SPARK PLM
29/04/2026
πΌπ£π€ ππ£π πππ‘πππ π£π πππ£πππππππππ£π πΌπ§ππ¬ π£π ππππππ¬π π₯ππ§π π¨π π ππππ©πππ£, π’ππ ππ¨π π€π‘ππ§, ππ© ππ£ππ π£π π’ππ£ππππππ¬π?
Araw-araw pinagnanakawan ang ating mga magulang. Mula sa mga manloloko't mandarambong sa Palasyo't galamay ng gobyerno hanggang sa mga boss sa kumpanya't empresa na nabubuhay sa dugo't pawis ng ating magulang.
Araw-araw nagpapaalipin ang ating mga magulang sa sistemang hindi sila tinatrato bilang tao kundi bilang piyesa lamang sa kanyang kapitalistang produksyon.
Mas lalo pang sinasadlak ang uring manggagawa sa paghihirap buhat ng imperyalistang krisis at inutil na gobyerno.
Sa darating na Mayo Uno, mangangalsada ang hanay ng manggagawa upang igiit na ang tanging sagot sa krisis sa ekonomiya at paggogobyerno ay ang pagpupundar ng lipunang sosyalista - ating gobyerno, ating ekonomiya!
Hamon sa kabataan na makiisa at umanib sa independienteng kilusan ng manggagawa tungo sa ganap sa pagsasakatuparan ng lipunang walang pagsasamantala, kahirapan, at 'di pagkakapantay-pantay.
πΌοΈperpetual stew scriptorium
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Intramuros
Manila