Aeum WP

Aeum WP

Share

Profile pictures 31/01/2025

:

ONE SHOT STORY
"FIRST AND LAST ANNIVERSARY GIFT"
written by: Pastel Tales / Shin

"Yana, Happy first anniversary sa'ting dalawa" Hinawakan ni Seb ang k**ay ko sabay hinalikan ito.

Napatingin ako sa mga kumpol ng tao na nakiki isyoso sa nagaganap sa'min ng boyfriend ko.

Nakakainis ka Seb! Nakakahiya!

"Ayy, ang tigas na talaga ng ulo ng mga kabataan ngayon ano?"

"Kilala ko yang dalawang yan, si Yana 13 palang tapos si Seb 17 na,"

"Ay HAHAHAHA, parang magkapatid na eh."

"Ang babata pa ang haharot na,"

Napayuko ako sa mga naririnig kong bulungan ng mga taong nakapaligid samin ngayon.

First anniversary namin ni seb ngayon bilang mag kasintahan, pero bakit dito pa sya mag da drama? Alam naman nyang minor pa'ko. Tsk.

"Yana, I love you."

"Shut up," bulong ko sakanya.

"Sorry kung---"

"I said, shut up, nakakahiya!" bulong ko pa.

"Yana, alam kong naiilang ka ngayon pero gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita, salamat sa mga pag kakataong yinakap mo'ko sa mga oras na tinatalikuran na'ko ng mundo---"

"Pwede ba Seb?!" sigaw ko.

Nabigla lahat ng mga nanonood sa ginawa kong pag sigaw na iyon, nakakahiya na!

Bakas sa mukha ni seb ang pagkabigla, at the same time, lungkot.

Tsk, lagi nalang syang ganito, sobrang hina nya! Like what the fûck? Lalaki sya pero ganito sya??

"Nakakapagod na! Nakakapagod ka nang pulutin tuwing nadudurog ka! Itigil na natin 'toh! Sawang sawa na'ko sayo!" I shouted.

Napahagulgol nalang si seb "No, do you remember? We promise to each other that no matter what happened--"

"Shut up Sebastian! From now on, I, Yana Ramos, are breaking that promise! Wala kang kwenta!" hingal na hingal kong pag sigaw muli.

Naiinis nako, sobra.

Naging maingay ang paligid dahil sa mga taong nakapaligid samin na kung ano ano ang pinag uusapan tungkol saming dalawa. Bwiset talaga.

Umiling iling si seb saka lumuhod, saka niyakap ang tuhod ko, pilit kong inaalis.

"Bitawan moko!"

"Nooo! Nooo! P-please don't leave me alone, you know I'll cry if you leave me right? I-I know it's breaking your heart when you're seeing me crying. Please Yana, let's fix this, pagmamakaawa nya sakin. As if i care!?

"Ayoko na nga! Di ka ba talaga nakaka intindi ha!?" galit na tanong ko, pilit ko pang inaalis ang pagkakahawak nya sa tuhod ko pero ayaw nya.

Arghhh!!

"Napakasama naman ni yana,"

"Ang aga aga na nga nag boyfriend, mananakit pa, aba, ibang klase"

"Naaawa ako kay Seb, si yana ang walang kwenta."

"Balang araw pag sisisihan nya rin yan."

Napapikit nalang ako dahil sa mga chismosang nasa paligid ko na pinag uusapan Ako.

Ako pa talaga yung masama ha!?

Sige, ako yung masama!

Itinulak ko ang umiiyak na si Seb gamit ang buong pwersa ko. Nagtagumpay naman ako.

Pagkatapos non ay lumapit ako sakanya at umupo sa harapan nya dahil naka upo sya sa sahig habang humahagulgol.

"Tsk, walang kwenta, alam mo ba Seb? Hindi talaga kita mahal, mas gusto ko yung kaibigan mo, pero ayaw sakin eh, kaya sayo nalang ako kasi pogi ka rin naman eh, kaso habang patagal ng patagal, sobrang nakakainis kana! Alam mo ba Yun?"

Umiling si Seb, "No yana, you're lying, i know! You love me! Nag sisinungaling kalang dahil maraming mapanghusgang mata ang nakatingin sayo ngayon---"

"Can you please shut up?!"

"Bakit Yana, yung mga pag iyak mo tuwing nasasaktan ako, anong dahilan non? Trip mo lang ganon?--"

"Oo!"

"Yung mga pag aalala mo sakin, ano sayo yun?"

"N-Nothing."

"Talaga? Eh kung ayaw mo pala sakin, bakit moko pinag tyagaan ng isang taon? Pwede mo naman akong iwan ah? Just fu**in tell me that you love me! I will forgive you!"

Ewan ko ba, pero parang may kumirot sa puso ko sa mga binitawan nyang salita, i don't know. Mahal ko naman talaga sya eh. Mahal na mahal.

"I-I don't love you! You are nothing to compared to my other man's! Sila, Kaya nila akong ipag tangol di gaya mo!" sigaw ko habang pinipigilan ang sarili sa pag iyak.

I think, I'm eating my words. But I won't let it happened.

"I-Im sorry yana, s-sorry kung napakahina ko, please forgive me, mag babago nako, i will protect you." Patuloy sya sa paghikbi.

"No need seb, I-I don't need you anymore." Usal ko.

"Grabe talaga yang si Yana"

"Salot!"

Agad akong tumayo at tumalikod sakanya, hahakbang na sana ako paalis ng biglang nag sakita si seb,

"Then, okay, we're done. But can i have a favor?"

"Sa kwarto mo, sa study table, nandon yung anniversary gift ko sayo, sorry kung yun lang yung nakayanan ko, pero sana kunin ko Yun kahit ayaw mo, please"

Napasinghap ako, Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pauwi.

Ng makauwi ako ng bahay ay agad akong humiga sa k**a at don nag iiyak.

"Sorry Seb, natatakot ako,"

"Seb, I'm sorry"

Habang umiiyak ay naalala ko yung sinabi ni seb sakin na regalo nya sakin na nasa study table ko.

Kahit masakit ang katawan ko ay bumangon ako at nag tungo sa study table ko.

Nanlambot ako ng makita ko ang picture namin ni seb na magkasama.

Kinuha ko yun at niyakap ko habang umiiyak.

"Im sorry, Im sorry, Im sorry"

Napaluhod nalang ako habang hawak ang picture namin na iyon.

"Yana!" biglang pumasok si mommy sa kwarto ko.

"B-Bakit Po?"

Fresh na fresh pa ang Balita! Tumalon yung kaibigan mong si seb sa rooftop, ngayon lang, patay na sya."

Napatigil ako.

"No" napahagulgol nalang ako, "M-My Seb is alive, he love me! He won't leave me!"

Sa huling pag kakataon, "Seb"

Im sorry.

THE END~~~




HI SWEETIE! MY FIRST ONE SHOT STORY IS DONE! SORRY FOR THE TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD. I AM JUST FEEL SLEEPY SO I CAN'T MANAGE TO MAKE IT PERFECT. BESIDES IT'S ALREADY MIDNIGHT HIHI. LOVE YOU. :>

❌ DON'T REPOST THIS WITHOUT MY PERMISSION ❌

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Manila