SAMASA PUP CE
04/04/2026
UNITY STATEMENT | HANDS OFF TIFFANY AND JACOB! IKULONG ANG KAWATAN, HINDI ANG LUMALABAN!
Bunsod ng sunod-sunod na eskandalo ng korapsyon sa estado, umusbong ang malawak na alyansang anti-korapsyon at mga kilos-protesta sa buong bansa noong nakaraang taon. Naging matingkad ito noong ika-21 ng Setyembre, kasabay ng ika-53 anibersaryo ng Martial Law, kung saan mahigit 270 ang ilegal na inaresto sa Mendiola matapos ang marahas na dispersal ng pulisya. Matapos nito, nagsagawa ng crackdown ang estado sa mga nakiisa sa protesta at nagpadala ng mga subpoena kabilang ang mga lider-estudyante mula sa ibaβt ibang mga pamantasan sa Kamaynilaan.
Kabilang sa mga tuloy-tuloy na pinapadalhan ng subpoena, hindi bilang mga witness, ay sina Tiffany Brillante, ang kasalukuyang National Convenor ng Youth Rage Against Corruption (YRAC), Vice Chairperson ng SAMASA PUP, at dating Presidente ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral. At si Jacob Baluyot, ang Associate Editor ng The Catalyst at National Convener ng Alyansa ng Kabataang Mamamahayag PUP (AKM PUP). Dagdag pa, pagpasok ng taong ito ay sinasampahan sila ng PNP-CIDG ng gawa-gawang kasong sedition at inciting to sedition kasama ang humigit na 100 na progresibong indibidwal na kumilos kontra-korapsyon.
Ang mga salaysay ng PNP-CIDG ay pawang kasinungalingan at nakabatay sa imbentong paratang na nagpipinta sa mga lider-estudyante bilang mga "kumander" ng karahasan. Ang pagsampa ng mga gawa-gawang kasong ito ay bahagi ng sistematikong panggigipit ng estado sa mga kabataan. Sa halip na tugunan ang pagbaha, kahirapan, at korapsyonβginagawang sandata ng rehimen ang batas upang busalan ang mga kritikal na boses ng mga kabataan. Ito ay desperadong hakbang upang pagtakpan ang ugat ng korapsyon sa bansa at matagal nang kapabayaan ng gobyerno sa sektor ng edukasyon.
Sa kabila ng pasistang atakeng ito, nananatiling sira-sira at kulang ang pasilidad ng mga Iskolar ng Bayan na sintomas ng mababang alokasyon ng pondo sa Sintang Paaralan. Kaya naman, mariing kinokondena ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP, kabilang ang malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan sa Sintang Paaralan, ang pampulitikang panunupil ng rehimeng Marcos-Duterte kina Tiffany Brillante, Jacob Baluyot at sa sambayanan. Nanawagan din tayo sa administrasyon ng PUP na magsalita at protektahan ang kanilang mga estudyante at buong komunidad mula sa intimidasyon upang mapangalagaan ang akademiko at demokratikong karapatan ng bawat isa.
HANDS OFF THE YOUTH!
HANDS OFF TIFFANY AND JACOB!
DEFEND PUP!
PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON!
SIGNATORIES:
Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP
PUP Office of the Student Regent (OSR)
STUDENT COUNCILS:
PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM)
PUP College of Social Sciences and Development Student Council (PUP CSSD SC)
PUP College of Political Science and Public Administration Student Council (PUP CPSPA SC)
PUP College of Accountancy and Finance Student Council (PUP CAF SC)
PUP College of Science Student Council
PUP College of Education Student Council (PUP COED SC)
PUP College of Communication Student Council (PUP COC SC)
PUP Institute of Technology Student Council (PUP ITECH SC)
PUP College of Tourism, Hospitality and Transportation Management Student Council (PUP CTHTM SC)
PUP College of Computer and Information Sciences Student Council
PUP College of Architecture, Design, and the Built Environment Student Council
PUP College of Engineering Student Council (PUP CE SC)
PUP College of Arts and Letters Student Council
PUP College of Business Administration Student Council
PUP Taguig Central Student Council
PUP Maragondon Central Student Council (PUPMC CSC)
PUP San Juan Student Council
PUP Open University System Student Council
ORGANIZATIONS and PUBLICATIONS:
PUP The Catalyst
Alyansa ng Kabataang Mamamahayag ng PUP (AKM-PUP)
BAHAGHARI PUP (BH PUP)
PUP Journalism Guild (PUP JG)
Tambisan sa Sining - Sta. Mesa
League of Filipino Students PUP
Anakbayan PUP
Kabataan Partylist PUP
Panday Sining PUP
KATRIBU PUP
National Network of Agrarian Reform Advocates Youth - PUP (NNARA Youth - PUP)
PUP Advertising and Public Relations Organization of Students (PUP ADPROS)
PUP Maragondon SAMASA
KPL PUP-COC
AWS Cloud Club PUP (AWSCC PUP)
PUP College of Tourism, Hospitality and Transportation Management Rise for Education Charter (CTHTM R4E)
AGHAM YOUTH PUP
Kaya Natin! Youth - PUP
SINAGBAYAN PUP
Anakbayan PUP College of Arts and Letters
Panday Sining PUP College of Arts and Letters
SAMASA CAL
The Searcher
R4E CPSPA
SAMASA CPSPA
The Technikum
SAMASA OUS
BLOCKS:
PUP S1NAG
PUP SS1DLAK
BSCS 1-2
BSCS 1-1N
BSIT 1-5
BSIT 1-1
BSIT 1-1N
BSA 1-2
SKOLIDERAL (BAPS 1-1)
DOSocietas (BAPS 1-2)
ABS 1-3
5ingkolohista (BSPSY 2-5N)
BSEDFL 3-1
DMET 2-3
ABF 1-1
DOMT 1-2
DMET 2-1 (1ngeniare)
BSBA FM 2-4 (DOSKWATRO)
The Writt2N (BAJ 1-2N)
Dostalier (DMET 2-2)
BSMA 1-3
DOMT 1-4
BAPS 4-3
BSBA FM 2-5
DMET 1-1
BSEDSS 1-1
BSEDEN 1-2
BSEDEN 1-1
DMET 1-2
DMET 1-3
BSBA FM 1-1
BSMA 3-6
22/03/2026
Patuloy na bubutasin ng oil price hike at giyera ang bulsa ng masa. Kaya kailangang tuloy-tuloy na mag-alsa para may pagkaing ihapag sa mesa.
19/03/2026
π§πππ¨π π£ππ¬ ππ‘π π¨π‘ππ‘π ππ₯ππͺ π‘π πͺππππ!
βοΈπ₯
Ngayong araw, Marso 19, nakiisa ang mga Iskolar ng Bayan sa malawak na hanay ng mga tsuper, komyuter, kaguruan, at kababaihan upang tutulan ang lumalalang oil price hike, pagbabasura ng VAT at Excise Tax, at pagwawakas sa imperyalistang giyera ng US sa Iran.
Taos-pusong nagpapasalamat ang SAMASA PUP sa lahat ng volunteers at nagbigay donasyon sa Community Kitchen na siyang naging malaking tulong sa Transport Strike ngayong araw. Magkita-kita muli tayo mga Iskolar ng Bayan bukas, Marso 20, sa Welcome Rotonda para ipaglaban ang buhay at kabuhayan ng mamamayan! Ibaba ang presyo ng langis!
NO TO OIL PRICE HIKE!
VAT TANGGALIN, KORAP PANAGUTIN!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Address
PUP College Of Engineering, CEA Building, NDC Campus, Anonas Street Cor. Pureza St. , Sta. Mesa
Manila
1008