Modernong Pulis Model Philippines
21/06/2025
Bakit nga ba madaming Pulis na matataba?
Here are the factors affecting this issue!
1. Natural Body built. We have three main body builds
A. ectomorph- typically slender with a small bone. this body type may find it difficult to gain weight or muscle. kumbaga natural na payatot, morag bitukon! HAHA
B. Mesomorph-medium bone structure, naturally muscular body type. AND THIS IS ME! HAHAπ€£ chars
C. Endomorph- larger bone structure, easier to gain weight and fats, Kumbaga natural na mataba!
2. Nature of Work: PNP has a broad mandate focused on maintaining peace and order, enforce laws and ensuring public safety 24/7 based on shifting. From field deployment (Checkpoint, beat patrol, mobile patrol, to police operations and etc) dagdag mo pa kahit namatay nilang a*o kami pa tatawagan, may sunog kami pa sisihin HAHA βοΈ, office works (mag atubang computer mastress buhat after activity reports), Court duties, yes we need to prepare ourselves for court duties, investigate crimes, gather evidence, and present that evidence in court to support the prosecution's case. minsan kami pa nakaka*ohan depende nalang sa pag prepare talaga from law enforcement phase palang. (mind draining)
3. Lack of sleep: (Please refer to No.2) Yes we barely sleep at night, Kapag nasa duty pinaka mataas 4 hours na tulog or less kaya naging factor ito kasi naging coping mechanism nalang namin ang kumain ng kumain para ma replace yong energy na nawala dahil sa puyat para kahit walang tulog eh may lakas padin para sa pag duty!
4. Lack of exercise- (Again refer to no.2 and no. 3) Yong bakanteng oras namin na dapat exercise namin eh, pinapahinga nalang namin para makabawi naman sa mga sleepless nights tuwing duty!
5. kaya kung feel mo stress kana sa work mo, tas feeling mo relax trabaho namin? sorry eha at eho bawal patulog2 sa pancitan pag pulis ka. try wearing the shoes we are wearing before you criticize us! π€‘π
Now tou tell me, Bakit nga ba?
17/05/2022
π£π¨πππ¦-π π¨π‘π§ππ‘ππ¨π£π π£ππ§ππ¬ π ππ§ππ£π’π¦ ππ‘π π§ππ§ππ’π‘π ππ₯ππͺ π‘π πππ₯π- πππ₯ππ§π¦π’π‘π πππππ§ππ’π‘ ππ¨π§π¬
Tatlong araw makalipas ang eleksyon, bumisita ako sa burol ng isang pulis para makiramay sa kanyang naiwang pamilya. Sa kalagitnaan ng saya namin sa resulta ng botohan, mayroon naman mga nagdadalamhati sa kawalan na nangyari matapos ang halalan.
Si SPO3 Manuel Escalona ay nag duty ng tatlong araw na tuloy-tuloy para sa eleksyon. Dahil malaki ang pangangailangan ng PNP na gampanan ang tungkulin na pangalagaan ang Peace and Order ngunit may kakulangan sa tauhan, hindi naiwasan na magkaron ng ganung klaseng schedule ang ating mga pulis. Sabagay, ganun naman talaga ang trabaho ng pulis, tulad ng sundalo. Kapag tawag ng tungkulin, walang magagawa kundi sumunod.
Namatay si Manuel dahil pumutok ang ugat sa kanyang puso. Matapos ang kanyang 3-day duty sa halalan, nakapagpahinga lang siya ng konti at nagpatuloy sa normal na gawain. Nagmamaneho siya ng motorsiklo niya nang atakihin, bumagsak at binawian ng buhay.
Ayon sa kanyang misis, si Manuel ay may mataas na presyon at diabetes. Minsan nakakainom ng gamot, minsan hindi. Marahil dahil sa stress dulot ng straight duty na tatlong araw kasabay ng hindi masyadong naasika*ong kalusugan ang naging sanhi ng pagbigay ng ugat ng kanyang puso. Bata pa siya, 42 years old lang.
Naniniwala ako na maraming MuntinlupeΓ±o na nasa ganyang kalagayan. Anong basehan ko? Yung bilang ng mga pumupunta sa opisina ko para mag request ng tulong para sa pagpapagamot ng mga sakit dulot ng diabetes, mga nagpapa-dialysis. Isa pa ay yung mga dahilan ng pagkamatay ng mga taong bibisita ko sa kanilang burol. Hindi ito pormal at scientific na pag-aaral o survey, ito ay ordinaryong obserbasyon ko lang batay sa karanasan. Pero ito ang realidad.
Kaya naman isa sa mga priority program na ating tutukan ang Kalusugan. Alam natin na isa ito sa mga hinaharap natin na sitwasyon na kailangan natin pagbutihin. Mahalaga na mabigyan natin ng sapat na atensyon ang pisikal na kalagayan ng ating mga kababayan dahil ang kalusugan ay susi sa pagiging produktibo. At ang pagiging produktibo ay kailangan para maging maunlad ang buhay ng tao.
Kapag pinag-usapan ang kalusugan, hindi ito limitado sa pagpapagamot sa ospital o health center. Dapat holistic ang approach. Ibig sabihin, sinasaklaw nito ang lahat ng aspeto ng pangangalaga ng ating katawan.
Bukod sa serbisyong dapat natin nakukuha kung tayo ay nagkakasakit, mahalaga din ang mga serbisyo na makakatulong sa atin na maka iwas sa sakit at ang pagpapanatili ng healthy lifestyle o malusog na pamumuhay.
Para sa layunin na ito, mahalaga ang pagkakaroon ng aktibo at agresibong education and information campaign tungkol sa mga hakbang tungo sa malusog na pamumuhay --- wastong pagkain na may tamang nutrisyon, sapat na physical activity at exercise at regular na pagpapatingin kahit walang nararamdmang sakit.
Ang pagpapatupad ng Health and Wellness program ay dapat suportado ng facilities at services na magagamit ng mga mamamayan para panatiliin ang kanilang malusog na pangangatawan o magpagaling mula sa karamdaman. Actually, kasama sa health and wellness facilities ang mga napagawa nang mga sports facilities at parks, lalo na para sa mental health.
Siyempre, kinakailangan na ang ating mga institusyon ng kalusugan ay may sapat na health professionals at workers, kakayahan sa diagnostic at treatment services, at available na supplies at medicines.
Ang nangyari kay Manuel ay isa lamang sa maraming halimbawa ng sitwasyon ng kalusugan ng marami nating kababayan. Marami sa paligid natin na parang walking time bomb. May mga sakit na iniinda pero hindi nagpapatingin malamang dahil sa kawalan ng kakayahan magpatingin o kakulangan sa serbisyo. Ito dapat ang ating ma*olusyonan.
Sabi nga, an ounce of prevention is worth more than a pound of cure. Kung magawa natin na mas marami ang nasa mabuting kalusugan, mababawasan ang kailangan natin gastusan para mapagaling mula sa sakit.
Si Manuel ay inuwi na sa kaniyang home province sa Ilocos. Sabay kami na puma*ok sa serbisyo publiko noong 2001. Mahigit 20 taon siya na naglingkod sa Muntinlupa bilang pulis. Hindi ko siya nakilala ng personal sa buong panahon na iyon, pero sa pagkikita namin sa aking pakikiramay, dama ko ang serbisyong binigay niya para sa bayan. Tinaya niya ang buhay para mapangalagaan ang ating karapatan sa malaya at demokratikong proseso ng halalan. Dadagdag siya sa ating mga inspirasyon na ihatid ang nararapat na serbisyo sa taong bayan.
Rest in peace and thank you for your service, SPO3 Manuel Escalona.
Β©Ruffy Biazon
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Address
Manila