aaral sa talakayan, pagiging singer sa mga programang pampaaralan, at pagiging natatanging aktres sa mga istoryang ginampanan, hindi maikakailang isa ka sa magpapamalas ng rikit ng Wikang Filipino dahil tiyak kaming taglay mo ang pagiging malikhain na siyang magbibigay buhay sa pagpapalaganap ng Wika lalo na ang mga akdang pampanitikang hitik sa karunungan.
Mula sa BSEd-Filipino 4-2, hiling namin ay kagalakan at tagumpay sa lahat ng mithiin mo sa buhay. Nawa'y ipagpatuloy ang pagpapanday sa pangarap na inaasam anuman ang hamong kaharapin. Muli, Maligayang kaarawan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Intramuros
Manila
1002