Kada Relapse
Trust in his timing
Kahit mukhang impossible
God knows everything
09/05/2026
SA GITNA NG PANAWAGANG I-BAN ANG V**E SA PILIPINAS, ILANG BIKTIMA ANG LUMANTAD, MAY KINAILANGANG TUBUHAN SA LALAMUNAN, AT MAY ESTUDYANTENG INOPERAHAN MATAPOS MAGKA-KOMPLIKASYON SA BAGA DAHIL DAW SA PAGVE-V**E
“Nag-start ako mag-v**e noong 2024.
Noong una, nakiki-hits lang ako sa mga friends ko.
Parang ang angas kapag may hinihipa ka, may usok na lumalabas sa bibig mo.
Hanggang sa nasanay, bumili ako ng sarili kong device.
Nauubo pa ako noon.
Pero na-try ko may matamis, may mga flavor kasi, may menthol.
Parang ang sarap sa lalamunan.
Sa isang linggo, nakakaubos ako ng isang pods siguro.
Pagkagising ko, parang ‘yun na nagiging almusal ko.
‘Yung v**e naging buhay ko.
Hanggang sa may isang linggo ako na pinagpapawisan, nilalamig, tapos hinahapon ako at nilalagnat.
Hanggang sa nagpa-check up na ako.
Sa x-ray, puro white na ‘yung baga ko.
Napapalibutan na ng tubig ‘yung right side ng baga ko.
Kailangan na po talagang i-admit at tanggalin nga raw po ‘yung tubig.
Sobrang takot. Hindi ko in-expect.
Ang dami kong pinagsisihan.”
-Ashley, nagtubig ang baga dahil sa v**e
“Yung pinaka unang v**e, para siyang ballpen tapos may laman siyang juice sa loob. Pero palihim lang at bawal magbenta nu’n sa mga bata.
Pagka may v**e ka nu’n, ikaw ang pinaka-cool sa lahat.
Kada break ng subject sa school, magve-v**e kami.
Mababango yung mga flavor. Tapos puwede mo i-adjust yung ni****ne.
Lahat ng baon ko is napupunta lang sa bisyo.
Maghapon hindi ako kakain. Gabi, bibili ako ng juice.
Mabilis po akong mapagod. Talagang ‘yung hingal-aso.
Ang paliwanag sa akin noon ng doctor is na-hook ka na sa ni****ne.
Apat na hospital ‘yung dinalhan sa akin.
Ayaw ako tanggapin.
‘Patay na yang bata na ‘yan, dalhin n’yo na lang sa funeraria.’
Nadala po ako sa ICU.
Comatose po ako nu’n. Hindi po ako makahinga.
Tinubuhan ako tapos malaman ko na ang baga ko pala ay punung-puno na ng mga liquid na ni****ne at punung-puno ng usok, gawa ng kaka-v**e ko ng ilang panahon.“
-Vince, tinubuhan dahil sa v**e
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila