HealthTech
07/08/2022
Thank you for the feedback😀❤️
07/08/2022
Ano ang mga sintomas ng sakit sa balat?
Maraming maaaring maging sintomas ang mga sakit sa balat. Depende ito sa kundisyon na mayroon ang isang tao. Hindi rin lahat ng pagbabago sa balat ay dulot ng karamdaman. Maaari kang magkapaltos sa paa kung mali ang sapatos na gamit mo. Subalit kapag nagkapaltos ka sa paa o sa iba pang bahagi ng katawan na hindi mo alam ang dahilan, maaaring mayroon kang sakit sa balat.
Ang mga karaniwang sintomas ng mga sakit sa balat ay:
Pagpapatse-patse ng kulay ng balat
Panunuyo o dry skin
Mga sugat
Nagtutuklap na balat
Makati o masakit na pantal
Mga bukol na kulay p**a o puti na naglalaman ng nana
Mala-kaliskis na balat
04/08/2022
Sakit sa balat - Contact dermatitis
Mamula-mula at makating rashes na lumalabas ilang oras o araw kapag na-irritate ang balat ng anumang substance o allergen na magdudulot ng allergic reaction sa balat. Mararanasan ang pagsusugat o pamamaltos sa balat kapag kinamot ito dahil sa sobrang pangangati.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
2205 Civic Drive, Alabang, Muntinlupa
Manila
1780