Eric Sinag

Eric Sinag

Share

10/05/2026

This is luha by kapatid, para sakin tungkol sya sa kaibigan mong gusto mong damayan sa nararanasan nyang di maganda, pero nung napanood ko tong video na to, napahinto ako at mejo napaluha, dahil dun sa mag inang naglalakad sa likod

Oo nga no, nanay mo ang kasama mo sa lahat mula umpisa, kapag naglilikot ka habang nasa tyan ka palang nya,sabi nga ng matatanda nasa hukay ang isang paa ng ina habang nanganganak, pero pagkatapos ng hirap at sakit na yun, unang iyak mo ang pinakamasayang tinig na maririnig nya

Tapos hanggang sa matuto ka nga magsalita,
Matutong maglakad ng walang gabay nila, unang paglalaro mo sa labas, unang palo sayo dahil ayaw mong matulog sa tanghali, hanggang sa una mong pag pasok sa eskwela, unang assignment, unang project, unang pag tatapos, unang trabaho, unang sahod, unang pagkabigo, unang pag kadapa, unang pagtayo, hanggang sa ngayong kaya mo ng mag isa,

Hindi kailanman nagsawang sumuporta at tumanaw sayo, laging tahimik lang na nakatanaw, nakikinig at nagdarasal para sayo,

Kahit ano pang edad mo o san ka pa mapadpad sa mundo,

HINDI KAILANMAN GAGRADUATE ANG INA SA PAGIGING INA,

Kaya sobrang tagos sakin ng kantang to lalo na ngayon na nadagdagan ang kahulugan nito para sa akin,

Pakiramdam ko kanta to ng inay para sa anak,

HAPPY MOTHER’S DAY po para sa lahat ng ina, nanay, mama, mami, sa mga magiging ina palang parang asawa ko, sa mga hopeful mother, sa mga single mom, sa mga tatay na nag papaka nanay para sa mga anak niya, para sa mga stepmothers, para sa mga OFW moms, para sa mga nanay na hindi nag sasawang magmahal!

Kayo ang una at tunay na kaibigang kahit kailanman ay hindi kami tatalikuran,

Maraming salamat po sa inyo. 🤍🤍🤍🤍🤍

25/01/2026

Biliburger,bilicoke,billiejean

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Manila